CHAPTER 1
Naalimpungatan si Amanda ng makaramdam ng mainit sa kanyang leeg, bahagya niyang minulat ang mata saka niya lang napagtanto ang mainit na kamay na nakasapo sa isa niyang dibdib.
pumikit siya ulit at hindi kumibo, nagtulog tulugan hanggang sa unti unting tumigil ang paghalik sa kanyang leeg at ang pagmasahe sa isa niyang dibdib.
dinilat niya ang mata ng marinig ang mabigat na paghinga ng nakayakap sa kanya tanda na natutulog na ito, dahan dahan siyang bumaling dito.
naamoy agad niya ang alak sa hininga ng lalaki, hindi maiwasan ni Amandang irapan ang natutulog na si Aniel sa tabi niya.
tuwing uuwi ito ng gabi at lasing ay pumapasok ito sa kwarto niya at tinatabihan siya pero wala naman nangyayari sa kanila.
inangat niya ang kamay at hinaplos ang pisnge ng binata, hindi niya maiwasang kiligin kapag ginagawa niya yon, napakagwapo talaga ng lalaki sa paningin niya lalo na pag tulog ito dahil hindi siya nito sinusungitan pag tulog ito.
Nagising siya sa tunog ng kanyang alarm clock, pagkamulat ng mata ay binalingan niya agad ang katabi niya, napabusangot nalang si Amanda ng makitang wala na dun si Aniel.
'Oh well! What's should i expect?'
kapag gigising siya kinabukasan ay hindi na niya ito naaabutan sa kama niya, kahit nakainom ang loko ay nakakagising pa din ng maaga para lang hindi niya malaman na tumabi ito sa kanya pero hindi alam ni Aniel na tuwing tatabi ito sa kanya ay nagigising talaga siya.
pagkatapos maghilamos at magtoothbrush ay kaagad naman bumaba si Amanda para tignan kung may nakahanda ng almusal.
hindi nga siya nagkamali dahil pagkababa niya sa dining area ay may nakahanda ng almusal, nakaupo na din don ang lalaki na busy na naman sa pagkalikot ng cellphone.
napairap siya bago umupo sa tabi ng lalaki, kaagad naman siyang pinaglagay ng pagkain sa plato niya habang maya't maya pa din tinitignan ang cellphone na hawak sa isa nitong kamay.
tahimik silang kumakain at pinagpapasalamat niya na tuwing kakain sila ng sabay ay tinatago na nito ang kinabubwisitan niyang cellphone.
pasimpleng tinignan niya si Aniel na kumakain sa tabi niya, napairap na naman siya kapag naaalala ang pagtabi nito sa kanya.
tuwing magigising siya kinabukasan ay parang hindi nito pinasok ang kwarto niya, akala talaga nito ay hindi niya alam ang ginagawa kapag umuuwing nakainom.
'This so unfair! kapag siya pwedeng pumasok sa kwarto ko at hipuan ako pero pag ako hindi pwedeng basta basta pumasok sa kwarto niya?! Argh!'
kaagad na tinapos ni Amanda ang pagkain niya, umiinit na naman ang ulo niya sa lalaki. hindi na siya nag abalang ligpitin ang pinagkainan dahil gagawin na iyon ni Aniel.
BINABASA MO ANG
FGS: Amanda Farell (On-going)
Художественная прозаFGS Series I WARNING: Mature Content | R-18 | Rated SPG