Just like what he said last night, ipapahatid niya ako kay third sa bahay ng umaga o kahit ano mang oras kong gustohin at hindi naman niya ako binigo. Maaga palang ay nakasalubong na sa harap ng mansyon niya si third dala ang maganda nitong kotse. Malamang ay sa amo niya.
Pagmulat ko palang ng mata kanina ay hindi ko nakita si adan sa loob ng bahay. Pero nalaman ko din dahil nagiwan siya ng notes sa side table at may box doon na may laman na mga damit. Ang sabi niya lang doon ay 'dont bother find me. I am not at home'
Napataray nalang ako don sa iniwan niyang notes. Kahit pa na huwag na siyang magpakita sa akin kahit kailan ay okay lang. Nakakapanira ng araw.
Pero mas lalo atang nasira ang araw ko dahil sa mga damit na ibinili niya. Hindi naman panget ang binili niyang mga damit, ang totoo pa nga pasok pa sa taste ko ang binili niya. Mukhang mamahalin at branded. Ang kinaiinisan ko lang, bakit saktong sakto sa akin ang mga undies na ibinili niya?
Pati cup size ko, saktong sakto sakin. Did he check my vital statistics? Manyak.
He could have just measure it with his bare hands, paano kung iba na sa profile ko sa mga sites or fanpages ang measurements ko? Hindi man lang siya nagiisip. Buti nalang hindi mabilis ang metabolism ko.
I sighed out of annoyance at nagpasyang ipikit nalang ang mga mata. Naiistress ako kakatingin sa labas kahit na ang ganda ng tanawin sa labas. Saan ba ang bahay ni adan? Hindi ko man lang natanong iyon sa kanya. Gusto kong ipademolish yun at ibenta sa junkshop, pang bawe man lang.
"Gusto mo buksan yung stereo?" Sa tinagal tagal kong kasama ang busit na to sa loob ng kotse, ngayon lamang siya nagsalita. Akala ko nga hindi na talaga siya magsasalita dahil halata sa mukha niya ang pagiging mahiyain.
Come to think of it, hindi ko pa siya nagagantihan sa ginawa niyang hindi pagpapapansin sa akin. Hindi ako mabilis makalimot at hindi ko hinahayaan ang sarili kong hindi makaganti. But he looks weak, hindi ko siguro maatim na gantihan siya.
Ang laki ba naman ng ibinayad sa kanya at mukhang nangangailangan din siya ng pera dahil hindi naman siya mukhang mayaman. Kung ako ang nasa pwesto niya, bakit nga ba niya ako susundin diba? I sighed.
"I want you to shut your mouth." Sagot ko sa kanya at nananatili paring nakapikit. Ano namang gagawin ko sa stereo niya? Alam ko makikinig, pero nasa mood ba ako para makinig?
Bigla na namang tumahimik sa paligid at laking pasasalamat ko naman na this time, sinunod niya ako hindi katulad kahapon na sobrang loyal sa amo niya. Nagkaroon ako ng time para makapag isip ng idadahilan kong senaryo para kay eli.
Hindi basta basta titigil iyon hangga't hindi nasasatisfied sa isasagot ko. Kailangan kong maging mautak sa mga isasagot ko at kailangan tugma.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang mangyayari kung sinabi ko na magtatrabaho ako kay adan ng dalawang linggo. Halata naman sa kanya na ayaw na ayaw niya kay adan, doon pa nga lang sa party ay gusto niya na saktan si adan what more pa kaya kapag nalaman niya to. Alam ko naman na hindi ko to habang buhay maitatago, malalaman at malalaman niya parin pero hindi ko masasabi ngayon, siguro kapag tapos na lang. Two weeks lang naman yon, mabilis lang na panahon. Kasi kapag sinabi ko yan ngayon, bantay sarado ako. May pagka paranoid pa naman siya, ayoko namang abalahin pa siya sa mga ginagawa niya. Magiging istorbo lang ako, kaya mas mabuting itago ko nalang hanggang sa matapos ang kontrata namin.
But still, I am more worried about adan. Hindi ko alam ang plano niya sa gagawin namin at gagawin niya sa nga nakuha kong litrato. Sensitive ang mga yon, saan niya naman ibibigay hindi ba?
"Third, may I ask you?" Ako na mismo ang bumasag ng katahimikan sa aming dalawa. Since mukhang malapit naman siya kay adan, baka makalanghap ako ng mga impormasyon tungkol sa kanya. Ayoko namang magresearch about sa kanya, hindi naman siya kawalan.
BINABASA MO ANG
CAPTURED
RomanceShe wants to captured everything in peace and in a good way. But like all people around the world, we have a dark side of every image. Would she escape?