// chapter three
nakaramdam siya ng excitement ng makababa sa bus, andito na siya sa manila!
for the first time, nakapunta siya sa ibang lugar. palagi kase siyang nasa bahay, at hindi isinasama ng kaniyang mga magulang sa tuwing lalabas ang mga ito.
napapikit siya, hindi na sariwang hangin ang kaniyang matitikman. gayunpaman, magtitiis na lamang siya.
hindi naman giginhawa ang iyong buhay kung hindi ka marunong magsumikap.
pumunta siya sa seksyon ng mga tricycle, at nagtanong isa sa mga driver.
"kuya, maaari ninyo po ba akong dalhin sa address na ito?" magalang niyang wika rito.
tumango ito at sinabi ang presyo ng bayad, tumango na lamang siya.
may pagkamahal, pero ano pa ba ang aasahan niya? manila ito, wala na siya sa kanilang probinsya.
habang naglalakbay ang sinakyang tricycle, naidlip muna siya.
panginoon, tulungan mo po akong makuha ang trabahong ito.
BINABASA MO ANG
--- boss
Romance"don't tease me, i'm fucking serious." title: --- boss writer: jeon jellie genre: romance language: taglish status: on-going // do expect slow ud's due to personal reason.