her Heart

595 12 0
                                    

Cyrus and I were friend since we were kids.

I secretly has a crush on him.

At dala dala ko parin yun kasi 20 years old na ako at 22 siya.

He has a girlfriend named Natasha or NatNat.

Happy ako para sa kanilang dalawa kahit na medyo masakit.

Masaya siya kay natnat eh. Ano panlaban ko don.

Lagi akong third wheel sa date nilang dalawa sumasama ako kasi gusto kong makasama si Cyrus pero minsan di nalang. Kasi alam ko naman na bonding nila yun.

Kilala ko si Cyrus at alam na alam kung mahal na mahal niya si Natnat.

Pag magkasama kami walang ibang bukambibig siya kundi si natnat ganito ganyan

I'm hurt. Pero okay lang. Okay nalang.

Pero nalaman ni Cyrus na may sakit sa puso si Natnat dahil minsang inatake ito sa sobrang saya dahil sa pag surprise niya.

Di mapakali non si Cyrus habang nahihintay sa labas ng Emergency room.
Lakad dito lakad doon.

Naghintay siya ng ilang oras para lang malaman ang resulta hanggang sa lumabas ang doctor.

"Sa ngayun okay na ang pasyente. Pero kailangan na natin makahanap ng donor at maoperahan siya para di na mauulit ang ganitong trahedya. Baka sa susunod na atakehin siya ay di na namin maagapan pa" sabi ng doctor sa kanya.

Agad naman kaming iniwan ng doctor at siya naman ay andon parin sa lugar kinatatayuan niya.

Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya.

Nilapitan ko siya at pinaupo sa upuan.

"Okay ka lang ba?" i ask him.

"Fuck" sinabunutan niya ang buhok niya at ginulo gulo ito na para bang frustrated na frustrated siya.

Tinignan niya ako sa mata at halata ang galet dito.

"Paano ako magiging okay huh? Si Natnat andyan parin sa ER walang malay. Walang malay ang girlfriend ko tas tatanungin moko kung okay ako? Tanga kaba?" sabi niya sa akin.

Masaket. Pero tiniis ko.

Ngumiti ako.
"Ano bang maitutulong ko para maibsan yang galet at lungkot mo?" tanong ko sa kanya.

"Maiibsan lang ang galet at lungkot ko kung okay na si Natnat." humina na ang boses niya this time.

"Bes si Natnat. Siya lang ang nagpasaya sa akin ng ganito. Siya lang ang minahal ko ng ganito. Ayokong mawala siya bes. Mawala na lahat wag lang siya" sabi niya habang humahagolhol sa balikat ko.

Napakagat ako ng labi para di lumabas ang luha sa mata ko pero meron paring kumawala na isang patak at agad ko itong pinahiran.

"Titignan ko ang magagawa ko huh. Kung ano maitutulong ko sayu" sabi ko sa kanya.

"Tsk. Ano bang magagawa mo? Pwede ba wag mona akong paasahin." sabi niya sa akin at biglang tumayo at iniwan ako.

Naiwan ako sa labas ng ER maya maya pa ay dumating ang parents ni Natnat.

Umiiyak din ang mga ito at halatang mahal na mahal nila ang anak nila.

Sana ganyan din ang mga magulang ko.

Pumunta ako sa doctor ni Natnat para kausapin ito.

_________

Cyrus POV.

Iniwan ko si Jasmine sa labas ng ER samantalang ako ay nagpahangin muna.

Alam kung may nasabi akong masasakit na salita sa kanya kaya bumalik agad ako para mag sorry pero parent si Natnat ang nakita ko.

Agad akong nag mano dito bilang respeto.

Mayamaya ay dumating ang doctor na nakangite sa amin.

"May donor na po tayu para sa anak niyo Mr/Mrs: Ibarra. At nakaperma na po siya ng kontrata" sabi sa amin ng doctor.

Agad akong nakaramdam ng tuwa. At alam kung ganun din ang parents ni natnat

"Pwede ba namin makilala ang donor? Gusto sana naming mag pasalamat" sabi ni ante.

Tama dapat mag pasalamat kami.

"Ah. Sorry po Mrs pero ang request po ng donor ay wag niyo na daw siyang kilalanin. Yun po ang request niya kaya nirerespeto po namin yun" sabi ng doctor at biglang tumingin sa akin. May iba sa tingin na yon.

"Nu kaba hon. Okay na yun. Ipagpasalamat nalang natin na may donor na ang anak natin" sabi ni tito.

Nung inooperahan na si Natnat sa Loob ng ER ay tinatawagan ko si Jasmine pero di niya ako sinasagot.

Halos 6hrs ang naging operasyon ni Natnat kaya andon lang ako buong magdamag kakahintay kong maayos ba ang operasyon pagkatapus

Pero di din mawala sa isip ko si Jasmine baka umuwi nayon dahil sa galit sa akin. Pag nalaman kung okay na si Natnat pupunta agad ako sa kanila para mag sorry sa kanya.

Lumabas na ang doctor at sa likod nito ang bangkay na nag donate ng puso niya kay Natnat.

Pagtulak sa kanya ng nurse nahulog ang kamay niya at dahilan yun ng panlamig ng buong katawan ko.

Kausap ng doctor ang parents ni natnat samantalang ako pumupunta palapit sa bangkay ng donor.

Binaba ko ang telang naka takip sa mukha nito at tama nga ang hinala ko.

Si Jasmine nga ang babaeng walang buhay. Akala ko magkapareha lang ang bracelet ng donor at ni Jasmine. Yun yung bracelet na bigay ko sa kanya.

Agad akong nanghina sa nakita ko.
Si Jasmine nakahiga, maputla at walang buhay.

"Hindi!HINDI TOTOO TO!!! PLEASE SABIHIN NIYONG DI TOTOO TO" sigaw ko..

Hinawakan ko ang kamay ni Jasmine at sobrang lamig na nito.

"BESS!!!" di ko mapigilang sigaw.

dinaluhan ako nila ante at tito.

"Cyrus what happen~" di niya natuloy ng makita niya ang mukha ng babaeng nasa harap ko.

"Oh my God, is that Jasmine?" di makapaniwalang sambit ni tita.

Umiyak ako ng umiyak di ko narin mapigilang mapaluhod sa harap ng katawan ni Jas dahil sa panginginig ng tuhod ko.

Nilapitan ako ng doctor at may binigay sa akin.

"Sabi niya ibigay ito sayu pagkatapus ng operasyon" sabi ng doctor at iniwan ako.

Dinala naman ng nurse ang katawan ni Jasmine sa morgue.

Tinignan ko ang binigay sa akin ng doctor.
Sobre ito. Agad ko naman iyon binuksan at kinuha ang laman.

It was a letter.

Agad ko din itong binasa.

'Hi bes. Wag kanang umiyak, sa ngayun siguro habang binabasa moto maayos na si Natnat. Please wag ka ng malungkot kasi nalulungkot din ako pag malungkot ka. Cheer up bes. Yan ahh natulungan na kita, handa kong gawin lahat para maging masaya ka lang ang iparaya ka sa ibang tao ang ibigay ang puso ko sa ibang tao para lang maging masaya ka. Tsaka wag kang mag aalala di mag babago ang pagmamahal sayu ni Natnat dahil lang iba na puso niya ikaw parin laman non kasi ikaw lang naman ang naging laman ng puso ko. I really hate seeing you cry kaya please wag ka nang umiyak. Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin kaya ayokong malungkot ka. Kaya please wag na sad ahh. Mahal na mahal na mahal kita

-Jasmine.'

Agad akong napaiyak. Paanong di ko nakita na gusto pala ako ng kaibigan ko.

"I'm sorry Jas. Promise di ko sasayangin ang sakripisyo mo. Sorry sorryy. Patawarin mo sana ako kung naging selfish ako.. Sorry talaga" sabi ko habang umiiyak.

Kung maibabalik ko lang talaga ang oras maspipiliin ko nalang na ako ang mawala kaysa sa mawala ang isa sa babaeng mahal ko.

Short Stories Where stories live. Discover now