Chapter 1

877 52 8
                                    

"Iniimbitahan po namin kayo para sa isang training bilang paghahanda sa maaring pagsugod ng China sa ating bansa. Bawat isang pamilya ay kailangan magpadala ng isang lalaki upang magtraining. Ito'y utos mula sa pangulo ng bansang Pilipinas."

"What? Pero matanda na ang asawa ko. Mahina na din ang katawan niya. Wala ng ibang lalaki sa pamilya namin. Siguro naman may konsiderasyon yang utos na yan?" My mom was totally disagree and me too, like duh!

"Kung wala pong lalaki sa inyong pamilya nakasaad po dito na ang pinaka unang anak niyo po ang magtetraining upang makilaban sa gyera." Sabay tingin nila sa akin. Napa roll eyes nalang ako sa kanila

Nakaka stress yang batas na yan ha! Like kelangan mandatory! Whatever. Bahala sila magpatayan basta me and my family we're going to USA nalang para ligtas. It is not our fault na mahina ang Pilipinas sa ganitong gyera like yung mga pa-woke and mga madadang pilipino na maraming kuda sa bawat mapansin nilang kamalian dito sa pilipinas at sa social media, sila nalang ipadala niyo sa gyera, kaloka!

"No! I will not go! Like it's only for guys. I can't fight noh! Masisira lang ang ganda ko dyan and worst baka magka muscle pa ako dyan. Magiging useless lahat ng hormones na ininom ko." Pag kontra ko sa mga sundalo.

"Pero yun po ang nakasaad sa presidential decree. Maaring kayong makulong dahil dito." Nanlaki ang mata ko.

"No! Can't you see? Mayaman kami! We can buy anything we like. Magkano ba ang kelangan niyo?" Nagsisimula na akong mainis kaya medyo nagtataray na ako. Medyo lang naman.

"Hindi po namin kelangan ng pera niyo. Walang value ngayon ang pera ng Pilipinas dahil under tayo sa world war 3. Sa ayaw at sa gusto niyo kelangan niyong sumama at lumaban para sa bansang Pilipinas." What?! Walang value ang peso ngayon? Like pano ako makakabili ng mga bagong makeups ko? Yung bagong labas na designer bag ng luis vitton na inaabangan ko? Pano ako makakabili
ng mga skin care ko? Pano na ako ngayon? Ayokong chumaka dahil sa gyera na to.

"No! Hindi ako makikitraining! DADDY! MOMMY! I can't go there! Baka masugatan yung skin ko dun or worst ibilad nila ako sa araw! Gosh i can't imagine those worst scenario!" My final words!

"Kelangan po talaga" makulit talaga to eh. Pasungalngal ko kaya sa kanya tong mga mac lipstick ko!

"No! Hindi sasama ang anak ko!" My dad!

Hayyst, i was relief. Buti nalang talaga, lagi akong pinagbibigyan ni dad.

"I will go!" Nashock kami ni mommy at napatingin kay daddy.

"What?!" Hysterical naming pagkasabi ni mommy. But no! His old enough para lumaban pa sa ganyan.

"Sige po sir. Bukas na bukas po ay may susundo dito. Mauna na po kami. Maraming salamat po."pagpapalam ng chararat na sundalong yun.

"Indeed! Lumayas na kayo dito. Nagkaka rinkles ako dahil sa inyo." Naiistress na pagkasabi ko.

Pagkaalis nila ay sabay naman na paghagulgol ni mommy. Napataningin tuloy ako sa kanila.

"No! Hindi mo na kaya dun! Ayaw kong mawalan ng asawa! No! You can't go!" Umiiyak na nakayakap si mommy kay daddy.

This is the first time that i saw them like this. Something na may kumurot sa puso ko for the first time. No, hindi pwedeng ganito ang mangyari sa amin. If i can be wonderwoman or darna I can fight all by myself.

...


Sobra akong naawa kila mama. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nagmumuni muni. Hindi namin pwedeng pabayaan na umalis si daddy. Tatlo lang kami sa pamilyang ito. Ako lang ang nagiisang anak. For all these years, ako nalang palagi ang iniintindi nila. Kahit mali ang ginagawa ko para sa kanila ay tama. Ganun nila ako kamahal na lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Marami akong kelangan ipagpasalamat sa kanila. Buo na ang desisyon ko, ngayon kelangan namang ako may gawin para sa kanila.

I pack my things. Kinuha ko sa Cabinet ang 5 malalaking maleta ko. Yes 5 na maleta! One for my shoes and sandals. Two for my outfits. One for my makeups,skincare and the most important, my hrt. And One for my accessories and gadgets. Ano pa bang nakalimutan ko? Well malamig dun, so kelangan dapat nandun din tong kama ko. Hindi pwedeng di ako maka beauty rest. Its a no no. So iapapabitbit ko sa mga sundalo tong kama ko with my pillows and my favorite stuff toys, we bear bears tutal sila naman May gusto nito. Kaya wag silang magreklamo.

Hmmm ano pa ba ang kelangan kong dalin? Siguro walang aircon dun. Wait Kelangan kong kunin yung spare aircon namin sa storage room and yung aircooler. You know nga sus, i cant stand with too much heat. Ayoko ng maiinit.

Oh! I forgot my designer bags. I need another maleta. And My vanity mirror. Di pwedeng mawala to. So that's all?Wala nabang kulang?

"Arf arf!" Oh my gosh meron pa pala, i forgot my baby, Gigi.

"Come here Gigi" well my dog is a half shitzu and half Pomeranian that's why she's so cute.

So wala na akong nakalimutan. Wait let me think twice!

Hmmm

Wala na siguro. I can go back naman here pag wala diba?

So! My final decision!






I will go to training!

Author:
Another story nanamn po hehe. Umpisa nanaman to. Ewan ko kung matatapos ko hehe.

By the way nasa media ang ating bida.

The Gay ScoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon