Script Five
Kunoichi
(Denzel)
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
Malamig kong tiningnan ang mga files na nasa lamesa ko.
Yumi Diaz.
Nanliit ang mga mata ko noong napagtanto kong kahit anong gawin kong pagtitig sa mga papel at impormasyong ito ay puro mga wala rin itong silbi.
Takte.
Yumi Diaz. Sino ka ba talaga?
Hindi siya ordinaryong babae. Sigurado na ako doon. Sa sandaling nabunggo ko siya noong unang araw niya sa Isla, hindi ko na mabasa ang kanyang awra. Oo, nabunggo ko siya. Siya ang nabunggo kong babae noong araw na nagmamadali ako para bumili ng cake niya. Pero hindi ko naaninag ang mukha niya noon. Ang alam ko lang ay nasagap ko ang kakaibang awrang iyon, ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin. Muli kong naramdaman iyon noong pumasok ako sa Sweeties, pero muli ay hindi ko iyon binigyan ng pansin. Ganoon din noong unang beses siyang pumasok sa loob ng meeting room.
Pinalagpas ko ang mga araw na napapansin kong may kakaiba sa awra niya. Dahil naisip kong maaaring may problema lang siguro ang kanyang utak, hindi ko itinuon doon ang atensiyon ko.
Pero ngayon? Hindi ko na iyon maikakaila.
Ang pag-iwas niya sa mga sandatang lumilipad…
Ang pagiging kalmado niya sa gitna ng kaganapang iyon…
Ang walang-takot na mga mata niya sa apoy…
Takte. May kakaiba talaga sa babaeng iyon. At kailangan kong malaman kung anong sikreto niya.
Anak ba talaga siya ni Gael Diaz? Hindi maikakaila kung hitsura ang pagbabasehan, ngunit ibang-iba siya sa kanyang ina. Kung ang kanyang ina ay taglay ang pagiging elegante, kabaliktaran naman siya. Magaspang siyang kumilos. Walang kahinhin-hinhin. Maarte, ngunit hindi siya maingat kung madudumihan ba ang balat o damit niya.
Kung ang kanyang ina ay parang elegante at babasaging rosas, siya naman ay parang ligaw na bulaklak.
Siya ba talaga ang anak ni Gael Diaz? Hindi kaya isa siyang impostor? Nabanggit niyang marami siyang karakter na ginagampanan. Hindi kaya isa ito rito? Hindi kaya siya ay sugo ng isa sa mga direktor? Isang espiya? O baka naman… isang hamon para sa Chen Empire?
Nanlamig ang mga kamay ko noong naisip ko ang posibilidad na iyon. Ang Chen Empire. Maaaring may binabalak ang Garnet na pasukin ito kahit na kanais-nais naman ang ugnayan ng dalawang imperyo. At dito nagsasanay ang heredera ng Garnet sa tabi ko upang malaman ang mga sikreto ko.
Kailangan kong mag-ingat.
Yumi Diaz.
Isa siyang lason. Siya ang lason ng imperyo.
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
“You’re staring at me too much. Why? You like me na?” natatawang tanong niya habang kumakain ng cupcake. Takte. Hindi ko alam kung anong kahibangan ang sumagi sa utak ko at binilhan ko siya ng ganoon. Takteng nguso ‘yan. Hindi dapat siya ngumunguso.
“Wala akong gusto sa’yo,” mariing sabi ko.
Nagkibit-balikat siya. “Huh. I’m single. You’re single. They sent me to your side to train. Didn’t you get their idea?”
“Anong pinagsasabi mo?”
Tumawa siya. “How dense. Couldn’t you read their signs, huh, Chen Deng Xi?”
BINABASA MO ANG
The Rainbow Saga (Book Three): The Script of Fate
Adventure"Creating a rainbow... creating fate."