// chapter one

56 6 1
                                    

// chapter one

"wala ka bang balak na mag-apply man lang ng work?" masungit na bungad sa kaniya ng kaniyang kapatid, kagagaling lamang nito sa eskuwelahan.

kaya lang, mukha namang hindi nito sineseryoso ang pag-aaral, sana ay siya na lamang ang pinag-aral.

"naghahanap pa lamang ako, gustong gusto ko na ding makalayo sa iyo. nakakabuwisit ka masiyado." iritable niyang wika.

napairap lamang ang kaniyang kapatid.

"as if akala mo naman gusto ko din? hindi 'no, pwe!" mataray nitong sagot.

"may as if na nga, may akala pa. nag-aaral ka ba talaga?" mataray niyang sagot rito.

napapahiyang umirap ito at nagdadabog na umakyat sa taas ang kaniyang kapatid.

napailing-iling na lamang siya, oo at alam niyang ampon lamang siya pero hindi siya painosente para hindi patulan ang mga kontrabida sa bahay ano! nasa realidad siya at wala sa isang drama para umastang inosente.

dinampot niya ang diyaro na kanina'y binabasa ng kaniyang amahin.

mr. alegre, naghahanap ng katulong. isa si mr. alegre sa mga mababagsik at bigatin pagdating sa labanan ng kumpanya, sucessful ito at may 2 malalaking kumpanya na pinapatakbo.

kung gusto ninyong subukang mag-apply, pumunta lamang sa address na ito.

pinunit niya ang nakalagay na address, bukas na bukas rin ay gagamitin niya ang kaniyang munting ipon para lumuwas, at sisiguraduhin niyang makakapasok siya.

sayang naman kung nagastos lamang niya sa wala ang pinamasahe niya, mahirap ang buhay ngayon.

bumuntong-hininga na lamang siya saka pagod na naglapag ng karton sa sahig, ang sabi ng kaniyang ina-inahan na tutal ay ampon rin naman daw siya, kaya hindi siya kabilang sa kwarto nila sa itaas.

minsan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng tampo rito, sana ay hindi na lamang siya inampon ng mga ito kung ganito rin naman siya itatrato.

bukas, makakaalis na rin ako rito.

--- bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon