XXII. Iniligtas ni Elias

265 1 0
                                    

Iniligtas ni Elias

Elias
Ibarra
Utusan

Lugar: Kwarto ni Ibarra

Utusan: May nais makipag usap sa inyo, Senor Ibarra.

Katatapos lamang magbihis ni Ibarra nang ipaalam ng utusan na may isang lalakeng gustong makipag-usap sa kaniya. Inakala niyang isa sa mga manggagawa niya ang bisita
Nagulat si Ibarra nang lumabas sa sala. Naghihintay doon si Elias.

Elias: Utang ko sa inyo ang aking buhay.

Ibarra: Hindi ka kailangang magpasalamat sa akin.

Elias: Kung tutuusin, kayo talaga ang nagligtas sa buhay ko. Bahagi lang po ng kabayaran ko ang ginawa ko kanina. Hindi po kayo dapat magpasalamat. Nagpunta ako rito upang humingi ng isa pang tulong ninyo.

Ibarra: Hindi ko makukuhang di ka tulungan, ano ang magagawa ko para sa iyo?

Elias: Kung lilinawin ng mga awtoridad ang nangyari, ipinakikiusap ko sa inyong huwag
sasabihin kaninuman ang babala ko sa inyo sa simbahan.

Ibarra: Huwag kang mag-alala, alam kong pinaghahanap ka ng mga
maykapangyarihan pero marunong naman akong tumanaw ng utang na loob.

Elias: Hindi po para sa akin kundi para sa inyong kapakanan ang lahat ng ito. Kung susuriin, wala po akong dapat ikatakot sa lipunan.

Ibarra: Ano ang ibig mong sabihin?

Habang nakakunot noong nakatitig si Ibarra sa bangkero.

Ibarra: Mga kaaway? May mga kaaway ba ako?

Elias: Magandang-maganda po ang inyong plano pero isipin ninyong may
nakaraan ang inyong lipi. May mga kalaban ang inyong ama at ninuno. Sila na nangarap ituwid
ang ilang kahinaan ng mga katutubo ang siya pang kinainisan at gustong paghigantihan.

Ibarra: Alam mo ba kung sinu-sino ang kalaban ko?

Elias: Isa sa mga kaaway ninyo ang madilaw na tao.

Malalim na nag-isip si Ibarra bago nagsalita.

Ibarra: Ikinalulungkot kong namatay ang madila na tao. Mas marami siguro siyang masasabi kung buhay siya at nakausap natin.

Elias: Kung nabuhay po siya, maaaring nakatakas siya sa katarungang dapat sana ay walang kinikilingan.

Ibarra: Naniniwala ka ba sa mga milagro? Milagro raw ang dahilan kaya nakaligtas ako.

Elias: Higit po akong maniniwala sa Panginoon kaysa sa milagrong sabi-sabi ng tao. Wala pong milagrong naganap nang maligras
kayo.

Elias: Nang pakawalan na ng lubid sa ikiran ang umuugang batong buhay, natitiyak kong madudurog kayo sa uka ng bato kaya sinunggaban ko ang madilaw na tao na patakbo sanang
tatakas, Nanlaban siya subalit malalakas po ang mga kamay na ito. Ang batong buhay na gusto
niyang ihandog sa inyo ay nagdulot ng malagim na kamatayan sa kaniya mismo.

Ibarra: I... Ikaw...ang nagtulak sa kaniya?

Elias: Gusto niyang tumakas. Kitang kita ko ang mabilis na pag-aalis niya sa buhol ng lubid. Hindi po ako ang pumatay sa kaniya. Ginusto po ng Panginoon na pagdusahan niya ang
masamang plano niya sa iba.

Binigyang-diin ni Ibara sa bangkero na hindi mailiwasan ang katotohanang kailangang
hatulan ng tao ang kanyang kapwa sa paggawa nito ng mabuti at masama.

Elias: Hindi na ako magtatagal. Alam kong may lalakarin kayong mahalagang bagay. Salamat
sa inyong pangakong ipaglilihim ang lahat. Pakatandaan sana ninyo ang babala ko: May mga
kaaway kayo. Mag-ingat kayo alang-alang sa bayan.

Dali-daling tumalikod si Elias.

Ibarra: Kailan kita makikitang muli?

Elias: Kung kailan ninyo ko kakailanganin at kung kailan ako makatutulong sa inyo. Hinding
hindi ko makakalimutan na utang ko sa inyo ang aking buhay.

Noli Me Tangere (Script)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon