The Stealer- Chapter 4.

95 10 2
                                    

AN:  Dedicated sayo Powlengs. Hehehe. Salamat sa pagpapahiram ng 'PARA KAY B'. Ang ganda ng story kaso bitin. XD

Third Person po. Haha. Kapag naka- 'ganto', sila yung nagsasalita nun. Sa isip lang nila. Sana maintidihan niyo. Enjoy po. ;))))))

Tingin-tingin sa gilid. ----->

______________

Pagkasigaw ni Larisse ng pangalan ni Zach ay sunod-sunod na nagbulungan ang mga taong nasa loob ng opisina.

"Ano daw?"

"Aba. Siraulo ata itong babaeng to."

"Anong tinawag niya kay Sir Liarno? Z-Zatsh? Zatch?"

"Hahaha. Baka taga squatter."

Hinayaan na lang ni Larisse ang mga bulong-bulungan dahil alam niyang minamaliit lamang siya ng mga ito. Sa halip ay hahakbang na sana siya nang magsalita ang binata.

"Meeting dismissed."

'Ha? Bat sila nag-aalisan? Ay letche! Banggain ba daw ako? Tanginis yun ah! Psh.'

Ang dalawa na lamang ang natira sa loob ng opisina. Tumalikod ang binata at may mga papeles na inaayos samantalang si Larisse ay dahan-dahang naglakad papalapit kay Zach at ipinatong pa sa mahabang lamesa ang bitbit na heels.

'Shet! Kinakabahan ako. Paduguan na naman ba ng ilong to? Haaays!'

Nang makalapit siya sa likod ng binata ay tinungo ni Larisse ang ulo niya dahil sa hiya. "Uuuhh.."

"Sino ka?" napaangat ang ulo niya at nakita ang lalaki na nakaharap na rin sa kanya. "Bwiset.. marunong naman pa lang mag tagalog." bulong niya.

"E-excuse me? What did you say? Sorry, I can't hear you. Your voice is too low." Edi eto naman si Larisse, NGA-NGA!

'A-ano daw? Excuse me? Sorry? At ano pa nga yung isa? Low? Hellow? Aaaah~ Oo nga naman, nakaharang ako sa kaya eh.'

"Oh! Hi! Ahm.. No. No. No. It's okay, no sorry. No sorry. You're excuse." nakangiti niya pang sabi sabay atras papunta sa may gilid.

This time, si Zach naman ang napanganga. Nang makita ni Larisse ang reaksyon ng lalaki sa sinabi't ginawa niya ay napangisi siya.

'Hahaha! Shet! Di niya na-gets ang sinabi ko?! Haaaay buhay. Ganyan talaga. Wala tayong magagawa. Utak-utak lang yan. Hahaha.'

Napapitik si Zach. [AN: Yung sa kamay. Yung tumutunog. Yung parang AHA! O di kaya kapag tumatawag ng waiter. Ganun. Di ko alam tawag dun eh. XD Alam mo?]

"Aaaaaaaaah~ Okay, I get it! So... eherm! Sino ka nga pala?" humarap siya kay Larisse.

'Papaalisin niya ko sa harap niya tapos biglang haharap sakin? Tengeneng yan. Yung totoo? Pasmado utak niya? Tsk.-.-'

Napataas na lang ang isang kilay ni Larisse at huminga ng malalim.

"Ayuuuun! Magtagalog na lang kasi tayo, ha? Larisse. Larisse ang pangalan ko. Nahays tu met you. ^^" (nice to meet you) sabay abot ng kanang kamay niya. Tinignan lang yon ng lalaki.

"Okay Larisse, so bakit ka nandito sa kumpanya ko?" napanguso si Larisse sabay irap dito.

'Arte! Sus. Pasmado rin siguro kamay nito? -.-'

"Ah! Oo nga pala. Eh kasi may ibabalik ako sayo... Zach." naglakad si Larisse papalapit sa mga nakahilerang upuan at umupo sa pinaka-unahan.

THE STEALERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon