Sana All

3 0 0
                                    


"Sana all maganda hmp!" inis kong sabi. Buti pa yung ibang kaklase ko ang ganda samantalang ako walang nagkakagusto.

"Maganda ka naman Kinn ah" napalingon ako sa kaklase ko na si Cole dahil sa sinabi niya.

"Hmmp hindi kaya"

"Maganda ka sa paningin ko"

"Ayieee kinkilig na yannn" panunukso ng kaibigan ko sa'kin.

"Tse!"

" Bakit 'di ka naniniwala ,Kinn? Antagal tagal ko ng sinasabi sa'yo na maganda ka pero paulit-ulit mong sinasabi na hindi"

"Eh pake mo ba Cole? Tsaka kung maganda ako bakit iniwan mo pa rin ako?"

Na-shock ang lahat dahil sa sinabi ko. Yes , Cole is my ex at talagang magkaklase pa kami ngayon. Matagal na simula nung iwan niya ako pero yung sakit nandito parin sa dibdib ko. S'ya lang kasi yung lalaking unang minahal ko pero s'ya rin yung lalaking unang dumurog ng puso ko. Pinagpalit niya ako sa kaibigan ko at 'di ko pa rin malaman kung saan ako nagkulang.

" I'm sorry Kinn "

"Oh c'mon Cole. Akala ko ba maganda ako sa paningin mo pero ba't nagawa mo pading ipagpalit sa kaibigan ko?"

" Dahil may sakit ang kaibigan mo, Kinn. Dalawang taon nalang siyang mabubuhay. Sinabi niya  sakin na kahit dalawang taon lang,mahalin ko s'ya. kaya iniwan kita ng hindi nagpapaalam. At napamahal na rin ako sa kaniya. I'm sorry..."

What the! Kaya pala nangangayayat si Haze dahil may sakit siya. Bakit ngayon ko lang nalaman? . Pinahid ko ang luhang pumatak mula sa mata ko at lumabas ng room. Dapat sinabi nalang ni Haze na may sakit siya at may gusto siya kay Cole.

END.
–Plagiarism Is a crime

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon