THIRD PERSON POV.
Naging close ang dalawa. Pero hindi nila alam ang kumpletong pangalan ng isa't-isa.
Kalahati ng sem nila ng mapansin ni Cindy ang picture ng binata sa wallet nito..
"Ahh PJ ikaw ba to?" Tanong ni Cindy. Naka costume kasi ng batman yung batang nakita niya sa picture. At may katabi ito. Kaso natatakpan ng iba pang picture kaya hindi niya mawari kung sino ba talaga ang kasama nito..
"Hahaha. Oo ako yan. Oh CJ wag kang masyadong macute-tan dyan" Sabi ni Prince kay Cindy.
Nagulat si Cindy ng tanggalin ni Prince ang harang sa larawan niya.
"First crush ko yan si Cindy alam mo yun."
Nagulat si Cindy ng nakita niya na silang dalawa pala ang nandoon sa larawan kaya agad agad siyang tumakbo at naiwan niya ang sapatos niya.
Wala na siyang pakielam kung naiwan man niya ito. Basta para sa kanya gusto niyang tumakbo ng tumakbo palayo sa lalaking galit siya..
Napagisip isip niya din na PJ? Oo nga pala. Prince Jack ang pangalan ng binata.
Sa kabilang dulo naman.
Nagulat si Prince ng tumakbo palayo si Cindy. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang inasta nito.
Nagulat siya ng makita niya ang sapatos na color blue na nasa daan..
Bigla niyang naalala si Cindy. Hindi kaya si CIndy yun? Sabi niya sa sarili niya. Pero CJ ang pangalan nito.
Naalala na niya. Cindy Jayce nga pala ang totoong pangalan nito.
Ni hindi man lang niya naisip..
Biglang pumasok sa isip niya na puntahan si Cindy sa bahay nito. Pinag tanungan niya ang mga kablockmate nito kung saan ang bahay ni Cindy. At sa wakas nalaman din niya..
Papunta na siya sa bahay ng dalaga. May dala din siyang bulakblak, tsokolate at gitara. Balak na niyang harahin ang dalaga. Sasabihin na niya ang lahat lahat.
Nang makadating na siya. Agad siyang sumigaw.
"CINDY JAYCE CARZON. PLEASE KAUSAPIN MO KO"
Paulit ulit niyang sabi. Hindi siya tumitigil. Hinihintay niya ang paglabas ng dalaga.
"Ano bang gusto mo Prince ha?"
Lumabas na din si Cindy, nahihiya siya kasi ang ingay na nito baka nakakaistorbo na ito sa mga kapitbahay.
"Pakinggan mo ko please."
Nang makita kitang naglalakad sa kalsada
Noon pa lang nasabi ko sana ikaw na nga
Pagkat kay ganda ng iyong dating
Isang bituin na kay ningning,
Pwede ba kita isabit na saming ding-ding?
Pagkat di ko kaya
Na wala ka ako ay naakit mo..
Wag bibitaw patuloy ang sayaw
Ating mundo'y tumigil na sa pag galaw
Gustong kasama ka hanggang mag umaga
Alas dose na, paalam na...
CINDERELLA..
Naiiyak si Cindy sa kinanta ni Prince. Binigay na ni Prince ang dala niyang bulalaklak at tsokolate.
Inexplain na din niya ang mga nangyari dati..
"Alam mo ba dahil don ayoko na kay Cinderella. Epal ka eh"
"Joke lang kasi yun. Eh umalis ka bigla. Tsk. Haha. Pero atleast nahanap na ulit kita."
Sinuot ni Prince sa paa ng dalaga ang naiwang sapatos ni Cindy.
------------------------------------------------
Watch niyo yung video sa gilid kung hindi pa napanuod. :))
Di ko po pinost yung buong kanta dyan ah. :) Sa may gusto ng lyrics. Hingi nalang po kayo sakin. :)
Own composition yan :)