CHAPTER 7

308 32 14
                                    

DANE

"Ulol may pa i need you i need you pa sya. I hate him!" Pano ba naman ako di maiirita mga ses, mas lalo syang naging strict. Laging ako nalang napapansin. Nandyan yung uutusan niya ako. Ako nalang palagi niyang binabantayan, lahat nalang ng mali ko sinisita niya. Kung di lang para kay daddy to kanina ko pa natarayan yan. Nagpipigil lang talaga ako. Konti nalang sasabog na ulit ako.I hate him. Nakiki cooperate na ako sa mga training. Ang init init at sobrang nakakapagod ng training namin kainis.

Ngayon nga magaganap ang training namin with obstacle courses. Nandito kami sa training field.

"Ngayon galingan niyo na. Ngayong araw magsisimula ang mga mahihirap na training, tuturuan nadin namin kayo ng mga dapat niyong malaman. Ineexpect ko na pagbubutihan niyo ang training na to." Sabi ng Hambog na General na to.


...

"Yuck! Don't expect me to do that! Sobrang nakakadiri like LEGIT!" Pagiinarte ko. Pano ba naman sis. Papagapangin kami sa mga alambre and sobrang maputik pa. Ewww ang daming germs kaya dyan. Bakit ko nanaman gagawin! Like legit! Never in my life na gagapangako dyan!

"Kala ko ba nagusap na tayo?" Naasar na tingin ni General Hambog.

"Oo nga pero wag yan! Like legit! Sobrang nakakadiri!" Pagiinarte ko pa.

"Ok! Makinig kayong lahat! Igugrupo ko kayo sa lima. Ang unang grupo na pinaka mabilis na  makakatapos sa lahat ng obstacle courses ay may premyo" napatingin silang lahat except me. Like duh! I don't need prizes. I can buy whatever I want!

"General ano naman pong premyo?" Tanong sa kanya ng isang lalaki.

"Ang mananalo ay nagkakamit ng isang linggong masarap na pagkain take note unli food. May libreng masahe. At higit sa lahat exempted sa training."

Maraming natuwa at nagusap usap dahil sa pa premyo ng general hambog na to. Eh ano naman ngayon? Yun na yung prize? Legit? Napaka walang kwenta. Like wait!!!! Exempted sa training? Hmmmm bet ko yan! Pero ewwws never ako lulusot sa putikan na yan!

Inumpisahan na nila ang pagugrupo.

"Pangatlong grupo. Jestoni, Gerald, Leona, Gregorio,Jameson and Amdan" like what? Kasama ko sila. Mas ok yun kasi sila palang kakilala ko dito.

"Ay pak mamsh magkasama tayo" bulong sakin ni Gregoria. Nginitian ko naman sya.

"Syang tunay." Sabay apir sa kanya.

Ng matapos ang pag gugrupo ay pinatyo kami sa gilid upang panoodin ang mauunang grupo walang iba kundi ang group 4.

Mabilis ang mga galaw nila. What do you expext puro mga lalaking lalaki yan. Mabilis nilang natapos lahat ng obstacles. Sumunod naman ang group 1. Di din sila nagpatalo halatang gusto nila ang pa premyo ni General Hambog. Lahat sila ay may gana sa ganitong ka echosan. Like hello. Magbaril baril dapat ituro samin para mabilis naming mabaril mga kalaban pero hindi naman. Puro nakakadiring mga training ang pinapagawa niya! Legit!

"Kaya natin yan. Galingan natin. Di kelangan na sobrang nagmanadali tayo. Dapat kalmado at tama ang ginagawa natin para di maiwasan ang pagkakamali." Sabi ni Jameson samin.

"Tama." Kumento ni Jestoni.

"Kaw Miss Amdan ok lang po ba sayo?" Tanong ni Leona. Hindi ako nakaimik dahil ayoko talaga.

Tumingin sila na parang nagmamakaawa. I'm a badass bitch kaya di ako naawa. Duhh!

"So ganito ang gagawin natin guys. Yung sa tingin niyong pinakamabilis yun ang mauuna at pinaka huli ang mabagal..." sabay tingin nila sa akin. " Para sa ganun ay tuloy-tuloy tayo hanggang dulo. Dapat tulungan"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gay ScoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon