CHAPTER 3
Habang nag aagahan ay tahimik lang sila ni Aniel, ilang araw na ang nakalipas mula nung nasampal niya ito at hindi pa din sila nag uusap.
Sabay silang nag aagahan, sabay na pumapasok at sabay na umuuwi pero hindi sila nag uusap o nagkikibuan.
Gusto niya itong kausapin at humingi ng tawad dahil nasampal niya ito pero lagi siyang nauubusan ng sasabihin kaya sa huli ay nananahimik nalang siya.
Matapos nilang mag agahan ay pumasok na sila, pagdating sa university ay nauna siyang bumaba ng kotse at hindi na hinintay ito.
Parang bumalik sila sa dati, cold treatment.
Napabuntong hininga si Amanda, masama ba talaga yung ginawa niya? nasaktan lang naman siya sa sinabi nito kaya nasampal niya ang lalaki.
"Amanda!"
Natigil siya sa paglalakad at nilingon si Archie na nagja-jog palapit sa kinatatayuan niya, nakasuot ito ng basketball uniform kaya sa tingin niya ay galing ito sa practice.
"Hi Arch, good morning." bati niya dito, natigilan ito sandali saka ngumiti sa kanya.
"Arch?" natigilan din siya. "I like it, you gave me a nickname. Nice, you can call me Arch from now on." nginitian niya lang ito.
Hindi niya din alam kung bakit lumabas sa bibig niya ang itinawag niya dito, siguro kasi mas madaling sabihin iyon kesa sa Archie.
"Ahm, Amanda. About last time, are you okay?" naalala na naman niya ang naging sagutan nila ni Aniel, hindi siya okay.
"Yes, I'm super okay." ngumiti pa siya dito para makumbinsi ito.
"Glad to know that, akala ko pinagalitan ka ng kapatid mo dahil nanuod ka ng practice game. I just felt na kasalanan ko kung magagalit siya sayo kasi ako yung nag invite sayo na manuod ng game, I heard that he is so protective to you." Napatanga na siya sa sinabi ng lalaki, pati pala ito ang alam ay magkapatid sila ni Aniel.
"Ahm, actually. Me and Aniel, we're not siblings." kita niya ang pagkunot ng noo ng lalaki.
"Oh, ahm. cousins?" umiling siya dito na lalong ikinalukot ng mukha ng lalaki. "Ano mo siya?"
Napaiwas siya ng tingin at kinagat ang ibabang labi, sasabihin niya ba dito ang totoo? pero mukhang mapapahiya lang siya kapag sinabi niya ang tunay na relasyon nila ni Aniel, malamang sa malamang ay itanggi siya ng lalaki.
"Long story." inangat niya ang tingin sa lalaki na nakapilig ang ulo habang matiim na nakatitig sa kanya pero ilang saglit lang ay ngumiti din naman ito.
"O-okay." nginitian niya din ito dahil talaga namang nakakahawa ang ngiti nito. "I really want to talk to you, nag-alala talaga ako ng hilahin ka ni Suarez palabas ng gym. It's nice to know that you're okay."

BINABASA MO ANG
FGS: Amanda Farell (On-going)
General FictionFGS Series I WARNING: Mature Content | R-18 | Rated SPG