CHAPTER 2
Tahimik at nakahalukipkip na nakaupo si Amanda sa passenger seat habang si Aniel naman ay tahimik lang din na nagmamaneho.
Naiinis pa din siya dito, hinding hindi siya maka move-on sa nalaman niya kanina at hinahayaan lang ng lalaki na kumalat sa buong university na magkapatid sila.
Hindi naman maitatanggi ang akin nitong kaguwapuhan, kaya siguro kahit freshmens palang sila ay kilala na ito sa buong university.
Nalaman niya din na nirerecruit pala ito ng soccer team pero tinanggihan nito ang pagsali sa team, kaya naman pala kilala ni Aniel ang lalaking naka varsity jacket na kumausap sa kanya sa cafeteria.
Napairap siya, kahit kailan talaga ay napaka pabebe at napaka paimportante ng lalaking to. Ang hilig hilig mang reject, well isa na nga siya sa mga nareject nito.
Nabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng tumunog ang cellphone ni Aniel na nakalagay sa dashboard, pareho silang napatingin dun.
Binalingan niya ang lalaki, sino naman kaya ang tumatawag dito?
Tumaas ang kilay niya ng mabilis na bumaling sa kanya ang lalaki. "Can you pick up my phone Amanda?"
Lalong umarko ang kilay niya, at ngayon hahayaan siya nito na hawakan ang pinakamamahal nitong cellphone? pero sabagay, nagmamaneho ito.
Hindi na siya nagpakeme pa at inabot ang nag iingay na cellphone, kaagad niyang tinignan ang screen nito.
Napaawang ang labi niya ng mabasa ang pangalan ng tumatawag. "Mr. Wright?"
Tumingin siya Kay Aniel ng mabilis nitong hinablot sa kamay niya ang cellphone, sinagot nito ang tawag habang patuloy na nagmamaneho gamit ang isang kamay.
"Sir." seryosong seryoso ito habang nakikipag usap sa taong nasa kabilang linya, hindi niya maiwasang mapaisip. It is just a coinsidence na may kakilala din siyang Mr. Wright?
"Hindi po ba pwedeng bukas? kasama ko kasi ang—" kumunot ang noo niya ng bumuntong hininga ito. "Yes, sir. pupuntahan ko ngayon din."
Nakamasid lang siya sa lalaki habang pinapasok nito sa bulsa ng pants nito ang cellphone, naghintay siyang may sabihin ito pero wala.
Humalukipkip at nanahimik nalang siya sa kinauupuan dahil mukhang wala namang balak magsalita ang lalaki pero napapaisip pa din siya, ang Mr. Wright ba na kilala niya ay ang Mr. Wright na tumawag dito?
Ilang minuto pa ang nakalipas ng mapansin niyang iba ang tinatahak nilang daan, hindi iyon ang daan pauwi sa bahay nila at alam niyang malayong malayo sila ngayon papunta sa bahay nila.
Nagtataka siyang bumaling sa lalaki na seryoso lang na nagmamaneho. "Aniel where we going?"

BINABASA MO ANG
FGS: Amanda Farell (On-going)
Художественная прозаFGS Series I WARNING: Mature Content | R-18 | Rated SPG