CHAPTER 2

690 46 5
                                    

"Senyorita nandito na po tayo" nagising ako mula sa mahimbing na pagtulog.

"San na tayo?" Tanong ko sa driver ko. Yes you heard it right, after seeing the truck ng mga sundalo na susundo sakin like ewwss dikit dikit sila dun at puro mga chararat ang mga nakasakay dun. So i decided na magpahatid nalang ako sa driver namin.

"Dito napo sa campo senyorita."sagot naman nito.

Bumaba na ako. Lahat ng gamit ko nasalikod.

"Pakibaba na po yung mga gamit ko. And pag uwi niyo pakisabi kila daddy at mommy that I'm ok. Maliwanag ba?"

"Opo senyorita."

Napatingin naman ako sa gate.

"Philippine Military Academy "
Basa ko sa nakasulat sa taas ng gate. So dito pala kami magtetraining.

Kita ko sa labas ang maraming kalalakihan na nakapila at may tila pinipirmahan.

"Hey!" Tawag ko sa lalaking dumaan sa harap ko papunta dun.

"Anong pila yun?" Tanong ko dito. Medyo mataray ako.

"Ah dun yung pila para makapasok ka sa loob. Bakit? Magtetraining ka din?" Tanong nito.

"Yes! At anong pakelam mo?" Sabay walkout sa kanya palapit sa gate.

"Excuse me ako muna." Sabay tulak ko sa mga nakapila. Lahat naman sila ay naoatingin sakin. I know those looks, parang ngayon lang nakakita ng maganda.

"Anong kelangan niyo po mam?" Tanong ng lalaki. Halata ko sa mukha nito na nagagandahan ito sakin. Well di ko sya masisi.

"Amdan Marie Dominguez" tila naiinip kong pagutos sa kanya.

"Sure ka mam? Ikaw ang magtetraining?" Kulit ng lalaking to ha!

"Ano sa tingin mo? Pakibilisan at mainit dito" pagtataray ko.

Nagpirma ako at pinapasok na ako sa loob.

Andaming tao dito. Puro kalalakihan. Kung may babae karamihan sa tingin ko tomboy.

"Announcement. Lahat kayo ay pumunta sa field." Boses mula sa field.

Dahil dun ay dumiretso kami.

"Ganyan ba ang mga scout? Luminya kayo ng maayos!" Tila galit na utos ng lalaki.

Whatever.
Ang init init dito sa field na to. Like wala manlang roof.
So, i decided na wag nalang pumunta dun. Nandito ako sa ilalim ng isang puno. Habang hawak hawak ang phone ko. Nagselfie ako ng nagselfie. Kelangan updated yung mga social media accounts ko. I even chat my friends, The bitches.

"Hey girls" we're on video chat.

"Girls, it's so scary na talaga. Did you heard the news about the threats of China to us?" Sabi ng friend kong si mikaela.

"Yeah, yesterday may mga pumuntang sundalo dito samin. Like kelangan meron isa sa bawat pamilya na magtraining. Nakakaloka. But thanks to god dahil general si Kuya Jabo kaya ligtas kami, hindi ba Dane." Louisa said sabay pangaasar sakin. Okay her kuya is my ex at ayoko ng pagusapan pa.

"Dane? Where are you? Like kelan ka pa tumambay sa isang puno. Tsaka ang ingay dyan. And it seems like so mainit." Tanong ni Sheryl.

Kinabahan naman ako sa tanong niya. Di ko pwedeng sabihin sa kanila na ako ang nagtraining. Malaking kahihiyan yun sa kagandahan ko. Like baka malaman ng mga students sa school nila na ang Queen Bee nila is isang sundalo na. I can't! I just cant!

"I-im on out rest house in Palawan. You know. Umalis na kami dyan sa Manila. Baka anytime lumusob ang china." Pagpapalusot ko.

"Gosh! Maybe I should tell to my mom and dad that we should evacuate now." Exaggerated na pagkasabi ni Mikaela.

The Gay ScoutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon