ꨄ︎Chapter 1..

629 143 65
                                    

"Thank you, dahil hindi mo 'ko binigo. Minahal mo 'ko ng totoo..." Naiiyak na panimula 'ko sa aking wedding speech.

"Alam 'ko hindi 'ko deserve ang mahalin ng isang kagaya mo pero heto ka kasama ako.." Hindi 'ko na napigilan ang sarili 'ko, nagsisimula ng maging garalagal ang boses 'ko.

"Thank you for accepting my past, I love you.." Nakangiting sambit 'ko 'saka mahinang nagpasalamat sa kanya na siya lang mismo ang nakakarinig.

Napatingin ako sa mga taong umattend sa kasal namin, lahat sila nakangiti habang lumuluha. Napabaling ako sa aking Ama, pakiramdam 'ko hindi na mauubos ang mga luha 'ko, hindi ako umiiyak dahil sa sakit at lungkot kundi sa saya dahil makikita mo sa kanya kung gaano siya kasaya para sa'kin.

Nagugulat ako ng bigla akong yakapin ng taong mahal 'ko kasabay ng pagkakagulo ng mga tao.

Napaharap ako sa taong nakatayo malayo ng konti samin, hindi 'ko siya makita ng maayos hanggang sa naaninag 'ko siyang naglakad palayo. Napayakap ako ng todo sa mahal 'ko ng maramdaman ang unti-unti niyang pagbagsak sa katawan 'ko. Napatingin ako sa mga palad 'ko, nag-uunahan sa pagbuhos ang mga luha 'ko. Hindi ako nakagalaw, may bahid ng dugo ang palad 'ko. Hiniga ko siya sa bisig 'ko at napagtanto 'ko na lamang nakaharap ako sa krus habang umiiyak at yakap-yakap ang taong mahal 'ko.

"No!!!" Sigaw 'ko at biglang na pabangon mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa ulo 'ko at sa hindi inaasahan napabaling ako sa salamin. Nakita 'ko ang sarili 'kong lumuluha at biglang sumagi sa isip 'ko ang taong nasa pananiginip 'ko.

"Nabi! Are you okay?" Agad na bungad ni Mr. Matsunaga ng pagkapasok na pagkapasok sa kwarto ng kanyang anak. Lumapit ito sa kanyang anak at pinunasan ang mga luha nito.

Tumango na lamang si Nabi at agad na yumakap sa ama. Hinangod naman ni Mr. Matsunaga ang likod ng kanyang anak upang pakalmahin ito at iparamdam na hindi ito nag-iisa.

"Nabi, I bought Plane-ticket for you." Aniya ni Mr. Matsunaga sabay kawala sa pagkakayakap ng kanyang anak. Kinuha nito ang kamay ng anak 'saka inilagay dun ang Plane-ticket.

Napatingin ako sa aking ama, punong puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Napatingin ako sa Plane-ticket na binili niya, ang nakalagay na schedule ng flight ay ngayon mismo at papuntang pilipinas.

"Marami pa akong aasikasuhin dito kaya mauna ka," nakangiting aniya ng ama sa anak. "Promise, susunod din ako sayo." Dagdag pa nito.

"Ayuko! sabay tayong aalis." Pagmamatigas ni Nabi. Mayamaya bumukas ang pinto at iniluwa nun si Angelica. Mas lalo akong naging emosyonal dahil nakaimpake na ang mga damit 'ko, talagang determinado siyang paalisin ako.

"Hayst! wag mo na akong pahirapan sa pag-alis mo, hindi kana bata." Pagsesermon ni Mr. Matsunaga. Pinatayo niya na niya si Nabi 'saka pinasuot ang kulay pink na jacket at kulay black na sombrero.

----

Bumuhos na ang malakas na ulan, Hindi 'ko na pigilan ang hindi maluha ng makitang nakangiti ang aking ama habang nababasa ng ulan.

"Nabi, let's go!" Pag-anyaya ni Angelica, kahit hindi na din maitago ng dalaga ang sariling mga luha.

Sa huling sandali, pinakatitigan 'ko muna ang aking ama bago sumakay ng kotse. Mula sa side-mirror ng kotse, habang palayo na kami tanaw 'ko parin siyang nakatayo dun habang kumakaway.

"Don't worry, I'm here for uncle... so when you come there, live happily, okay?" Pagpapagaan ni Angelica sa loob ng kanyang kaibigan.

Mula sa mahabang byahe namin papuntang airport, nakarating din kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's 10,575 km Apart From HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon