The Stealer- Chapter 1.

181 12 6
                                    

Larisse's POV

Nagising ako sa ingay ng bunganga ng mga kapitbahay ko. Letse naman oh! >< Binuksan ko yung yerong bintana namin at pinanood sila para naman MAS RINIG KO AT MALA-PELIKULA PA! DIBA?! -.-

"HOY RAYMOND! PAGSABIHAN MO YANG MALANDING BAKLANG YAN! HINDI YUNG SUMISINGIT SA RELASYON NATIN BASTA-BASTA!!" sigaw nung babae ni Raymond. Si Raymond talagaaaaa. Napaka babaero. Pati bakla pinapatos -___-

"Etchusmi gerl! Im not singit-singit in yor relasyonSHEEP! Actually, Si Fafa Raymond ang lumapit sakin. Diba Babes?" tapos yumakap pa sa braso ni Raymond. Tsk. Si girl naman hinatak si Raymond. Jusme! Kinarir nila yung mala-pelikulang sinabi ko... sa isip ko. :)

"Teka nga! teka nga! Wag niyo kong pag agawan. Alam kong gwapo ako kaya please lang. Magbigayan na lang kayo." sabay ngiti pa siya. Tsk. Kupal talaga to si Raymundo. Sarap ipalapa sa SHITzu. -.-

"HOY! KAYO JAN! PUCHA! WAG KAYONG MAINGAY OKAY? Natutulog yung tao dito eh." singit ko sa sigawan nila. Sabay kamot sa ulo ko at tumalikod na.

"NAGISING KABA NILA LARISSE MY LOVES? SORRY AH! ANG GWAPO KO KASI EH!" boses ni Raymond yon.

"PAKYU! AYUSIN MO YANG BUHAY MO!!!" pahabol ko naman at tska bumaba ng hagdang kahoy na sira-sira. Oo, kailangang i-describe! Para malaman niyo kung gaano kami kayaman este kahirap. =_____=

*KRAAAAAK*

Shit! Sira na naman tong mahiwaga naming hagdan. Aiiiissssh!

"KARLOOOOOO!!!" tawag ko sa kapatid ko. Ganyan ako tumawag sa mga kapatid ko eh.

"Ano!?" sagot niya naman. Letse ayaw lumapit.

"Lumapit ka nga dito! BILIS!!"

"Ano ba kasi yun?!" sabay kamot pa sa ulo niya na parang naiirita.

"Nasan yung tatay mo?"

"Aba malay ko." Lintek! Naman tong buhay na to oh! Walang pag babago.><

"Pagkauwi ni Maniano paayos mo tong hagdan natin ah? Masyado kasing matibay." sarkastiko kong sabi. -_____-

[A/N: Maniano: apelyido ng tatay nila Larisse yon. Opo, wala siyang galang. :)]

"Tss. Mataba ka na kasi ate."

"Gago. Mag igib ka nga dun! Maliligo ako!"

"Lul mu! Edi ikaw! Igib-igib din!" sabay takbo niya. Tangna ka talaga Karlo! Mana sayo tatay mo. -___-

Oh ano pa ba? Edi sariling sikap! Nag igib na ko at naglinis ng katawan. May trabaho pa ko. Sana makasungkit ng malaki-laki at walang sabit.

Pagkatapos ay lumabas na ko ng barong-barong namin. At nagsimula ng maglakad nang nakita ako ni Aling Kooreng. Bwisit. Pagkamina-malas ka nga naman oo.

"Oh Larisse, magta-trabaho ka na ba?"

"Malamang." mahinang sabi ko at tumungo-tungo. Tss

"Aaaaah. Oy! Ang utang niyo aba! Ilang buwan na yon! Baka nakalimut---"

"Hindi ko nakalimutan tanda. Kaya wag ka mag alala, pagnakasungkit ako ng malaman laman. Baka ipagiba ko yang lugi niyong tindahan." pang iinis ko sa kanya. Ha!

"Abaaaa. Hinahamon mo ko ah. Osya sige! Pag di ka nakabayad mamayang gabi mismo! Ire-report ko na kayo kay Kapitan!" pananakot naman nya. Suuus! Sa walang kwentang Kapitan pa nagsumbong! Tsh.

"Report mo! Paki ko?" sabay irap at alis.

Nagsimula na kong maglakad papuntang La Tiam. Sana may dumayong Gold Fish. Para naman ngumanga yang Balyenang Kooreng na yan.

[A/N: La Tiam: kumbaga yan ang Quiapo o Divisoria satin. Hehehehe.]

Nang makarating ako sa La Tiam, pumwesto na ko sa lugar ko. Yun ang parte ng La Tiam na kung saan kitang-kita mo ang buong taong namimili. Nilibot ko ang mga mata ko at naghanap ng mabibiktima. Gusto ko yung tiba-tiba. *Smirks* Ilang minuto ang nakalipas, isang lalaki ang nakakuha ng atensyon ko. Wooh! ALAM NA! Binulungan ko ang mga pulubing batang kasabwat ko dito. Mga pito sila. Sila ang kasama ko sa trabaho. Kahit bata pa, alam at kabisado na nila ang gagawin nila.

Inayos ko ang sarili ko at sinundan ang lalaki. Pero bago yon..

"Oh mga bata, alam nyo na gagawin nyo ah? Walang magkakamali." sabay sabay silang sumagot at tumango.

"Mabuti."

Sinusundan ko lang ang lalaki kung saan man sya mapunta. Di nya ko nahahalata dahil medyo malayo ang agwat ko sa kanya. Tumigil siya sa isang Tindahan ng mga accesories at naglabas ng mahabang papel at mukhang may nire-record dahil sinusuri niya ang mga paninda.

Tinitignan ko siya habang papalapit sa pwesto niya. Isang uniporme ng pang opisina ang suot niya at Wow! Kumikinang-kinang pa ang relo niya. Napangisi na lang ako ng magkalapit na kami.

Nagkunwari akong mamimili at nagtanong sa tindera.

"Ale, magkano po ito?" itinaas ko ang isang pulseras.

"50 yan ineng. 40 na lang."

"Aaaah~ eto naman po." taas ko ng isa pang klase ng pulseras kasabay non ang pagpitik ng kamay ko sa likod. Isang senyales para sa mga batang kasabwat ko.

Tumakbo sila sa Mayamang lalaki, pinalibutan at ginulo-gulo.

"Kuya palimos po."

"Pang pagkain lang po."

"Kuya, may sakit po ako."

"Manong, nagugutom na po ako."

"Penge po ng piso?"

"Sige na po."

Patuloy nila itong ginugulo at mukhang naiirita na ang lalaki. Napangisi naman ako sa nakita ko. Hehe. Magaling mga bata. Ngayon, oras ko na para magpakitang tao.

"Aah. Mga bata, eto oh. Bente pesos. Bumili kayo ng pagkain niyo ah? Sige na. Alis na. Mag iingat kayo ^______^" agad naman silang umalis.

"Thank You Miss." sabi nung lalaki at umalis na rin.

***

"Oh ano? Nasaan na ang Wallet?"

"Eto po oh, ate Larisse." inabot sakin nung mapayat pero matangkad na batang lalaki. Pagkahawak ko ng Wallet... Shet! MALAMAN!

"Magaling. Sige, pwede na kayong umalis."

"Ha? Ate naman. Yung parte namin!"

"Oo nga."

"Kami kumuha niyan eh."

"Oo nga."

"Tsk." kumuha ako ng 100 sa bulsa ko.

"Oh eto Isang Daan. Sakto na yan sa inyo! May bonus pa kayong bente kanina!"

Umalis na ko at naglakad. Binuksan ko ang wallet.

"WOAH!" Nanlaki ang mga mata ko dun ah! Nilagay ko yung wallet ko sa bulsa ko ng may pumalibot saking mga lalaki.

'SHIT!'

_______________

VOTE/COMMENT/BE A FAN

THE STEALERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon