// chapter four
naramdaman niyang huminto na ang sinasakyan niyang tricycle kaya naman ay lumingon siya sa labas.
napanganga siya sa nasilayan, totoo ba ito? o sadyang namamalik-mata lamang siya.
ang bahay -- este mansiyon na kaniyang nakita ay tila palasyo!
"miss, andito na po tayo." tugon sa kaniya ng driver.
agad niyang iniabot ang bayad rito at lumabas na sa tricycle.
napakapit pa siya sa kaniyang bagahe, hindi siya makapaniwalang magtratrabaho siya rito -- iyon ay kung matanggap siya.
pumikit siya at taimtim na nagdasal.
"panginoon, nawa'y matanggap po ako. iyon lamang ang aking hinihiling." wika niya sa sarili.
"miss?" rinig niya sa isang malalim na boses.
napaigtad siya at nilingon ang nagsalita.
laking gulat niya nang makita kung sino ito -- ito ang lalaking nasa diyaryo ng kaniyang ama-amahin.
mr. alegre!
BINABASA MO ANG
--- boss
Romance"don't tease me, i'm fucking serious." title: --- boss writer: jeon jellie genre: romance language: taglish status: on-going // do expect slow ud's due to personal reason.