Katatapos lang ng first subject namin, at ngayon vacant period namin kaya naisipang kong pumunta muna ng favorite hiding place ko, sa may library.
Napakatahimik kase dito tsaka mahilig akong magbasa or mag-advance reading, para madali ko maunawaan at masabayan ko ang discussions. Bukod dun ay dito rin ako nagbabasa ng mga novels na more on fantasy ang genre at pag nagustuhan ko ay iuuwe ko para dun ito basahin.
I choose two books from the history section then naghanap na ako ng perfect place para magbasa and thankfully, nakahanap nako dun sa may part na walang katao tao.Lagi kong pinipili yung lugar na walang tao kase mas nagiging komportable ako tsaka mas tahimik at nakakapagfocus pako sa pagbabasa.
Pagkakuha ko ng dalawang libro dun sa history section ay pumunta na agad ako sa place na napili ko na medyo tago sa mga mata ng maraming estudyante. Mas ok na yung ganto, iwas sa gulo at mga pekeng tao.
Nakaramdam ako ng mga matang parang nakatingin sakin kaya nagpalingon-lingon ako, wala namang tao kaya pinagpatuloy kona ang pagbabasa hanggang sa maubos ang vacant hour ko. Pero suddenly nandiyan na naman yung feeling na parang may nakatingin sakin, it wasn't just a stare from nobody kase kinikilabutan ako e, at tsaka nararamdaman ko na may iba pang tao dito sa may bandang dulo ng library.
Malabo naman dito sila pumunta dahil napaka-rare lang na may makikita ka ditong estudyante lalo na't medyo may kadiliman sa lugar na ito. Pero hindi naman imposibleng na dito sila mapunta lalo na kung may pinagdadaanan sila at kelangan nilang mag-emote.
Kaya naman hindi na ako nakatiis na magsalita.
"May tao ba jan?" Tanong ko. I was hoping for someone to answer me pero wala. Instead, may nagpatak na kung ano man malapit sa pinagkuhanan ko ng libro ko kanina. Nawala ang takot ko kase baka nga may nantitrip na naman sakin or may sumusunod sakin kaya agad akong tumayo.
Pagkapunta ko sa lokasyon na pinanggalingan ng ingay ay wala namang tao, maybe tumakbo na siya nung nalaman niyang napansin kona siya. Babalik na sana ako sa place ko nang may nakita akong libro sa may sahig. Kukunin kona sana ito kaso may biglang umimik sa may likod ko kaya nagukat ako at napaharap ng mabilis sa kaniya."Hija, hindi ba may klase na kayo? Wala na dapat mga bata pa ang nasa library ko ng ganitong oras. Matagal nako dito kaya alam kona ang mga schedule ng klase nyo." Mahaba niyang litana.
I immediately look at my wristwatch and... sh*t. I'm late for my history class. I hurriedly run towards my classroom. Pag minamalas ka nga naman oh! Bat kase d ko namalayan ang oras? Feel ko napakabilis naman ata ng oras ngayon.
Haist! Terror pa naman tong prof namin. Hingal na hingal akong tumigil sa may tapat ng pinto ng classroom ko. Rinig na rinig sa labas ang boses ng prof na nagpadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko. Kahit kinakabahan ay dahan dahan kong binuksan ang pinto habang halos tawagin kona lahat ng santo para lang makaligtas sa kahihiyan.
Pagpasok kopa lang ay napatigil sa pagdidiscuss si Prof at tiningnan ako na parang nagtataka.
"Ehem Miss Martinez, napaaga ka ata para sa susunod na klase nyo." Mahinahon ngunit may pagbabantang tono ng prof ko.
"Sorry Prof, hindi kopo namalayan ang oras, pasensya na po." Buti hindi ako nautal sa sobrang hingal, rinig ko ang bulungan at paghagikhik ng mga kaklase ko dahil sa pagkapahiya ko.
"Baka may balak kang umupo Miss Martinez, masyado monang naaabala ang klase ko." I came back to my senses because of what he says. Lalo tuloy naging awkward ang sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
I'm a Dragon Rider (On-going)
FantasyI'm an orphan. I know nothing behind my parent's death. I have strange scales on my body. It's the reason why people judge me. I'm not like you. I'm way too different from you. I have no friends at all. They all left. I have no choice. I didn't run...