Script Six
The Deal
(Denzel)
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
Hindi ko alam kung bakit nanlamig ako noong nakita kong may hindi normal sa likod ng palad niya. Gusto kong magtanong, pero alam kong ibabalik niya lang sa akin ang tanong kung bakit ako nagtatanong. Takte.
“I know I’m pretty, but can you not stare at me too much? Malapit ko nang isiping crush mo talaga ako,” biglang sabi niya habang nag-aangat ng ulo at nakangising tumitingin sa akin.
Tiningnan ko siya nang malamig. “Hindi kita tinitingnan. Tinitingnan ko ang ginagawa mo.”
“Isn’t that just the same?” natatawang tanong niya.
“Hindi.”
Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy sa pagsuri ng disenyo ng kabuuan ng Isla. Parang may hinahanap siya doon na hindi niya makita.
Hindi ko alam kung anong kagunggungan ang meron sa kokote ko ngayon at nakatingin lang ako sa kanya. Takte. Mali ito. Imbes na tingnan ko siya eh dapat nagtatrabaho na lang ako. Hindi ko na dapat siya hinihintay na suriin ang disenyo.
“Are all gardens of Isla like this?” biglang tanong niya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“A pagoda, for example. Don’t we have a pagoda here?”
“At anong gagawin ng pagoda sa Isla?” nagtatakang tanong ko.
“Nothing. Don’t mind me. I’m just thinking of something.”
“Anong iniisip mo?” nagtatakang tanong ko.
Inangat niya ang ulo niya. “Are you seriously asking me what I’m thinking?”
Hindi ko alam kung bakit ako biglang tumango, pero noong napagtanto ko kung ano ang tinanong ko, agad akong umiling. “Hindi. Wala naman akong pakialam kung anong iniisip mo,” malamig kong sabi.
Inirapan niya ako. “How cold,” umiirap niyang sabi.
Takte, ano bang ginagawa ko rito sa opisina niya? Hindi ko maintindihan kung bakit palagi akong nakadikit sa babaeng ito gayong tinuturuan ko lang naman dapat siya. Tapos na ang leksiyon para sa araw na ito kaya wala na akong makitang rason pa para manatili sa opisina niya. Tatayo na dapat ako para umalis at iwanan siya noong bigla siyang nagsalita.
“Aren’t you really going to agree with what I proposed earlier?”
“Alin doon?”
“About us.”
“Anong tayo?” nanliliit-matang tanong ko.
Nginisian niya ako. “Technically, Chen Deng Xi, you’re my fiancé. And I’m your bride-to-be,” nakangising sabi niya.
“Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?” malamig kong tanong.
“Well, my skin hairs are practically fleeing to the stratosphere, but will you let me finish first?” humahalukipkip niyang tanong.
“Anong kahibangan ba kasi ang sasabihin mo?”
“Just as I need you, you need me, too,” nakangising sabi niya, “Chen Deng Xi.”
Nanliit ang mga mata ko. “Hindi ko alam kung anong gusto mong iparating.”
Lumapad ang ngisi niya at tumayo. “I know what happened to Beijing. I know that you are sent here to take responsibility for that failed transaction. And I know that you cannot enter China for as long as your father’s anger is still intact.”
BINABASA MO ANG
The Rainbow Saga (Book Three): The Script of Fate
Abenteuer"Creating a rainbow... creating fate."