Chapter 3.

13 0 0
                                    


-----

From time to time lagi kong tinitignan ang oras, dahil badtrip lang, he's damn late for almost half hour? Ghad. Uso ba sa kanya filipino time?

Nung tinanggap ko ang offer niya, siya pa ang mas excited mag paphotoshoot sakin. Pero bakit ngayon, parang ako pa ang excited dahil sa on time kami? Ang usapan maaga, hindi mal-late.

Alam niya naman sigurong strikto ako sa oras, bawat segundo na nalulustay ngayon ay mahalaga sakin. Edi sana ngayon busy ako sa opisina at inaassist ang mga estudyante.

Kung hindi lang malaki ang offer niya, hindi ko tatanggapin eh. Eh sino bang photographer ang gusto siyang kunan? Gosh. Ang daming photographer sa mundo, ako pang mayroong time management ang gusto? Aksayado siya sa oras!

Well, sa totoo lang yung offer niya, kaya kong kitain ng isang linggo. Kaya huwag niyang ubosin ang pasensya ko at talagang i-cancel ko itong photoshoot, gayong hindi pa man din siya bayad. Tsk!

"Maam! Maam!" Isang matinis na naman na boses ang narinig ko. At napamulat nalang ako ng mata habang prenteng nakaupo sa upuan. Ghad! Mabuti nalang maganda ang tanawin dito sa tabi ng burol.

Onting minuto nalang ay magpapakita na ang inang araw. Napaganda ng sunrise.
Nasira lang dahil sa pisting tao na hindi ata marunong pumunta on time.

"Maam heather. Andiyan na po si sir!"

Pagkasabi non ni roxanne ay agad akong tumayo para umalis na.

"Maam?" Tawag niya sakin pero hindi ko siya nilingon. "Pakidala ang upuan. Mags-start na tayo..."

Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil nakalayo na ako sa kanya. Aware naman siya sigurong hindi maganda ang mood ko, ngayong kay aga aga pinapainit ang ulo ko.

Bakit ba may mga tao sa mundo na ang hilig pa initin ang ulo ko? Gosh. Pinanganak ba ako para laging uminit ang ulo? Tsk!

Malayo palang ako ay tanaw ko na ang mga body guard niya na kulang nalang ata pulis at army na ang isama niya para lang maprotektahan siya. Napataray na lang ako at hinanda ang sariling hindi mapag-initan ang taong yan.

Ayokong mastress dahil lang dito. He's not worth it anyway.

"Good morning, mister dantes.." Agaw ko sa atensyon nila sa kalagitnaan ng kanyang pakikipagusap sa mga body guard niya.

Dinig ko lang ay mapanatiliin nilang secure ang lugar. Siguro, takot siyang ipapatay gayong medyo malapit na ang eleksyon. Delikado ang mga kandidato sa mga public na lugar. Kung sabagay, baka madamay pa kami uhm.

"You may now go.." Sabi nito atsaka ako hinarap. "Hello, miss wilson. You're really beautiful..." Nagkamayan kami at ngumiti ako.

"Thank you. But we should atleast start the photoshoot, it's getting late already..."

Hindi ako mabobola sa ganyang bagay. Iba na lang, huwag ako. Marami na nagsabi niyan, alam ko naman bakit kailangan pang sabihin? I just want to be humble tsk.

"But workaholic. Masyado kang business minded miss heather.." Umupo siya sa ibinigay ng staff ko na upuan at tumingin ulit sa akin.

Nasa 50's na siya at marami naring wrinkles. Nakadagdag pa ang kanyang katandaan dahil balbas sarado siya. Malaki ang tiyan at namumuting mga buhok. Typical na sugar daddy kung mai-describe. Kung gipit ang isang tao, siguro maiisipan siyang patulan.

"Can we have a little chitchat atleast?" Tanong niya na ikinatawa ko ng mahina. Iyong tipong mapangpikon na tawa pero maganda padin. Ganern.

Nakangiti lang siya sa akin at napabuntong hininga nalang ako sabay ngiti. Can he explain why he's late atleast dzuh?

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon