CHAPTER 1: The Memories

187 117 11
                                    

Erine's POV

'MAY MAHAL NA AKONG IBA.'

'MAY MAHAL NA AKONG IBA.'

MAY MAHAL NA AKONG IBA.'

"BWISET!" napasigaw ako nang biglang maalala ko ang masakit na linyahang iyon, nahampas ko pa ang lamesa sa harap ko.

"Oyyyyy! nukajan?" Si Leslie, ang kaibigan kong madaldal, tumingin pa siya sa likuran niya para tingnan kung saan ako nakatingin.

Muli niyang ibinalik ang paningin sakin at tumingin na parang nag tataka "Wag mong sabihing naiinggit ka sa kanila o kaya naman baka may gusto ka kay Caiden?"

"Huh? Bakit naman ako maiingit?" Ano bang pinag sasabe netong mokong na'to.

"Yieeee, nag mamaang-maangan pa." sabat niya, habang kinukulikot ang mga kuko sa daliri niya.

"Ano bang pinag sasabe mong babae ka?"

"Sus, kunyare pa." pang aasar pa niya.

"Tigilan mo nga ako, may naalala lang ako." Sabay tayo sa kinauupuan ko at dumeretso sa Comfort Room para mag palit.

Hay Leslie kung ano-ano nanaman pinag iisip mo.

"Oyyyyy! dito ka lang" pahabol pa niya pero diko na siya pinansin at tuluyan na akong pumasok sa Comfort Room.

Bigla nalang akong naluha.

Ilang taon na ang nakalipas pero pilit paring pinapaalala sa akin ng tadhana ang masakit na ala-ala na iyon.

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon di ko parin matanggap ang pangyayaring iyon, gustuhin ko mang kalimutan pero mahirap.

Sobrang hirap, nasanay na akong lagi siyang nandiyan sa tabi ko at naging parte na rin siya ng aking araw-araw na pamumuhay

Sabi nga nila...

'Memories bring back, memories bring back you'

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit na mag Mahal, Ang hirap pala talaga mag move-on, akala ko dati sobrang dali lang.

Naaalala ko pa dati nung HS days ko pa, NBSB pa ako, na ang dali lang sakin na sabihin na 'hayaan mo na siya, di siya kawalan' sa mga kaibigan kong iniwan at niloko pero ang hirap pala talaga kapag sayo nangyari.

Lalo na kung siya yung taong una mong minahal, sabi ko pa dati 'kapag ako nag karoon ng boyfriend, gusto ko siya na yung first and last ko' pero sobrang hirap pala panindigan ang mga salitang iyon, lalo na kung hindi talaga kayo ang para sa isat-isa.

Inaamin ko sa sarili ko na mahal ko parin siya hanggang ngayon at hindi pa ako tuluyang nakaka move on.

Pagkatapos kong mag bihis, ay lumabas na ako ng Comfort Room, deretso deretso lang ang lakad ko para hindi na ko daldalin ni Leslie.

Nag mamadali din kasi ako, dahil kukunin ko pa yung mga gamit na inorder namin sa mall para dito sa shop.

Pero wala pa ako sa kalagitnaan "Caiden" malambing na tawag niya sakin, nanlilisik pa ang mga mata niya na nakatingin sakin na animo'y nang aasar.

"Bakit?" Napatingin naman si Caiden sa kanya.

Bwiset talaga tong babaeng to!walang magawang iba.

"Wala! hindi naman ikaw ang tinatawag ko." sabay taray kay Caiden.

"Tsk, papansin kalang talaga sakin." pang aasar pa ni Caiden sa kanya.

"Ulul ka, wag ka assuming, hindi ikaw ang tinatawag ko, tsaka di tayo talo, duhhh." maarte pang pag kakasabi ni Leslie kay Caiden.

"Hmp! buti alam mo hahaha."

Tinawan ko Lang si Leslie pero tinaasan lang niya ako ng kilay, kaya naman tinaasan ko din siya ng kilay, siyempre kailangan hindi tayo nag papatalo kahit kaibigan pa natin yan, at tuluyan na akong lumabas sa Cafe Avenue.

Pupunta ako ngayon sa mall para kunin nga yung mga inorder naming gamit para sa shop.

Ilang oras din ang binyahe ko bago makarating dito sa mall dahil sa sobrang traffic, Ang walang katapusang traffic.

Habang naglalakad ako papunta sa shop ng pinag orderan namin, tumitingin-tingin muna ako sa bawat store na madadaanan ko, Ang gaganda sana ng mga damit kaso, grabe ang mamahal parang mga ginto.

Pero may nakita ako na oversized na t-shirt kaya naman babalikan ko yun mamaya, sana naman nandiyan ka pa pag balik ko, yung ex ko kasi, pagbalik ko wala na siya, may iba na huhu.

Pumasok na agad ako sa shop na pinag orderan namin.

"Good Afternoon, Ms." bati sakin nung guard, parang kasing edad ko lang siya, kaya naman sinuklian ko siya ng ngiti sabay tango.

Mabilis Kong kinuha yung inorder namin tsaka mabilis na nag lakad papalabas Ng shop.

Para akong tanga, ang bilis kong mag lakad hahaha, parang naka forward ng 2x, Ang dami nang nakatingin sakin pero dedma lang kailangan kong mabili yung oversized T-shirt na gusto ko.

Napahinto ako nung maaninag kong wala na yung naka sabit na oversized T-shirt dun sa shop na yun.

Dali dali akong pumasok at tinanong yung isang sale's lady na nakatayo malapit dun sa T-shirt na yun.

"Asan na po yung T-shirt na nakasabit dito?" Malamang nabili na kaya nga wala nang nakasabit diyan, alangan na tumakbo tapos nagtago, ano bang tanong yan Erine.

"Ay nabile na po, Ma'am." Alam ko, kakasabi ko lang sa utak ko.

"Wala na po ba kayong ganun na stocks?"

"Last na po yun, Ma'am."

"Sino ba kasi bumile?" Naiinis na tanong ko sa sale's lady.

"Ayun po!" Turo ng sale's lady sa isang lalaki na matangkad na nag lalakad papalabas ng shop.

"Ahh sige, thankyou!" Kailangan kong mabile sa kanya yun, gustong gusto ko yung damit na yun.

Hinabol ko pa yung lalaki kaso ang bilis niyang mag lakad.

Hanggang sa makarating ako sa maraming taong nag sisiksikan, Kaya naman tinulak ko pa yung iba.

"Tabe!" sigaw ko sa kanila.

"Padaan nga!" dagdag ko pa.

Papalabas na ako ng mall ng maaninag ko ang mukha nung lalaki, Kaya naman napahinto ako at parang nag slow motion ang buong paligid.

Pasakay na siya ng kotse niya kaya naman gilid lang ng mukha niya ang aking naaninag.

Pero hindi ako nag kakamali, siya yun, siya talaga yun.

"Zayn"

Mahinang sambit ko pag kaalis ng kotse niya.

Hindi ko alam pero parang bumabalik nanaman lahat ng mga memories na pinag samahan namin.

'Paano ako makaka move on? Paano kita makakalimutan? Paano na ako ulit sasaya?'

'KUNG PINAG LALARUAN LANG NAMAN AKO NG TADHANA'

IG acc: leigh__celine

Playful Destiny (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon