K.R. 18

41 9 4
                                    

Ma-LSS ka, Phen-Phen 😂Bakit gising ka pa?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ma-LSS ka, Phen-Phen 😂
Bakit gising ka pa?

Inunahan ako sa tanong.
Kauuwi ko lang galing trabaho.
Ikaw?
Binge watching ka na naman?
Tumutugtog?
Nananahi ng costume?

Saglit! Isa-isa lang sa tanong, Dad! 😂✌

Hahaha sorry duckling.
Dad talaga. Ginawa na akong tatay.

Phen-Phen de sarapen hahaha
Katatapos ko lang mag-drums.
Naglabas ng sama ng loob. 😂

Talented talaga.
#SanaAll
Naglabas ng sama ng loob?
Nagbanyo naiisip ko hahaha

Agad-agad hahaha
Past 1am na po!
Pahinga rin 'pag may time!
May work ka pa.

Thoughtful.
Mayamaya. Kausap pa kita.
😊

Ay 😂
Gusto mo ng kwento?

Sure.

Sabi ko nga dati na ugly duckling ako?

Uhuhm.

Lagi ako nabubully no'ng elementary.
Hindi kasi ako palaayos.
Ang dugyot ko raw kaya ayun,
lagi lang akong nasa last row.
Wala akong kaibigan maliban sa isa.
Si Sheryl.
Kaso lumipat na rin siya ng school kaya tiniis
ko na lang pambubully nila hanggang sa makagraduate
ako.

Hmm . . .

Pero nagbago na no'ng nag-high school ako hanggang college.
Natuto akong mag-ayos.
Nauto yata ako ni Mama na maganda raw ako
pero tamad lang mag-ayos 😅
Natuto ako mag-work out kasi chubby pig na maitim na
duckling nga kasi ako. Imagine that, lol

You're beautiful, duckling.

Kikiligin na po ba ako? 😅
Teka malapit na matapos kwento ko.
Na-inspire ako magcosplay kasi nayaya ako ni
Mendel na samahan siya sa animé conventions.
Nakilala ko siya kasi transferee siya no'ng high school
kami hanggang sa naging mag-bestfriend until college.
Nakumbinse nya ako magcosplay at siya rin ang gumagawa ng
mga ginagamit naming wigs.

Nice one. Swerte nyo sa isa't isa.

Siyang tunay!
Siya ang nagturo sa akin na maging confident sa
mga bagay na gusto kong gawin.
He taught me to play the guitar, too.

Crush mo?

Hala hindi a hahaha
Echusero ka 😂😂😂

Biro lang.
Saka natin ituloy ang kwentuhan.
Kailangan din natin matulog.
Salamat sa oras, Vianka. 😊

Pupuyatin kita bahala ka hahaha
JK
Matulog ka na, Stephen na ayaw magpakita ng mukha
😝

Punta ka sa E.R.R.O.R. hahaha
Jamming tayo minsan.

Ayoko nga.
Gustong-gusto mo kasi 😂
Tayo na pong matulog!

Sige, tayo na.
Tayo nang matulog.
Sweet dreams.

Sweet dreams

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Kawaii Rock! (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon