PROLOGUE

209 116 18
                                    

Nandito ako ngayon sa park para makipag kita kay Zayn, nagulat pa ako kanina dahil hindi ko inaasahang tatawag siya at ngayon makikita ko na ulit siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito ako ngayon sa park para makipag kita kay Zayn, nagulat pa ako kanina dahil hindi ko inaasahang tatawag siya at ngayon makikita ko na ulit siya.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon, Sana bumalik na ang ala- ala niya.

Nakita ko siya na nakaupo sa may bench, may kasama siyang babae, pero hindi ko maintindihan kung bakit mag kasama sila, sana naman mali ang iniisip ko, hindi ko kakayanin kapag nag kataon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa direksiyon nila, Ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa kinaroroonan nila.

"Zayn, n-nak-kilala mo ba ako?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"Ofcourse." mabilis na tugon niya.

"N-na-a-lala mo na ang lahat?" Hindi ko alam kung bakit ako nauutal, siguro sa sobrang kaba.

"Yah." Hindi ko maintindihan kung bakit ang cold niya, Hindi naman siya ganyan dati.

"Kung ganon, bat kayo mag kasama?" Dere-deretso kong tanong sa kanya pero kinakabahan parin ako sa isasagot niya sakin.

"She's my Girlfriend." Nanlaki ang mga mata ko.

Biglang sumikip Ang dibdib ko sa narinig ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko, naguguluhan ako, Hindi ko maintindihan kung bakit nag ka ganito.

"Zayn, akala ko ba naaalala mo na ang lahat? Pero bakit di mo maalala yung pinangako mo sakin?" Mahinang sambit ko.

"Erine, ang tagal na nun, kinalimutan ko na iyon, nag uumpisa na ako ng panibago kong buhay at..." Pagputol Niya sa sinasabi niya.

"MAY MAHAL NA AKONG IBA." Bigla nalang akong nanghina sa sinabi Niya.

Anong mahal? Bakit? Pano nangyari? hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari pero sobrang sakit sa pakiramdam na ang dali lang ng lahat para sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mag kasama sila, at Kung papaano niya naging girlfriend Yun.

"Pero, Zayn."

"Erine, please tigilan mo na ako, may panibago na akong buhay, at malapit na kaming ikasal, kaya please mag umpisa ka na rin ng panibago mong buhay, kalimutan na natin ang isa't isa."

"Anong kasal? Bakit kayo ikakasal? Pano nangyari yun?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Please, Erine."

"Zayn hindi yun ganun kadali." sabi ko habang nangingilid na ang luha sa gilid ng aking mga mata.

"Alam ko Erine, nakalimutan mo na ba na sa ating dalawa ikaw ang nakipag hiwalay." natatawang sagot niya.

"Pero hindi ko maintindihan kung bakit siya p-"

"Erine!" pag putol niya sa sinasabi ko

"Zayn pinag usapan natin yun, na kaya lang ako nakipag hiwalay sayo dahil yun yung gusto ng parents mo." nag sisimula ng pumatak ang namumuong luha sa mga mata ko.

"Erine, Alam ko Yun, pero iba na ngayon, may mahal na akong iba!" Tinitigan ko siya sa mga mata, iba na Ang nakikita Kong Zayn, Nagbago kana talaga.

'Wag mo na ulit- uliting may mahal ka nang iba, NASASAKTAN AKO'

Napayuko na lamang ako sa sinabi Niya, pakiramdam ko dinudurog ang puso ko, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ikakasal na agad.

"Zayn." mahinang sambit ko, habang nag lalakad na sila papalayo.

Ang tanga tanga ko, naghihintay Lang pala ako sa wala, akala ko magiging okay na kami ulit kapag bumalik na ang ala-ala niya, akala ko magiging masaya na ako ulit, matagal na palang bumalik ang ala- ala niya pero bakit di man Lang niya sakin sinabi, nakalimutan na ba niya ang binitawan niyang pangako sakin?

Oo nga pala,

'ANG PANGAKO AY ISA LAMANG SALITA NA MANANATILING PANGAKO NA LAMANG HABANG BUHAY KAPAG HINDI PINANINDIGAN'

IG acc: leigh__celine

Playful Destiny (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon