Chapter 6

12 0 0
                                    

[Chapter 6]

"Myel, Hija! You're finally here. Umupo muna kayo dito sa salas, ipagluto ko kayo ni Brince ng pancakes at cookies" Masayang bungad ni Tita Angelie sa amin. Pagpasok pa lang namin sa bahay nila este.. sa mansion nila. Ang laki ng bahay nila.

Nakakamangha! Ang ganda ng chandelier na nakasabit sa taas kulay gold ito.

"Ahm, hi Tita." Bungad ko.

"Umupo muna kayo dyan." Sabi ni Tita

"Do you think I'm happy for this?" Out of nowhere biglang nagtanong si Brince. Hindi kami magkatabi. Nasa kabilang sofa s'ya. Magkaharap kami pero malayo ang pagitan naming dalawa.

"Ang ano?" Inosente kong tanong sa kanya.

Tumingin s'ya sa akin. "For this fixed marriage"

"Ahh" walang ganang napatango ako. Sino bang nagtanong?! Akala mo din happy ako? Well, mali ka.

"Speak up too." Nairitang saad n'ya.

Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka. "Are we close?" Nag-iba naman 'yong awra ng itsura n'ya halatang nainis at napikon. Akala n'ya s'ya lang ang brat dito.

Magsasalita na sana s'ya ng biglang nag-ring ang phone n'ya. Sinagot n'ya naman ito saka tumayo at lumayo ng konti sakin. I'll just do this for the sake of my family, nothing more nothing less.

Bumalik s'ya sa inuupuan n'ya at napa-face palm. Tapos tumayo s'ya ulit at hinatak ako papalabas ng bahay nila. Napunta kami dito sa swimming pool area. At dun nalang ako nabalik sa katinuan na hinatak n'ya pala ako.

"What's your problem? Who gives you the permission to touch me ha?" Galit na sigaw ko. Binitawan n'ya naman ako at sinubsob n'ya ang dalawang kamay sa bulsa ng ripped jeans na suot n'ya at tumingin sa akin ng diretso. "I'm going to tell you something important and direct to the point." He sighed.

"Ano ba 'yang importanteng sasabihin mo at dinala mo pa ako dito? Tapos bigla-bigla ka nalang manghatak." Tumingin muna s'ya sa kumikinang na tubig sa pool nila.

"Dinala mo pa ako dito pwede mo namang sabihin sa akin dun sa loob ng bahay niyo."

"Could you please shut your mouth! You look like a duck." Sabi n'ya sa akin.

"What?----" Hindi ko na natuloy ang dapat kong isumbat sa kanya.

"Ma'am, Sir Brince nandito lang pala kayo. Hinahanap kayo sa loob." Napalingon kami sa nagsalita. Yung isang housemaid pala nila dito sa bahay.

"Coming" saad ni Brince tapos iniwan lamang ako ng walang paalam at walang pasabing c'mon let's get inside o tara na't pumasok sa loob.

Hindi nalang ako nag-react at sumunod na lang, napairap na lang ako ng wala sa oras. This guy makes me crazy!

---

"Masarap 'yan hija, tikman mo, oh heto pa." Pag-offer ni Tita, sa akin ng ibang niluluto n'ya. Ang daming pancakes, cookies, cupcakes, tapos may chocolate cake din na hindi pa nagalaw.

"Okay na ako dito Tita, ang dami na nitong binigay mo sa akin. Hindi ko na 'to mauubos, swear!" Natawa nalang ako kasi kaugali n'ya din si Mommy na ang clingy pagdating sa mga ganito, ganyan. Tinignan ko 'yong mukha ni Brince na seryusong kumakain sa pancake na nilagyan ng Mom n'ya ng chocolate syrup.

"May chocolate syrup Hija, gusto mo bang ilagay ko ito sa pancake mo?"

"Huwag na Tita, hindi ako kumakain ng tsokolate eh." Ngumiti nalang ako ng pilit. Ngumiti nalang din s'ya at tumango.

"How's your life for being a vlogger, Hija?" Pag-iiba ni Tita habang ngumunguya. Kung ako si Brince, kanina pa ako na-out of place. Pero parang sanay na din naman s'ya na hindi magsalita. Edi, go with the flow!

"It's okay lang naman Tita." I stop. Tinikman ko muna 'yong pancake bago ko pinagpatuloy ang dapat kong sabihin. "Inspiring, exciting, and at the same time masaya ako sa ginagawa ko, Tita." Habol ko. Nginitian n'ya ako.

"I see. Magiging successful ka talaga sa buhay in the future Hija" ngumiti ako sabay kuha ulit ng pancake. "Ang sarap po nitong pancake. Ang galing niyo po palang magluto Tita" sabi ko sa kanya" magsasalita na sana sya pero biglang sumabat si Brince sabay tingin sa phone na hawak n'ya.

"Mom, I have to go" He calmly said and stood up. "Where are you going?" Tanong ni Tita. "Somewhere" tumango nalang si Tita at hindi na nagtanong.

___

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Thinking a content na gagawin ko bukas.

Nung umalis na si Brince. After a couple of mins umalis na din ako at nagpaalam kay Tita. Magco-commute nalang sana ako but Tita, insisted na ipapahatid n'ya ako sa driver nila para safety akong makauwi.

I was about to type some vlog ideas nitong note app sa phone ko. But I heard Kuya Luiz knocking and calling my name outside so pinapasok ko s'ya. "Bukas 'yan Kuya" I told him. Then, he slowly open the door.

"How's your day, sis?" Tanong n'ya at umupo sa dulo ng kama ko.

"I'm alright I guess"

Nilagay ko muna yung phone na hawak ko sa study table at hinarap si Kuya. Yumuko sya at napabuntong hininga sabay tingin ulit sa akin.

"Sorry sis, wala akong magawa this time"

"Ano ka ba Kuya, choice ko na 'to. Kaya wag kang mag-sorry jan. Palagi ka nalang humihingi ng paumanhin" Sabay ngiti ko ng mapakla. "At baka ito talaga 'yong kapalaran ko" Tumawa nalang ako na para bang binibiro ko lang yung mangyayari sa buhay ko. Nilapitan ako ni Kuya at hinawakan ang kamay ko saka niyakap.

"I know time will passed Sis. You'll be okay. Hindi man ngayon baka sa susunod na araw"

"And I'm thankful dahil kilala ko pala 'yong mapapangasawa mo at hindi ibang tao"

"Sabihin mo lang sa'kin kapag sasaktan ka ni Brince, hindi ako magdadalawang isip na bugbugin ang gagong 'yon"

"Or else baka mapatay ko s'ya"

Nang marinig ko ang word na 'mapatay' tinanggal ko 'yong pagkakayakap naming dalawa.

"Are you out of your mind, Kuya?"

"Joke lang sis, ito naman di mabiro. Shempre, if that happened I'll be living in jail for many years. Edi, wala ka ng makakasamang poging kuya mo araw-araw o buwan-buwan"

"Ayos na sana kuya, sweet at over-protective ka na. Kaso ang hangin mo dinaig mo pa 'yong aircon at electric fan dito sa loob ng kwarto ko."

"Tss totoo naman ah pogi ako at maganda ka, magkapatid kasi tayo"

"Aba't bumabawi kuya ah! Lumabas ka na nga lang, matutulog na ako. Nawiwindang ako sa kahanginan mo." Sabay higa at nagtalukbong ako ng kumot.

"Oo na, lalabas na ako. Goodnight sis"

"Goodnight din"

Narinig ko nalang yong mga yapak n'ya palabas at sinarado yung pinto. Napangiti nalang ako kasi kahit kailan
naramdaman ko pa din na bini-baby pa rin ako ni Kuya.

Matutulog na sana ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko sa table. Inalis ko muna yung kumot na nakaharang sa mukha ko.

Nag-notif lang pala na may nag message sa akin sa line. Walang ibang nakakaalam sa account ko dito sa Line bukod sa family at friends ko. Ito kasi yung ginagamit ko if ever na tatawagan o i-video call ko sila. Wala kasi akong Facebook for security purposes. Ang dami ko rin kasing mga posers sa FB. Kaya hindi na ako gumawa ng facebook account. Tinignan ko kung sino yung nagmessage sa akin.

From: Goddamn Like You (rvl_strange)

I want you. You'll be mine forever soon. <3

Almost Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon