Magnanakaw

2 0 0
                                    




"Hooooy sino nakakita ng ballpen kooo?"

'hindi ko nakita'

'hanapin mo sa sahig,baka nanjan lang'

'nakko may nakapulot na nun'

Aish palagi nalang nangyayari sa akin ito. Nauubos ang baon ko sa kakabili ng ballpen araw-araw.

" Asan kana ba?huhu bibili nanaman ako "

Kapa dito, kapa doon. Wala padin.

" Hey Yvo nakita mo ba yung ballpen ko? "

"Hindi"

"Weh? Patingin nga ng bag mo"

"Wala nga sabi! Kung hindi ka sana pabaya sa mga gamit mo edi sana hindi nawawala"

" Ouch ah. Kung ayaw mo edi wag"

Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Nanghiram nalang ako sa katabi ko ng ballpen at nagsimulang magsulat ng Journal. Habang nagsusulat ako ay ramdam kong may nakatingin sa akin kaya hinahanap ko yon at nahuhuli ko si Yvo. Nakakainis siya,hindi pa rin ako maka move on kanina ah.

--

Kinabukasan ay inagahan ko ang pagpasok sa eskwelahan upang bumili ng magandang klaseng ballpen.

"Purple purple ayun! May purple pa " actually mahilig ako sa Purple kaya Purple lahat ang kulay ng binili kong ballpen.

Habang nagkaklase ay hindi ko tinatanggal ang pagkakahawak sa aking ballpen,baka mawala nanaman e.

" Miss Ella Min  answer this problem on the board "

Hoy ako yun, nakakakaba talaga itong si Ma'am Math. May lahi akong Korean kaya 'Min'' ang apelyido ko. Nilapag ko muna ang ballpen ko sa desk ko at sinagutan ang nasa blackboard.

Pagkabalik ko aa aking upuan ay wala ang aking Purple ballpen!Argh ito nanaman. Nagdesisyon akong magsumbong kay Ma'am.

" Ma'am may kumuha po ng ballpen ko. Halos araw-araw na pong may kumukuha "

" I saw Mr. Yvo , kinuha niya yung ballpen mo habang nagsosolve ka dito sa unahan "

Huh! Si Yvo pala ah. Nilapitan ko siya at tinanong. "Hey akin na yung ballpen ko"

" Wala naman ah, niloloko kalang ni Ma'am "

"Ah ayaw mo sabihin ha"  binuksan ko ang bag niya at hinanap ang ballpen ko. Nakita ko ang lahat ng ballpen ko simula nung nawalan ako. Ibig sabihin siya ang kumukuha?

"Magnanakaw! Bakit mo ninakaw lahat ng ballpen ko? Mayaman ka naman ah!"

"Yeah sorry"

"Bakit mo ninakaw?"

"I LIKE YOU! kaya ko ninanakaw iyan. Ibabalik ko rin naman sa iyo. Matagal na kitang gusto Ella"

Bigla akong namula sa sinabi niya. Gusto nya ako kaya nya kinuha ang lahat ng ballpen ko? Wth

"Hindi ko na kukunin ang mga ballpen mo. Pero nanakawin ko naman ang puso mo ngayon. Ms. Ella Min,can I court you?"

' Sana all! '
' Papayag na 'yan! '
' Yieeeeee '

"Ehem! Class quiet! Ms. Min bumalik kana sa upuan mo at ikaw Mr. Yvo Huwag mo na kunin ang ballpen ni Ella" Ayy nagalit tuloy si Ma'am.

"Grade 6 palang kayo may nalalaman na kayong ligawan? Tsaka na yan kapag nasa tamang edad na kayo"

Ayy oo nga pala Grade 6 palang kami hihi,bawal pa ako magka boyfriend.

END
—Plagiarism is a crime.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon