HIS POV.
Antagal ko ng hinahanap si Cindy kaso di ko siya makita..
Nung grade 2 kami. Akala ko kaklase ko pa siya pero hindi na pala.
Mag sosorry lang naman ako eh.
Hindi ko na kasi siya nakita after nung 7th birthday ko..
Ano nga ba yang nangyari dati??
flashback
7th birthday ko ngayon. Grabe pinaghadaan nila mommy't daddy ko tong party no.
Dapat naka costume. Kaya sabi ko kay mommy ako nalang si Batman. Ang cute dba.
Invited din lahat ng classmates ko.
Alam niyo nung nakita ko siya.. Grabe.
"Oh yung anak ko may crush na"
"Hala mommy, wala ah"
Tumawa nalang si mommy after nun.
Natapos na yung mga laro namin saka yung kainan.
Naglalakad ako ng mapansin kong may color blue na sandals dito.
"Kanino kaya to?"
Palalakad lakad ako ng makita ko siya..
Si Cindy. Ang first crush ko. Simula prep crush ko na siya. Quiet lang ah. Hihi
"Asan na ba yun?" Narinig kong sabi niya. Paiyak na din siya.
"Cindy sayo ba tong sapatos?" Tanong ko.
"Ahhh AYUUN. Oo akin yan." Masigla niyang sabi. Ang cute niya talagang ngumiti..
"Hindi naman bagay yang costume mo sayo Cindy, ang panget pa. Iniwan mo pa sapatos mo. Akala mo ikaw talaga si cinderella?"
Sasabihin ko sanang nag jojoke lang ako. Kaso bigla na siyang naglakad palayo. :(
end of flashback
Iniisip ko nga ano na kayang itsura nun? Ahhh siguro maganda parin. Haha.
May mga naging girlfriend na din ako. Pero ayoko sa kanila..
Gusto ko si Cindy parin.
Btw. Ako pala si Prince Jack Caleb. Pero mas kilala akong PJ.
Andito ako sa isang university. Pinilit ako nila mommy na mag enroll dito.
So no choice ako..
Tinext ako ni mommy na andyan na daw sila ni Pamela. Yung kapatid ko.
Tumatakbo na nga ako eh. Ng biglang..
"Araaaaay ano ba yan" Sigaw ng isang babae na nakaupo sa sahig.
"Sorry miss, sige una na ko. Nagmamadali talaga ko. Sorry ulit" Sabi ko. Sabay takbo ulit..
"Oh okay na ma? Sige na. Oo. uuwi ako mamaya sa bahay."
"Subukan mong di umuwi Prince sa bahay. Ako na nag sasabi sayo."
"Ona ma. Uuwi ako promise."
Pinapangaralan nanaman ako. Pumunta pa dito para dyan. Hayss.
Asa condo kasi ko simula nung bakasyon. Graduation gift ko yun. Galing kay Daddy.
Pinapauwi nila ko kasi daw ano..
Ano ba sabi ni mommy??
Ahh oo. Yung dinner daw. May relatives daw kasi kaming uuwi..
Alam niyo ba simula ng hindi ko nakita si Cindy.
Gumawa ako ng promise. Sabi ko once na makita ko siya ulit. Liligawan ko na siya. Grade 1 pa yung promise na yun ah. Hahaha. PBB ako dati pa eh? :))))) So gay.
Gumawa din ako ng kanta..
Cinderella yung title..
Naalala ko kasi. Siya si Cinderella nun.
Eto pala yung chorus ng kanta. Wag ng buo ah. Nahihiya ako eh. :))
Wag bibitaw patuloy ang sayaw
Ating mundo'y tumigil na sa pag galaw
Gustong kasama ka hanggang mag umaga
Alas dose na, paalam na....
Mga grade 3 ko ata ginawa yan. Antagal ko na din siyang hinahanap kaso hindi ko siya makita kita.
Ayy nag sorry na din pala ko sa kanya. Remember? Yung nabangga ko. Ayun okay lang daw. Mukang masungit si Ate.
Naging close kami CJ. Ang cute nga eh. PJ ako tas siya CJ. :))
Parang may kamukha talaga siya eh. Kaso di ko malaman laman sino. Nyeta naman oh..
Naging close kami hanggang isang araw..