'Save me I'm drowning ' yan ang nakita ko kakascroll down habang nag e-fb.
Post yun ni Jam bestfriend ko.
Madaming nag 'haha react' dito at marami din ang nag comment.
"May dagat na pala ang FB ngayun HAHA"
" di pala marunong lumangoy"
"Sml??"
Yan ang mga komento na nabasa ko sa post ni Jam.
Kinabukasan tinanong ko si Jam kung ano ang ibig niyang sabihin sa post niyang yun.
Ngumiti siya at sumagot
"Pull me I'm falling" agad naman akong naguluhan sa sagot niya.Umalis siya sa harapan ko at pumunta sa iba pa naming kaibigan at nakipag kwentohan.
Tinignan ko siya ng mabuti at parang wala namang problema sa kanya dahil lagi naman siyang nakangite at tumatawa.
Kinagabihan ng nag online ako nag post nanaman siya.
"Save me from darkness. I need light "sabi ng post niya.
Kinabukasan nakita ko naman siyang nakikipag tawanan sa kaklase namin.
Tinawag ko siya ulit at lumapit naman siya.
"Do you need anything?"tanong niya sa akin.
"How about you?" binalik ko sa kanya ang tanong niya sa akin.
Agad naman siyang ngumiti.Hinawakan niya ang balikat ko
"Gusto mong malaman? Hihintayin kita bukas sa bahay. Please save me to myself" sabi niya sa akin at iniwan ako.
Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Pero kinabukasan ay pumunta parin ako around 10am na dahil madami ang ginawa sa bahay.
Kumatok ako sa bahay nila Jam at walang sumasagot. Ang alam ko rin wala ang mommy at daddy niya dahil sa trabaho.
"Jam?? Andito na akoo" sigaw ko sa labas ng bahay nila.
Pero walang sumasagot.
Pinihit ko ang pintuan nila at buti nalang bukas.
Pumasok ako
"Jamm???" kakapasok ko palang ay nakaramdam na ako ng kakaiba.
Pinuntahan ko ang kwarto ni Jam pero wala siya.
"JAM?" sinubukan kong sumigaw baka marinig nita yung pag tawag ko.
Pero wala. Inisip ko baka may binili siya sa labas kaya umupo muna ako sa sofa nila.
Pero dumaan ang isang oras pero wala parin siya.
Bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya pumunta ako sa CR nila para makigamit.
Pero halos nanlamig ang buong katawan ko ng pagbukas ko ng CR nakita ko si Jam.
Nasa bathtub naliligo sa sarili niyang dugo.
Di ko mapigilang sumigaw at umiyak.
May mga taong pumasok ng bahay nila dahil siguro sa sigaw ko.
Agad naman nila akong nilapitan at tinignan kung ano ang tinitignan ko.
Sila din ay nagulat sa nakita nila.
Dinala nila ako sa sala at pina upo.
At di kona napansin ang lahat dahil nawala na ako sa tamang pag iisip.
Napansin ko nalang na ang dami ng tao sa loob ng bahay nila at may mga pulis ng dumating.
Lumapit sa akin ang isang lalaki at may binigay sa aking isang sulat.
"Nakita ko yan sa lababo ng CR." sabi niya at pagkatapus ay inabot sa akin.
"I'm depress. I need someone to save me from myself. But maybe its too late.
I'm tired. Tired of being sad with no reason." di kopa man nabasa ang lahat pero sobra akong nanlumo. Di ko man lang napansin na may ganyan palang pinagdadaanan ang kaibigan ko."It's really hard to cry with no reason. And I always ask myself why i feel sad even though I don't have any problems.
"I want someone to look at my eyes and tell me that he or she knows that I'm not okay. I want someone to talk to. But no one cares to listen."
"I thought that someone might save me this time but no one came." in this paragraph i know she was talking about me.
'I came Jam. But I'm late.
I'm sorry.'"And i know i decided to end my suffering. To end my self. Because I'm too tired to fight my self all along."
Umiyak lang ako ng umiyak habang binabasa ko ang sulat na iniwan niya.
I ask myself. Talaga bang kaibigan niya ako? Bakit di ko man lang napansin na nahihirap na siya dahil sa sarili niya?
Or maybe napansin ko talaga pero hinayaan ko lang kasi akala ko okay lang siya.
Lagi siyang nakangite na parang wala problema pero sa loob looban niya pala at wasak na wasak na siya dahil na din sa sarili niya.
And now I was thinking about depression. And to all those people out there na nakakaranas nito it must really hard to fight yourself para lang mabuhay.
Dahil hindi lang kung sino ang kinakalaban nila. Hindi lang kung ano.
Kundi yung sarili nila mismo.We need to help those people as long as may maitutulong tao kundi matutulad kayo sa akin na puro "what if" ang naiisip dahil sa nangyari sa kaibigan ko.