// chapter seven

36 2 3
                                    

// chapter seven

"first time mo ba ito?" nakangiting wika sa akin ni manang norma.

siya ang inihabilin ni mr. alegre upang tulungan akong mag-ayos ng aking gamit, kahit pa nga tumanggi ako.

"o-opo."

ngumiti ito sa akin at ito mismo ang nag-ayos sa pagkakatupi ng aking mga damit.

"kapag inutusan ka, sumunod ka kaagad." basag ni manang sa katahimikan.

tumango ako bilang sagot.

"mainipin si sir, hindi lang nasunod sisigawan ka na noon." nakangiti pa nitong wika.

hmm, nababaliw ba si manang? sino namang matutuwa kapag nasigawan ng amo?

"pero mabait iyon, naging mainipin lang iyon simula ng iwan siya ni alliah."

nagtatakang lumingon ako kay manang.

alliah? sino iyon?

"sino po si alliah?" magalang kong tanong.

"siya ang--"

"manang! ipinapatawag po kayo ni sir alegre!" sigaw ng isa sa kapuwa niya katulong.

ngumiti muna si manang norma sa kaniya bago umalis sa inuukupa nilang kuwarto.

sino kaya ang alliah na iyon?

--- bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon