Kirito's Point of View
[Blade Mate Online World 5:47 pm, May 17, 2031]
*shing shing*
Tunog iyon ng aking espada. Sa kasalukuyan, nakikipaglaban ako sa isang higanteng monster. Hindi naman masyadong malaki.
"Uppercut!" Lumipad ako tapos in-upper cut ko yung halimaw.
"End Slash!" At inespada ko na ang halimaw mula sa air patungo sa kanya.
*kushing*
Tunog iyon ng pagkawala niya. Natalo ko na siya. Nagiwan siya ng isang rare item, tatlong teleportation crystal.
Teka, kanina pa siguro kayo nagtataka kung bakit ako nakikipaglaban sa isang halimaw. Nandito po ako sa isang game called Blade Mate Online. Isa na itong popular sa amin. Virtual lang po lahat.
*clap clap clap*
Tinutukan ko agad ng espada ang tao sa likod ko na nagpalakpak. Aaahh..... Si Asuna.
"Ohayo Kirito-kun!" Ohayo means good morning.
"Ohayo!" Tapos nag-kiss kami gently at nag-hug. Pareho kaming mahilig sa laro. Nagkakilala kami sa isang laro din called Sword Art Online.
"Congrats."
"Gusto mo?" Inalok ko sa kaniya ang isa kong crystal. Tatlo kasi ang inilabas nung halimaw na iyon na crystal.
"Haaah???" Amaze po iyan. Hindi po nagtatanong. "Talaga? Siyempre naman. Teka, ilan ba binigay nun?"
"Tatlo."
"Eh saan mo ibibigay yung isa?"
"Wala, itatago ko muna."
"Muna? So ibibigay mo? Kanino? Saan? Kailan? Magkano? Paano? Bakit? De joke. Haha."
"Ano ba yan Asuna. Haha. Sige, doon tayo." Sabay turo ko sa isang forest.
"Huwag! Ayoko. May rumor jan."
"Rumor rumor. Chismis lang yan."
"Basta ayaw ko. Masama pakiramdam ko. Uwi muna tayo." Wala akong choice kundi umuwi muna sa amin. Sa village kami nakatira. Sa Nero village.
I'm Kirito in this world pero totoo kong pangalan ay Kirigaya Kazuto. I am in relationship with Asuna. Real name niya rin yun. Haha.
*Nero village*
"Aaaahh! OMG! OMG! Aaaaaahh! The couple is here!" Ang ingay nitong babaeng ito. Siya si Lu. Nakilala ko siya sa game called Alfheim. Ang ingay ingay niya but be careful on her powers, she got a high dark magic skill. Nagdiretso kami sa bar ni Egil. Si Egil, nakilala ko siya sa Sword Art Online, ay isang muskuladong lalaki.
Pagpasok namin, nagsitinginan lahat ng mga nilalang doon. Haha, nilalang dahil may mga taong may pakpak, mga taong may espada, may baril at iba pa.
"Late yata kami." Awkward na sabi ko. Andami na kasi sila sa loob.
"Hindi naman. Pinaaga lang namin ang oras na sinabi sa kanila para masurpresa ka ngunit kami yata ang nasurpresa." Pambungad na sabi ni Klein sa amin. Unang nakilala ko siya sa Sword Art Online. Tinuruan ko siya ng mga basic steps.
"Woah, Klein. Nosebleed. Andami mong sinabi." Andami at sunod-sunod kasi. Kaya binatukan ko siya. "Aaaahh." Pagaaray ni Klein. "Hahahah--. Aray!" Napa-aray din ako dahil kurutin ka ba naman si Lu na pusa. Mukhang pusa kasi siya.
"Sinong sinasabi mong pusa? Ha?"
O_O n-nabasa niya isip ko?!
"Oo, nababasa ko ang isip mo."
"Pwede pala dito ang bumasa ng isip?" Ay oo pala. Yung mga every ika-100 players pala. At yung pinaka-unang gumamit nito. Pagkatapos ng 100, uulit na naman sa 1.
"Nevermind. Hali na kayo dito." -Klein. Tapos dumiretso na kami sa table ng mga drinks. Nakita ko si Egil, iyon, ganun pa rin ang itsura.
"Oh! Kirito. Musta ka na?"
"Nakakuha ako ng crystal." Calm lang na sabi ko. No need naman na sumigaw ako.
"Anong crystal?" Sabay na tanong ni Egil at Klein.
"Teleportation crystal." Pagkasabing pagkasabi ko yun, tumahimik ang lahat dahil sa gulat.
"Bakit?" Tanong ko? Kung makatahimik naman mga to parang nasa simbahan eh kanina nga eh parang tiendahan. :) haha. De joke.
"Weeeh? Patingin nga." At pinatingin ko sa kanila yung isa.
"Totoo nga." Isinigaw niya. Tapos marami naman na ang lumapit sa akin sabi:
"Ito oh, 10000 pon, akin na yan." [Pon- yung unit ng pera dito]
"Ito 15000, mas mataas sa akin." Sabi naman nung isa.
"Huwag kang maniwala sa kanya. Ako na lang."
"Bakit naman." At marami pang ibang sinasabi. Hindi ko na nga naiintindihan yung mga iba.
"Sandali." Sabi ko. Hindi sila tumitigil. "Sandali!" Sumigaw na ako at dahilan sa pagkagulat nila kata tumahimik ang paligid.
"Hindi ko po ibinibenta ito. Sa akin po ito. Okay?" Pagsisinungaling ko. Para matapos na rin ang gulo. Haha. Nagsibalikan na ang lahat maliban ako, Asuna, Klein, Lu, at Egil.
"Saan mo naman nakuha yan?" Tanong ni Klein.
"Sa isang malaking halimaw na kulay blue yung fur, red ang mata, matutulis na kuko, at malaking ulo." Paglalarawan ko with the matching gestures. At namangha naman sila.
"Teka lang, Egil, nandiyan ba yung mapa mo?" Tanong ko dahil nacucurious ako.
"Uhm.. Oo. Bakit?"
"Patingin nga. May titingnan lang ako." At iniabot sakin ni Egil yung ipad niya na nakaopen na yung mapa. Woah! Ang laki pala nitong world na ito. Hinanap ko yung field kanina kung saan ako nakipaglaban. Mga 4 minutes siguro ang nakalipas matapos kong mahanap. Tapos tiningnan ko yung paligid niya at nakita ko yung forest kanina na pupuntahan ko sana. Pangalan niya ay Maledicti Sunt Forest.
"Egil." Pagtatawag ko sa kanya.
"Hhmm?" Tanong niya na hindi lumilingon.
"Anong alam mo sa Maledicti Sunt forest?" Ang dating Egil na hindi nakatingin sa akin, ngayon nandito na sa harapan ko. Naganahan siguro siya. Ngunit bakit parang interesado siya. Ano ba meron?
" Maledicti Sunt forest? Isa siya sa pinakamalawak sa world na ito. Nandiyan ang mga halimaw na mahirap na patayin. At sa pinakagitna nito, may isang kubo doon na kung saan naninirahan ang isang lalaking diwata na sinlaki ng tao. Siya daw ay nagbibigay ng mga rare item kung napatay mo ito pero mag-ingat, mahirap siyang kalabanin, mayroon siyang mga mahika." Pagpapaliwanag ni Egil. Woah! May ganoong bagay pala dito sa world na ito. Ang tingin ko sa mga diwata ay nasa Piaryland.
"Sige, uwi muna kami." Sabi ko kina Egil. At umuwi na kami ni Asuna.
*Bahay*
"So, anong balak mo ngayon? Pupunta ka sa gubat?"
"Hindi ko pa alam." Tutuloy ba ako o hindi?
"So, let's do it?" O_O anong pinagsasabi ni Asuna?
She kissed me after she said that. Nagulat ako. I tried to kissed her back but...
"Gabi na, matulog na tayo." Sabi ko.
"Huh? Sige." Tapos nagpout siya. At natulog na kami.
*Kinabukasan*
[Asuna's POV]
Pagkagising ko, nag-unat muna ako.
o_-
-_o
o_o
-_-
O_O
Haaah?! (Gulat). Pagkagising ko, napansin ko wala na si Kirito. Eh 7:36 am pa lang naman ah.
--------------------------------------------
So ito na po ang first chapter ng second story ko. Sana po magustuhan niyo. VOTE and COMMENT. :) Thank you.
BINABASA MO ANG
Kirito in A Game of Love
Teen FictionWhat happen to the Kirito-kun, who fall in love inside a game, will fall in love in real life. But he will encounter consequences and choose in the end whether the game or his loved one. Find out. Figure it out. ...