CHAPTER 4
Hindi pa lunch break pero nasa cafeteria na si Amanda, pagkatapos ng unang subject ay free cut nila, dahil wala naman siyang ibang pinupuntahan sa university ay pinili niyang tumambay muna sa cafeteria at bumili ng snacks.
Hindi na naman niya maiwasang mairita kapag naaalala si Aniel, simula nung gabing tumabi na naman ito sa kanya ng pagtulog ay hindi pa din siya kinikibo. pinagluluto, hinahatid, at sinusundo pa rin siya nito pero feeling niya parang allergic sa kanya ang lalaki.
Kapag umuuwi sila sa bahay ay hindi ito nagtatagal, umaalis agad ito at hindi niya nalang mamamalayan na nakauwi na ito.
She wants to take a break from Aniel, kahit isang araw lang pero pano? gusto niyang makipag bonding sa girls para mawala kahit sandali ang inis na nararamdaman niya pero mukhang busy ang mga ito sa kanya kanya nilang buhay.
Wala din naman siyang ibang friends na yayayain para gumimik or magbonding, napabuntong hininga siya. 'Fuck! I'm such a loner.'
"Hey, babe."
Nagulat siya ng may umupo sa tabi niya at akbayan siya, sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ng lalaki. Sa unang tingin palang ay masasabi mo na agad na babaero ang lalaki, hindi siya agad nakapagsalita o nakagalaw dahil gulat pa din siya sa biglang pagsulpot at pag akbay nito sa kanya.
"Oh please, Ian Kristoff. Don't use your charm on her, stop being jerk when you're with us." napunta ang tingin niya sa tatlong lalaking umupo sa harapan nila.
Literal na napanganga siya habang nakatingin sa mga lalaki, prenteng umupo ang mga ito sa upuan sa harap niya.
Narinig niya ang mahinang tawa ng lalaki sa tabi niya ng alisin nito ang pagkakaakbay sa kanya, dahil hindi siya makagalaw kanina dahil sa gulat ay hindi na niya nakuhang alisin ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki.
Umangat ang tingin niya sa blonde na buhok ng lalaki na naka top knot, kahit nakaupo na sila ay kailangan niya pa din itaas ang tingin niya dahil talagang matatangkad ang mga ito kaya kahit nakaupo ay mahahalata pa din ang taas nila.
"Sorry for being rude miss." nilingon niya ang isang lalaki na moreno, ngumiti ito sa kanya at napaka amo ng mukha nito.
"This is our spot babe, but we can share our table to you." Ian said and winked at her. napatanga siya sa sinabi ng lalaking haliparot.
'Babe? Nung unang kita niya dito ay sweety ang itinawag sa kanya, ilang endearment ba ang alam ng malanding lalaki na to?
Hindi niya nalang pinansin ito dahil wala siya sa mood, mabilis siyang tumayo at iniligpit ang mga pagkain na nasa lamesa.
"Hey, it's okay. We'll not gonna eat yet, hinihintay pa namin si captain. You can finish your food." tinignan niya ang lalaking moreno kaya natigil siya sa ginagawa.

BINABASA MO ANG
FGS: Amanda Farell (On-going)
Ficción GeneralFGS Series I WARNING: Mature Content | R-18 | Rated SPG