Chapter One: I want To Meet My Dad

127 0 0
                                    

        Lumakad si Aquamarine pagkababa sa jeep na sinakyan, bumuntong-hininga siya nang makita ang pangalan ng subdivision na binabaan, ang "Sapphire Exclusive Residence." Lalapit na sana si Aquamarine sa guard nang may isang itim na kotse, hindi basta kotse kundi ang classic na Impala na mula pa sa ibang bansa ang siyang huminto sa gate para kausapin ang guard.Bumukas ang bintana ng Impala. Isang babaeng naka shades ang kumausap sa guard.

        "Naku ma'am, magagalit na naman si sir Alpha sa inyo eh," wika naman ng guard ng subdivision.

        "Hindi 'yan at saka wala na rin naman siyang magagawa," ngumiti ang magandang babae.

        "Sige na, ma'am Meg,wala na rin akong magagawa, basta pag hinanap ni sir Alpha 'yang kotse sabihin ko nakita ko kayo na dala niyo," wika ng guard.

        "Okay, thanks, kuya guard, heto pala pakibigay sa anak niyo," inabutan ng isang chocolate bar ang guard.

       "Salamat po, ma'am" wika naman ng guard. Pinaandar na ng dalaga ang impala at umalis.

        Kakausapin na sana ni Aquamarine ang guard nang isang lalaking naka bigbike ang tumigil.

        "Hey, sir, is that my impala?" Tanong ng lalaki.

        "Sir, Opo, tinangay na naman ni Ms.Meg," wika ng guard.

        "That brat !" Inis na wika ng lalaki.

        Hindi na nakatiis si Aquamarine.

        "Kuyang guard, dito ba nakatira si Leonnart Sapphire?" Tanong ni Aquamarine.

        "Why?" Tanong ng gwapong naka bigbike.

        "May importante lang po akong sadya," wika naman ni Aquamarine.

        "That's my dad, I'm Alpha Amethyst Sapphire," wika ng lalaki.

        "D-Daddy mo siya?" Tanong ni Aquamarine.

        "Yes," sagot ni Alpha.

        "Ah, kasi, kilalang tao siya sa Sapphire island," wika ni Aquamarine.

        "Everyone knows that, what do you need?" Tanong ni Alpha."Help? Job?" Dugtong pa ni Alpha.

        "J-Job?" Pag-iimbento ni Aquamarine, di niya kayang sabihin na ama niya rin si Leonnart Sapphire at narito siya para humingi ng tulong dahil namatay na ang kanyang ina at wala na siyang matatakbuhan pa.

        "i can offer you a job, I need someone to accompany by brat sister wherever she goes," wika ni Alpha.

        "Parang yaya?" Tanong ni Aquamarine. Napangiti si Alpha.

        "No, not like that, you can be her personal secretary," wika ni Alpha."But yoy have to report everything she does every single day when I call," paliwanag pa ni Alpha.

        "Sige po," sagot ni Aquamarine.

        "You can talk to our family's  HR," wika ni Alpha. "So, please let me take you to our house," aya pa ni Alpha.

        "Sasakay ako sa big bike mo?" Tanong ni Aquamarine.

        "Yes, by the way, you are..." Nilingon siya ni Alpha.

        "Aquamarine...Aqua for short," wika naman ni Aquamarine.

        Nakaupo si Deviscent Shane sa kanyang swivel chair sa opisina. Inaantay niya ang pagdating ni Alpha.

Bratinella Camp Series 8:"The Brat Sister"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon