The Stealer- Chapter 2.

124 11 5
                                    

Dedicated kay Idol Forgottenglimmer! Ang ho-hot ng mga stories niya! On hold pa rin yung Reyna ng Kamalasan, pero okay lang. Sobrang ganda naman. ^___________^ Nakakamiss yung mga Karakters. ;)

______________________

Larisse's POV

Apat na lalaki ang pumaikot sakin. Ang aangas ng mga itsura. Tss

"Larisse, mukhang ang saya-saya mo ngayon ah?" sabi nung mataba.

"Oo nga, naka sungkit ka ata ng malaki-laki." sabi naman nung maliit.

"Baka gusto mong ibahagi samin yang biyayang nadali mo." sabay ngisi pa ng mala-kawayang lalaking to.

"Magkakapatid naman tayo dito diba?" sabi naman nung kalbo.

Tangna. Ampapanget talaga ng mga tao dito. -.-

"Tch! Kapatid? Umampon na naman ba si Maniano? Grabi. Dapat pumili naman siya ng mukhang tao." pang-aasar ko sa kanila. Tss.

"Nang-aasar ka ba Larisse?" otamo! Hahaha. Di naman diba?

"Hahaha! Hoy Taba. Di ako nang-aasar. Totoo naman yung sinasabi ko." sabay talikod ko at nagsimula nang maglakad pero hinarang ako nung maliit at kalbo.

"Di pa tayo tapos Larisse." -maliit

"Wag kang mag-alala. Wala samin ang inampon ng tatay mo." -kalbo

"Aaaah~ mabuti naman. Kasi ayoko ng dumagdag pa ang palamunin sa bahay namin. Ge, alis na ko. Hanap na lang kayo ng tangang aampon sa inyo." isang hakbang palang ang nagagawa ko nang hinila ni Pandak yung kamay ko.

Dahil sa hinawakan niya yung kamay ko. Isang sapak ang natamo niya sakin. Lalaban pa sana siya nang pigilan siya ni Taba.

"Oh ano nanyare? Suko agad kayo?" mataray na sabi ko sa kanila.

"Larisse.. larisse.. susuko naman talaga kami eh." nanlaki yung mga mata ng mga kasama ni Taba sa sinabi niya. "Basta ba eh.. bibigyan mo kami ng kahit konting balato." tapos lumingon siya dun sa mga kasama niya. Mukhang may sinenyas si Taba. Ngumisi yung mga panget eh. Nag-isip muna ako ng gagawin ko. Nakatingin lang sila sakin.

"Osige!" kinuha ko yung wallet sa bulsa ko. Binuklat ko at nagbilang-bilang. Lihim kong tinignan yung reaksyon nila. Tss. Mga sabik pota. Medyo malayo ang agwat ng apat na pangit sa akin. Kaya di nila nakikita ang laman ng wallet.

"Ang tagal naman larisse." reklamo ni Kawayan.

"Wag kang atat!" bulong sa kanya ni Pandak. Bulong pero narinig ko. -.-

"Teka lang kasi.. medyo madami dami to eh. Ang hirap hatiin." sabi ko naman.

"Uhh.. larisse, tulungan na kita." pag boboluntaryo ni Kalbo. Lumapit siya sakin.

"Ok. Eto oh. Alam mo naman kasi... mahina ako sa Math." binigay ko sa kanya yung wallet. Agad namang tumabi sa kanya yung Tatlong panget. Lumayo-layo ako sa kanila hanggang sa hindi nila ako napansing umalis. Tumakbo ako ng mabilis at nagpunta sa isang grocery.

"Tss. Mga bobo. Tanga. Di nag-iisip! HAHAHA! Panget na bobo pa! Utak sisiw potek." sabi ko at pailing-iling pa. Yung wallet ko yung binigay ko. Wala namang laman yon. Di nila nahalata. Bobo kasi. Itim yung kulay ng wallet ko, itim din yung sa lalaki. Pero magkaiba. Kulay lang talaga. Ah basta! Pumasok na ako sa grocery at namili.

THE STEALERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon