JEALOUSY

41 0 0
                                    

Ba't pa kasi sumama si Luke dito , hindi tuloy ako makaporma kay Dine .Kaya andito tuloy ako , umaaligid kay Luke para hindi din siya makalapit kay Dine.  Nakita ko silang  magka-usap ni Jean, I hope , ang presence ni Jean ay makatulong upang bumalik ang mga alaala niya . Hindi ko pa alam ang tunay na nangyari peru sigurado akong siya ay si Dine hindi si Julianne.


Papunta ako sa kwartu ni Jean , kakatok na sana ako ng marinig akong may kausap siya , alam ko kung sino , si Luke na naman .


"You are really spoiling me Lukeyyyy" si Dine 


"Of course ,anything for you " 



Sumakit bigla ang dibdib ko habang nakikinig sa kanila . Alam kong mahal ni Luke si Julianne , peru hindi siya si Julianne , si Dine siya at siya ang mahal kong babae noon pa man . Dapat malaman ni Luke ang tungkol kay Dine para maitama na ang mga maling nangyari . Dapat maibalik ko Dine sa buhay niya noon , sa pamilya niya at sa piling ko  . Nagkakilala kami ni Luke sa ibang bansa nong inambangan siya ng mga foreigners , na kursunadahan siguro siya , niligtas ko siya nung muntikan niyang mabaril . Mula noon , naging magkaibigan kami. Kaya ng malaman nya uuwi ako ay ni recommend niya ako sa company ng uncle niya . Dahil na rin sa experience ko ay madali akong na promote na IT manager peru hindi ko alam na dito ko makikita ulit si Dine . Si Luke ang naging daan na magkalapit kami uli ni Dine at mapatunayang buhay siya . Hindi ko sasayangin ang pagkakataon . 

Narinig kong palabas si Luke at may kausap sa phone niya kaya nagtago ako sa madilim na part ng yate. Nakinig ako sa mga pinag uusapan nila . 


"Hello Tito , yesss andito ako kasama , actually we were talking when you called me ."


"Of course , won't let that to happen, I'll guard her, sisiguraduhi kong walang makalapit sa kanya para maalala ang mga nakaraan. Mababaon sa limut ang lahat at hindi mauungakat ."

"Ok bye "


Anong ibig sabihin ni Luke na nakaraan, may alam din ba siya . Alam niya bang si Dine at Julianne ay iisa ? Sino ang kausap niya ? Si Mr. David ba yun? Pero bakit ? Pinag lalaruan ba nila ang kapalaran ni Dine ? 



Sino ba talaga sila ? 




Lust and Found MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon