CHAPTER 3: CONFUSED

143 103 28
                                    

🎵🎶I can be tough
I can be strong
But with you
It's not like that at all
There's a girl
That gives a shit
Behind this wall
You just walk through it🎶🎵

Naalipungatan ako nang marinig ko Ang kantang pinapatugtog ni Leslie, kaya naman bumangon ako at dumeretso sa cr para mag hilamos.

Tsk, ang aga-aga, nag papatugtog na agad, kainis istorbo sa pag tulog e, ang sarap- sarap pa naman ng tulog ko.

🎵🎶And I remember all those crazy things you said
You left them running through my head
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were here
All those crazy things we did
Didn't think about it, just went with it
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were here🎶🎵

"Ahhhhh." sigaw ko nung tumugtog yung part na yun.

Ikaw nanaman, bakit ba lagi ka nalang pumapasok sa isipan ko, patahimikin mo naman ako oh, sobrang sakit na kasi.

Parang sasabog na ako sa sobrang sakit, bigyan mo naman ako ng katahimikan nang sa gayon ay sumaya naman ako kahit panandalian lang.

Hindi ko na kasi talaga kaya, kung madali ka lang sanang palitan ay ginawa ko na, pero sobrang hirap dahil lagi ka nalang sumasagi sa aking isipan.

🎵🎶Damn, damn, damn
What I'd do to have you
Here, here, here
I wish you were here
Damn, damn, damn
What I'd do to have you
Near, near, near
I wish you were here🎶🎵

'SANA BUMALIK KANA.'

Hayyyyy Erine, tumigil kana nga kaka- assume dahil kasal na siya, kinaya nga niya nang wala ka kaya dapat kayanin mo din nang wala siya.

Bumaba ako at sakto nakahain na ang mga pagkain, lumingon-lingon muna ako sa paligid para hanapin si Leslie, pero wala siya.

Nasaan naman kaya yung babae na yun? Imposible namang nasa shop na siya eh ang aga-aga pa.

"Gooooood Moooorning!" mahabang bati ni Leslie, habang papasok ng pinto, may dala-dala pa siyang dalawang yelo.

"Buti naman gising kana?"

"Tsk, pa'nong hindi magigising eh ang lakas-lakas ng tugtug mo!" sigaw ko sa kaniya.

"Ohhhh, easy ka lang, umagang-umaga ang init ng ulo mo." pang aasar pa niya.

Kumain na nga lang tayo!" yaya ko pa sa kanya at naupo naman siya sa harap ko.

🎵🎶I love
The way you are
It's who I am
Don't have to try hard
We always say
Say it like it is
And the truth
Is that I really miss🎶🎵

"Nagustuhan mo ba ang kanta na pinatugtog ko?" Pang aasar pa niya habang nilalagay ang mga yelo sa pitsel.

"Nangaasar ka ba talaga?" Naiinis na talagang tanong ko sa kanya pero nag kibit balikat lang siya sabay subo ng pagkain.

Kainis, ang aga-aga binabadtrip ako!

"Nga pala, diba sasamahan mo c Caiden mamaya?"

Oo nga pala, muntik ko na makalimutan.

"Ayoko, tinatamad ako."

Playful Destiny (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon