"Uyy nehh. May PT daw na gwapo sa Math Department at siya pa ang mag tuturo sa atin." sabi sa akin ni Raine.
"Talagaaa?? HAHAHA lalandiin kona ba?" tanong ko sa kanya.
Kilala ako sa pagiging pilya
"Sige sigee.. Tignan natin ang kamandag mo kung papatos kay Sir" sabi niya na parang na i excite.
"Suss easyy.. Mamaya huh watch and learn para mag ka jowa ka naman" sabi ko sa kanya.
Agad niya naman akong tinignan ng masama dahil sa sinabi ko.
_______
Dumating ang oras na math time na namin
Agad kaming pumunta ni Raine sa Math Department at nang pumasok na kami sa room andon si Mr Daip na may kasamang binata.
Yun siguro ang PT na sinasabi ni Raine.
Well gwapo nga.
Umupo kami ni Raine sa unahan. Don kasi talaga kami laging nakaupo.
Pumunta sa harap si Mr Daip.
"Good morning everyone. I want to introduce to you this young man beside me. This is Mr, Hayden Santiago. Siya muna ang papalit sa akin bilang teacher niyo sa subject ko. Please respect him like how you respect me." sabi niya sa amin.
Agad naman tumango karamihan ng kaklase namin.
May nakita akong tumaas ang kamay.
Si Alexis yung isa sa matalino sa amin."Yes Ms?" tanong ni Sir Daip.
"Pwede po ba naming matanong si sir Santiago ng ramdom question?" sabi niya sabay tingin kay sir Santiago at ngumiting malagkit.
Iws. Kala naman nakakaakit mukha naman manyakis na tipaklong.
Tinanong muna ni Sir Daip si Sir Santiago kung pwede ba daw kami na mag tanong sa kanya.
Ngumiti siya at tumango.
Mas lalo ata siyang gumagwapo pag nakangiti.
"Sige iiwan ko muna kayo para magka bonding kayu ng mga estudyate Mr, Santiago" sabi ni sir daip at umalis sa room.
"Sige ano na ang gusto niyong itanong sa akin?" tanong ni sir.
Shit bat ganun ang husky ng boses niya bagay na bagay sa mukha niyaa.
'Sir ako sir'
'Ako muna sir'
'Dito sir'Andaming nag taas ng kamay.
"Oh hinay hinay lahat kayu makakatanong" natatawang sabi ni sir
May tinuro siyang babae para makatanong sa kanya.
Agad naman kinilig at tumayo ang babae.
"Ilang taon kana sir?" tanong niya kay sir.
"I'm 22 years old" sagot niya.
Agad naman nag bulong bulungan ang mga kababaihan sa amin.
'Woahh pwede pa.'
'Bata niya pa pala'
'Yiieee pwedeng pwede pa'Sabi ng ibang kaklase ko.
Halos lahat kami ay 18 years old dahil senior high na kami
"Sir" pag taas nanaman ng isa pang babae.
Agad naman siyang tumango para pahintulutan itong mag tanong sa kanya
"May jowa kana sir?" agad naman nag hiyawan ang mga babae sa amin dahil sa tanong.
Asan ba ang mga lalaki? Tss bat puro babae nag tatanong.
"HAHAHA" napatawa si sir sa tanong nila.
Dahil naging sunod sunod na."Easy lang kayo sasagutin ko naman ih." sabi niya sa amin.
"No wala pa akong Jowa" sabi niya sa amin.
Agad nanaman nag hiyawan ang mga kaklase ko pati ang mga lalaki nakikisabay narin.
Barbie ba tong mga to?
"But, I'm waiting for someone " agad naman kaming napatameme sa sinabi niya.
"Sanaols naghihintay" sigaw ng lalaki.
'Sino sir?'
'Oo nga sir sino?'
'Ang swerte niya naman'Sabi ng mga kaklase ko.
"Oh Ms Santos swerte ka daw sabi ng mga kaklase mo" sabi niya sabay tingin sa gawi ko.
Huh? Anudaww? Bat ako?
Agad nag sigawan ang mga kaklase ko pati si Raine kinilig sa sinabi ni Sir.
Samantalang sa akin di pa nag proprocess kung ano ibig niyang sabihin."Uyyy Astrid ahh" katyawan nila sa akin.
Di ko mapigilang mahiya dahil sa nangyayari.
Agad naman tinusok ni Raine ang tagiliran ko.
"Ikaw ah may wala kang sinasabi sa akin." sabi niya na may mapanuksong tingin
"Ewan ko sayu" sabi ko sa kanya.
"Ibig mong sabihin sir si Astrid ang hinihintay mo?" tanong ng isang kaklase ko.
Ngumiti si sir at tumango.
"I been waiting for her since i was 10. I promised to her that I'll be her husband when the right time comes. So Ms Santos? Nasa tamang idad kana tama na ba ang oras nato para matupad ko ang pangako ko?" laglag ang panga namin dahil sa sinabi niya.
Lumapit niya sa akin at pumwesto sa gilid ko.
At lumuhod.
"Luh si sir" di ko mapigilang bigkas.
Agad naman siyang ngumiti sa akin at nag hiyawan nanaman mga kaklase ko.
Pagkatapus siguro nito mabibingi na ako dahil sa kakasigaw nila.
"Papayagan mo ba ako para matupad ko ang mga pangako ko sayu?" tanong niya sa akin.
Agad akong napakagat sa labi dahil sa sinabi niya.
Siya pala yon. Yung taong nangako sa akin nung bata ako.
Akala ko panaginip ko lang yun di pala.
"Will you let me astrid?" tanong niya sa akin.
"N-nag propropose kaba?" tanong ko.
"Kung ganun ang tingin mo eh di ganun na nga" sagot niya at nag smirk pa.
"Oo na agad astrid. Kung hindi aagawin ko si sir" biro ng isang kaklase ko.
Ngumiti ako at tumango.
Agad naman siyang tumayo at niyakap ako.
"Ang propose wala man lang singsing" bulong ko sa tenga niya habang magkayakap kami.
"Andito naman ako bat kailangan mopa ng singsing" bulong niya rin sa akin.
"Landi mo sirrrr" sigaw ng lalaki kung kaklase.
Bumitiw siya sa pag yakap sa akin at humarap sa mga kaklase ko.
"Inggit lang kayu" sabi niya at inakbayan ako.
Ako dapat lalandi pero bat ako ang nilandi?