"Tinda"
"Oh!Hopia,Mani,Popcorn kayo Diyan!"
Kung sinuswerte ka nga naman Akisha at pinapasok ka ni Manong Kundoktor sa loob ng bus.
"Oh Sir,Madam!Bili na po kayo"
"Ay kay gandang dalaga mo naman Iha. Pabili ako ng Hopia"
"Ay syempre Lola nagmana kay Marian Rivera eh. Oh ito po. 50 pesos po"
"Hopia,Mani,Popcorn!" pag aalok ko ng paninda ko.
"Pabili!"
"Pabili ng popcorn"
"Pabili ng tubig,meron ba?""Oh isa-isa lang po. May tubig po 20 pesos ang isa"
Nakakatuwa at mauubos na ang paninda ko. Makakabili na ako ng gamot ni Mama.
"Magkano 'yang Mani mo?"
"A-ano?!" napalingon ako sa lalaking nagtanong. Aba ang Mani ko?! Hindi ko ibinebenta!
"M-mani ko?!"
"Oo,Bibilhin ko" h-hindi puwede!
Pogi sana kaso bastos,hmp! Tatalikod na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Yung lalaking gustong bumili ng mani ko!
"Miss parang awa mo na gusto ko ng kumain. Pabili ng Mani mo"
"Ano ka hilo?Hindi ko ipinagbibili ang mani ko!"
Nagcross arms ako at inirapan siya. Tinitignan na tuloy kami ng mga pasahero haist.
"Ito kasi Miss" kinuha niya ang tinda kong Mani sa loob ng basket ko.Ahh! Napahiya ako dun ah,putspa. Narinig ko namang naghigikhikan ang mga tao.
"Ahh ayan ba,sorry naman Sir. 15 pesos po yan"
"Oh ito na ang bayad. Sorry kung parang nabastusan ka"
"A-ayos lang,Salamat"
Nagmadali akong makalabas ng bus. Nagpasalamat muna ako sa konduktor at Driver. Hoo! Nakakahiyang pangyayari!
Nang makababa na ako ng bus ay nakita kong nakatitig sa akin yung poging lalaki ng nakangiti. Argh nakakalaglag panty ah! Charot!
END
—Plagiarism is a crime.