XX. Sermon

317 0 0
                                    

Sermon

Damaso
Alperes
Ibarra
Tiyago
Maria
Elias
Mga mamamayan

Lugar: Simbahan

Padre Damaso: At iginawad mo sa kanila ang mabuting kalooban upang palaganapin ang pangaral, hindi mo binawi ang biyaya ng salita sa kanilang bibig at sa halip ay binigyan ng tubig upang mapawi ang kanilang mga uhaw.

Labis na namangha at lahat ng nakaintindi sa sinabi ni Padre Damaso.

Padre Damaso: Ang mga salita ng Diyos ang magpapaunlad sa inyo. Kaya't kayong mga makasalanan, pagmasdan ninyo Siya ng buong paggalang at pagsisisi. Tingnan ninyo na lamang si Gideon, ang matapang na si David, ang matagumpay na si Roldan, ang guwardiya sibil ng kalangitan na lalong marahas kaysa sa lahat ng mga sibil.

Hindi malaman ng alperes ang gagawin habang tinitingnan ito ng mga nakapaligia.

Nang makitang alumpihit sa pagkakaupo, lalong nag-init sa pagbibigay ng komentaryo
ang kura.

Padre Damaso: Totoo yan, Senor Alferes, sa pamamagitan lamang ng krus na kahoy, nagapi ng
Panginoon ang mga tulisan ng kadiliman. Hindi siya gumamit ng baril. Hindi siya gumamit ng
anumang sandata!

Marami sa nakikinig ang inaantok na sa haba ng sermon. Naghihikab na rin si Kapitan Tiago samantalang palingun-lingon naman si Maria Clara sa lugar na kinaroroonan ni Crisos-
tomo Ibarra.

Padre Damaso: Mga makasalanan!Marami sa inyo ang hindi nakakabasa ng Banal na Kasulatan subalit nakakamemorya ng Ama Namin. Para kayong mga erehe tulad ng mga Intsik na hindi gumagalang sa mga alagad ng Diyos. Sa pagkukulang
na iyan, tiyak na mauuuwi kayo sa impyerno!

Padre Damaso: Dati-rati, kapag nasasalubong ng Indio ang sinumang pare sa daan, nakatitiyak kang yuyuko ito sa paggalang. Pero ibang-iba na ang panahon. Dumarami ang mga walang galang na Indio. May mga nakapag-aral lang sa Europa na nang magbalik sa Pilipinas ay parang kung sino na. Sa halip na humalik ng kamay ng mga banal na pare ay nakikipagkamay na lang sila.
Mga bastos! Mga walang respeto! Mga anak ng erehe!

Namula si Ibarra. Kinontrol niya ang sarili. Ibinaling na lamang niya ang tanaw sa bawat rebulto ng santo sa simbahan upang umiwas sa gulo.

Sa wakas, natapos din ang sermon.
Lahat ay lumuhod at nagpasalamat sa Panginoon.

Habang inaawit nina Balbino at Chananay ang Incarnatus Est at taimtim sa pagkakaluhod
at pagkakayuko ang lahat, may lumapit kay Ibarra at nagbulong.

Elias: Sa seremonya ng pagbabas-
bas bukas, mag-ingat kayo. Huwag na huwag kayong lalapit sa pundasyong bato. Nakasasalay po sa pag-iingat ang kaligtasan ninyo.

Nang lingunin ni Ibarra ang nagsalita, nakilala niya ang nagmamadaling si Elias na kaagad nawalang para bula.

Noli Me Tangere (Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon