Chapter 12: 'Not In The Mood'

64 1 0
                                    

 

 

“Ano? Kakain na tayo?” nakangisi niya tanong. Habang nakadantay ang mga braso niya sa kama. Sa sobrang inis ko, inuntog ko yung ulo ko sa ulo niya at agad siyang tinulak, tumayo ako at tumingin sa salamin.

“Ouch! Shit!” inda niya sa sakit, malamang masakit din yung saakin, syempre kailangan hindi ako magpahalata. At malamang mas masakit yung sa kanya! Napangiti nalang ako sa ginawa ko.

Inayos ko yung sa sarili ko sa salamin, napawi ang ngiti ko sa labi at nanlaki ang mga mata ko. Paano nangyari to?! Agad kong nilingon si Calix na himihimas yung ulo niya. Kung hindi lang ako nabigla sa suot ko, tatawanan ko pa sana siya sa itsura niya.

“Sinong nagbihis saakin huh?!” singhal ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako, nakangisi na siya ngayon.

“Wag mo kong ngisihan!” sigaw ko kahit na sa loob ko ay kinakabahan ako sa ngising aso niyang yan. Damn! What just happened? Pinagsamantalahan niya ba ako? Dahil ba nakita niya kami ni Reign sa bus e, mababa na tingin niya saakin kaya niya ako pinagsamantalahan?

“Alam mo kasi ganito ‘yon..” napatingin ako sa kanya, nakatayo na siya ngayon. At lumakad na papalapit saakin, “Wala kasi si Lizzy kanina, tapos pinaiwan ka niya saakin, e nag-init ako, di ko napigilan e,” pinilig niya yung ulo niya at tiningnan ako simula ulo hanggang paa. Napatakip ako sa dibdib ko.

“Napakawalang hiya mo talaga!” at kinuha ko yung suklay na malapit lang saakin at agad na binato sa kanya. Tama lang naman, kasi sumapol talaga sa ulo niya. I smiled as a sign of my victory.

“Shit! Nakakadalawa ka na!” ani niya, at hinimas yung ulo niya.

“Hmp!” humalukipkip ako at naglakad na sa may pinto, bahala ka diyan! Buti nga sayo, pagsamantalahan ba naman ako, walang respeto! Kung may kapatid kang babae, yun ang kawawa kasi yun yung kakarmahin. Bwisit ka!

Lumabas na ako ng pinto, at nadatnan ko sila Lizzy at JP na nag-uusap doon. Agad namang lumapit saakin si Lizzy at niyakap ako. Hinintay pa talaga nila ako dito, grabe talaga tong si Lizzy. Buti na nga lang at hindi na denial tong si Lizzy, alam ko namang may nararamdaman na din to kay JP ayaw pang aminin sa sarili.

“Buti nalang nagising ka pa!” sabi niya habang yakap-yakap ako, binatukan ko naman.

“Malamang! Parang nabagok ulo ko a?”

“E ang tagal mo pa kasing nagising Ms. Sleeping Beauty! Hinalikan ka pa yata ni Calix, kaya ka nagising e.” at ngumiti siya ng nakakaloko saakin.

Pinalo ko naman siya sa braso niya, “Mukha mo! Tara na nga, nagugutom na ako, libre mo ‘ko!” at agad ko siyang hinila papunta sa kainan, baka mamaya biglang lumabas si Calix, mabwisit pa ako at masapak ko siya sa mukha.

Buti nalang talaga at magkasama sina JP at Lizzy! Damn. Wala talaga akong dalang pera, ni piso! Sa sobrang kakamadali ko kasing makaalis dun sa kwarto namin, nakakainis naman kasi. Ang sarap talaga kalbuhin yung Calix na yun! Buti nalang din, at mabait si JP. Kaya kung anu-ano ang pinagtuturo ko na pagkain, pumayag naman siya, kasi naiintindihan niya yung sitwasyon ko.

Fieldtrip ^0^ ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon