The Stealer- Chapter 3.

114 10 4
                                    

AN: Dedicated sa kanya! Hi Claudy  ^_____^

Ayun yung I.D ni Zach. Hehehehehehe. ENJOY! :)))))

______________

Larisse's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising at pinaglutuan ang aking mga batugan na kapatid ng almusal hanggang hapunan. Ayos na rin pala yung hagdanan namin. Buti naman. Nilinis ko rin yung loob ng bahay namin. Minsan lang to. Nasa mood lang talaga ako. Pagkatapos ay naglinis naman ako ng sarili ko. Naligo ng bongga pa sa bongga. Para naman kapag pumasok ako dun sa kompanya nung tangang ninakawan ko eh malinis ako sa paningin nila.

"Siguro naman ayos na tong puting blouse at pantalon. Suuus! Ibabalik ko lang naman yung Wallet niya at kukunin yung Reward tapos uwi na! Easy beybe." sabi ko at naglagay ng konting Lipstick at pulbo sa mukha.

Suot ko din ang 2 1/2" na heels na hiniram ko sa malandi kong kapitbahay. Aba kelangan to. Alam mo naman yung mga mayayaman ayaw sa tsinelas. -.- Bago ako lumabas ng bahay namin ay nilagay ko ang Wallet sa bulsa ko. Walang bag. Arte. May bulsa naman. =_____=

Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa harap ng bahay namin ang mga mukhang pusit na tambay.

"Oy Raymond, si Larisse oh! Ang seksi! Piwiwit." tinawag pa yung epal na si Raymundo. Ayan tuloy lumapit sakin. =________=

"Larisse my babes! Di mo naman sinabing may date tayo ngayon. Ang aga-aga pa. Dun muna tayo sa bahay ko." sabay akbay sakin ng mokong. At syempre, papayag ba ko? Tsk. Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko.

"Umalis ka nga sa tabi ko. Ang baho mo! Dumikit pa sakin yang amoy mo eh. Maligo ka nga dun!" tapos ay pinagpagan ko ang magkabila kong balikat. Epal. Nagsimula naman na akong maglakad papunta sa pilahan ng Tricycle.

"Hahaha. Baaaabes! Mag tsinelas ka na lang. Gumegewang ka eh. Hahahahaha!" tsk. Ikaw kaya pasuotin ko ng heels! Lintek. -.-

"Gagu! Ang bahu mu!!" yun na lang sinabi ko at agad na sumakay ng Tricycle. Pinakita ko sa driver yung I.D. Binasa niya yung address ng kompanya. Malay ko ba kasi dun. -.-

Ilang minuto ang nakalipas nakarating na din ako sa kompanya. Nagbayad na ko't bumaba pagtigil ng Tricycle. Sheeeete. Kinakabahan ko. Baka magmukha akong eng-eng dito. Hays! Kaya ko 'to! Marunong naman akong umintindi ng English kahit konti? -.-

Kinapa ko yung bulsa ko. Nandito pa naman ang wallet nung Zach na yun. Pfft! Ampanget talaga ng pangalan niya. Hahahaha! Naglakad na ko sa inbisibol na pinto ng kumpanyang to. Bumukas yung pinto! Woah. Bago ako pumasok, napaisip ako.

'Teka. Baka kaladkarin nila ko palabas kapag may suot akong heels?' kaya hinubad ko yung heels at binitbit papasok.

"Brr. Ang lamig sa paa." mahinang sabi ko.

Tinignan ko yung paligid. Piangtitinginan ako ng mga tao.

'Sabi na eh. Sikat nga talaga ako.' Nginitian ko silang lahat.

May papalapit sakin na babae. Impernes, seksi siya. Pero eherm. Mas ako. -.-

"Hehehe. H-hello. M-my name is Larisse. Ibaba---" napatigil ako sasabihin ko nang mag crossed arms siya at tinitigan ako.

"Ow may gad. Sino ka?" tapos tinignan niya ko mula bunbunan hanggang talampakan. Ayus ah!

"Aaah.. eeehh---"

"Anong ginagawa mo dito? Bakit naka-paa ka lang? Eww." ang arte pucha. Pagkatapos kong sabihan ng seksi. Lintek. Binabawi ko na. Mukha siyang tingting na kawayan. -.-

"Hey! Im talking to you!" at tinuro niya pa ko. Ah bahala na! -.-

"Kilala mo ba to?" sabay pakita ko sa I.D ni Zach.

"Uh yeah.. Di mo siya kilala? Sino ka ba kasi? Akin na nga ya--" bago niya pa makuha ang I.D ay tumakbo na ko. Nagtanong ako sa mga nakakasalubong ko pero nilalayuan lang nila ko.

"Kilala mo ba to?"

"Kilala mo to?"

"Taga dito ba to?" paulit-ulit lang ako pero di nila ko sinasagot. Nilalayuan kasi nila ko. Lintek! Mga mayayaman nga naman oo. -.-

"GUARD! GUARD! HULIHIN NYO SIYA!" sigaw nung babaeng kausap ko kanina. Tae naman oh. -.-

May nakita akong isang pinto. May mga taong naglalabasan. Tumakbo ako ng mabilis papunta dun sa pinto, pasara na siya nang makapasok ako agad.

"Phew! Bwiset! Pinagod ako ng mga yun ah! Kaini--" sisipa sana ako sa gilid ko nang may nakita akong matangkad na lalaki.

Tinignan ko siya saglit at natameme. 'Nakakahiya, pucha.'

Kaming dalawa lang nandito sa loob ng maliit na kwartong to. Elibeytor? Eleveytor? Ah basta! Yun ata ang tawag dun. >< Tumingin ako sa lalaking kasama ko. Nakasandal siya at nakapikit tapos yung dalwang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa niya.

"E-excuse me... uhh.." nakakaintindi kaya siya ng tagalog? Sa mukha kasing hindi? Aysh!

"Ehem! Uhh... H-hey bro! Uhh... whe-- where's the... the..." takte naman! Ano ba english ng labasan? Bwisit. Napakagat-labi ako. Naman uh! Bahala na talaga.

"Ehurm... uh.. whe-where's the.. f-f-fire exit???"

1

Dumilat siya. tapos.. tapos... bumukas yung pinto! Wow! Lumabas na siya at lalabas na rin sana ako nang makita ko yung dalawang guard kasama yung impaktang babae. Hinahanap pa rin ako. Ambayan! -.-

Pumasok uli ako sa loob at sumara uli yung pinto. Napasandal ako sa gilid, may nakapa akong mga bilog.

"Aaaaaah! Eto siguro yung pindutan para makalabas." sabi ko sa sarili ko tapos pumindot ako ng isa.

"Di bumukas?" pumindot naman ako ng isa pa.

"Ayaw pa din?" tsk. Loko tong mga bilog na 'to ah! At dahil nainis ako, pinindot ko na ang lahat. -____-

"Argh! Kainis namaaaaaan! Larisse, paano ka makakalabas dito? Tsk."

Naalala ko kung paano bumukas yung pinto kanina. 'Ah siguro ganun nga.'

Ginaya ko yung posisyon kanina nung lalaking nakasama ko. Pumikit ako tapos dumilat. Nakita kong bumukas yung pinto. Eh kaso sumara agad. -____-

"Malas naman!" aish.

*pikit-dilat-pikit-dilat-pikit-dilat* sara bukas sara bukas naman yung baliw na pinto. At hanggang sa tumigil ito ng matagal at sa wakas! Nakalabas din. Haaaay.

Bitbit ko pa din yung heels at ang himala, hindi ako pinagpapawisan. Ibang klase. Sa nilalakaran ko, walang tao. 'Bakit kaya?'

Naglakad lakad lang ako sa koridor na to. Napapagod na ko pero okay lang yan. PARA SA REWARD! ^^ Lakad pa rin ako ng lakad, naghahanap ng mabuting matatanungan.

"Ayun! Guard! Hulihin niyo bilis!!!" Shit! Sila na naman. Mabilis akong tumakbo hanggang sa may nakita akong pinto at agad na pumasok. Di na siya yung tulad ng kanina. Yung baliw na pinto.

Sinara ko ang pinto at napapikit sa sobrang hingal.

"Wooh! Muntik na!" sigaw ko. Pagkadilat ko naman ay... may mga taong nakaupo ang nakatingin sakin. Napatingin naman ako sa nag-iisang taong nakatayo sa gitna. Nagtatakang nakatingin din siya sakin. Namukhaan ko siya agad. Napangiti ako at sumigaw.

"ZACH!!!"

____________

VOTE/COMMENT/BE a FAN

PS: Bawal silent-reader. >:D

THE STEALERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon