HER POV
Ambitter ko ba pangkinggan?
Eh hindi naman kasi totoo yang mga yan..
Lalo na yung cinderella..
Ewan ko ba. Inis na inis ako dun..
Eto lang ah..
Kung sakto talaga sa kanya yung sapatos, bakit matatanggal sa paa niya yung sandals niya??
Kagaguhan..
Kainis..
"Oh ano nanaman pinapanuod mo?" Tanong ko sa little sister kong si Cathcath.
"Cinderella story ate, grabe ang gwapo ni Austin Ames"
"Oh? Ano naiwan din niya sapatos niya??"
"Oh yan nanaman si ate ambitter. Yung cellphone niya nakalimutan niya" sagot naman niya.
"Oo na. Mag tigil ka dyan Cathcath ah"
"Pero dati naman favorite na favorite niya yun. Tss" Pabulong na sabi niya.
Sarap konyotan nitong kapatid ko eno.. Alam kasi nila na dati sobrang adik ako kay cinderella tapos isang araw ayoko nalang bigla. Hanggang sa tipong ayaw ko na ng kahit anong fairytale story.
Bakit nga ba?
Gusto niyo bang malaman?? Pssh. Wag na..
Pero sige na nga, mapilit kayo eh.
flashback
"Wow ate ang ganda mo naman"
"Thanks bunso, osige papasalubungan nalang kita ah. Pagaling ka na para sa susunod sasama ka samin. Okay?"
"Okay ate"
Pupunta kami nila mommy sa party. Iniwan namin si Catherine, may sinat pa kasi eh. Di tuloy nakasama..
"Wow ikaw ba yan Cindy? Ang ganda ganda mo naman dyan sa costume mo. Para ka talagang si cinderella ah"
"Thankyou po Tita." Masigla kong sabi.
Andito kasi ko sa 7th birthday ni Prince. Kailangan daw naka costume eh.
Classmate ko siya simula nursery hanggang ngayon grade 1. Ang cute niya alam niyo ba yun. Naka batman costume siya. Tapos ako cinderella. Bagay kami. Haha. Crush ko na siya tuloy. Uy quiet lang ah. Hihi. 1st crush ko siya. Alam niyo ba yun.
Ang saya grabe ng party niya. Ang galing nung clown. Naglabas ng flower tapos binigay pa sakin. Ang sarap din ng mga pagkain. Nakakatuwa talaga. Sayang wala si Cath pero sige pasasalubungan ko nalang siya.
Naiihi na talaga ko kaya tumakbo ako..
Ehh sakto naiwan ko sapatos ko sa pagmamadali..
Pagkatapos kong mag cr hinanap ko na yung sapatos ko. Kaso hindi ko na makita..
"Asan na ba yun?" Naiiyak na ko.
"Cindy sayo ba tong sapatos?"
"Ahhh AYUUN. Oo akin yan." Sabi ko.
"Thank--"
Naputol yung sasabihin ko dahil nag salita siya.
"Hindi naman bagay yang costume mo sayo Cindy, ang panget pa. Iniwan mo pa sapatos mo. Akala mo ikaw talaga si cinderella?"
Hindi ko alam yung sasabihin ko dahil nahihiya at naiiyak na ko kaya lumakad nalang ako palayo. Tahimik na ko hanggang matapos ang party..
Hindi ba talaga bagay sakin tong cinderella? Bat sabi ni Cath maganda naman daw? Naiiyak nanaman ako.
Ayoko na nga ng cinderella. Sinabihan pa ko mismo ng crush ko ng panget daw to. Ayoko na to. AYOKO NA. AYOKO NA.. :((
end of flashback.
Oh tigilan niyo ko. Sabihin niyong mababaw ako?
Eh ganun talaga eh. Alam niyo ba na after din nun lumipat ako ng school para lang di makita siya. Nahihiya kasi ko sa kanya eh.
Basta ayoko ng cinderella no. Ewwwwwww.
Ako nga pala si Cindy Jayce Carzon. 16 years old. Mag cocollege na rin sa pasukan. :"> Kinakabahan nga ako na excited. Bukas na pala pasukan namen. Yeeees.
Palakad lakad ako ng..
"Araaaaay ano ba yan" Sigaw ko. Tumatakbo ba naman kasi ayan tuloy nabangga ako.. ARGH.
"Sorry miss, sige una na ko. Nagmamadali talaga ko. Sorry ulit"
Umalis na siya. Hays. May magagawa ba ko?
Ambilis ng panahon mag 3 months na pala kong college student? Hahaha.
Okay naman sa studies at saka kahit papano may mga friends na din ako.
One time nga may nakilala ko. Si ano..
Uhmm. Ano ba yung name niya??
UHMMM...
AHHH..
OO.. PJ.
Si PJ. Ang weird parang may kamukha siya pero di ko maalala kung sino..
Anyway ayun nag sorry siya. Nag mamadali lang daw siya talaga nun. Kaya nabangga ako.
Okay noprob sabi ko..