Chapter Three:Now,Meet My Dad

29 0 0
                                    

                Isang linggo na ang nakalipas, halos araw-araw kung isama ni Meg si Aqua sa mall, bibili sila ng mga damit at iba pang gagamitin sa camp.

        "Napansin ko lagi ka lang nagsa-shopping," wika ni Aqua habang tinitingnan nila ang mga binili nila sa mall at sinasalansang sa kama.

        "Kasi mahilig ako sa magagandang damit at saka tama lang 'yan kay daddy naman to credit card tama lang 'yon kaysa doon niya gastusin sa kabit niya," wika naman ni Meg. Napalunok si Aqua, paano niyang sasabihin dito ang totoo baka lamugin nito sa sampal ang pagmumukha niya pag nalaman nito ang totoo.

        "Paano kung may anak pala sa iba ang daddy mo, anng gagawin mo?" Tanong ni Aqua.

        "Kung lalake ang anak niya, bubugbugin ko, kung babae naman sasampalin ko na sasabunutan ko pa," wika naman ni Meg na nanggigigil pa.

        "Nakakatakot ka pala," wika naman ni Aqua.

        "Talagang nakakatakot ako pero ikaw, gusto kitang maging kapatid kasi masarap kang kausap, kasama at pareho tayo ng taste sa damit," wika naman ni Meg.

        "Talaga? Na-touch naman ako sa'yo," wika ni Aqua. "Payakap naman," dugtong pa ni Aqua. Yumakap naman si Meg kay Aqua.

        "My princess!" Tinig iyon ni Leonart Sapphire.

        "Si daddy 'yon, halika, ipapakilala kita!" Sabay hila ni Meg kay Aqua.

        "My princess," tuwang-tuwa si Leonart sa anak.

        "Dad!" Niyakap ni Meg ang ama.

        "Dad, meet my new friend, Aqua," pagpapakilala ni Meg.

        "Good afternoon po," ngumiti ang kinakabahang si Aqua.

        "Kaya pala nahumaling ang nanay ko kay Leonart Sapphire kasi ang gwapo pala ng tatay ko, maganda at gwapo pala ang lahi namin talaga," nasabi ni Aqua sa sarili.

        "O, bakit natulala ka? Ang gwapo ng daddy ko 'no," ani Meg na buong pagmamalaki.

        "Balita ko pupunta daw kayo sa camp?" Tanong naman ni Leonart Sapphire.

        "Yes, dad, next week, si kuya kasi eh ayaw niyang ma-solo ako ni Deviscent dito sa bahay," wika naman ni Meg.

        "Oo naman, baka maaga mo akong bigyan ng apo, mahirap na, ang kuya mo ang gusto kong magbigay sa'kin ng apo at si Rishei," wika ni Leonart Sapphire.

        "Dad, imposible 'yan," wika naman ni Meg.

        "At bakit naman imposible?" Tanong ni Leonart Sapphire.

        "Kasi hindi naman sila, kay Sovereign lang gustong magkaanak ni kuya at kung si Rishei ang makakatuluyan niya naku baka magpa-vasectomy 'yan si kuya," wika naman ni Meg.

        "Sabi ng lolo mo si Rishei ang girlfriend ng kuya mo?" Ani Leonart Sapphire.

        "Ang sabi ni lolo, ang sabi din ni Rishei, eh kung si kuya kaya ang tanungin mo," wika naman ni Meg.

        "Ikaw talaga, samahan niyo na lang ako, mamasyal tayo," aya ni Leonart Sapphire.

        "Sige, ingat," wika ni Aqua.

        "Anong ingat? Kasama ka," ngumiti si Leonarapphire.

        "Talaga po?" Tanong ni Aqua.

        "Oo naman, isama na rin natin si Alpha," wika naman ni Leonart Sapphire.

        "Sige, dad, magpe-prepare lang kami," paalam ni Meg sa ama at humalik sa pisngi nito.

        Dumiretso na sila sa silid ni Meg. Si Leonart Sapphire naman ay nagpunta sa silid ni Alpha.

        "Alpha," kumatok si Leonart Sapphire.

        "Yes, dad, please come in," tugon ni Alpha. Tumuloy naman si Leonart Sapphire.

        "Mamamasyal kami, sumama ka na," aya ni Leonart Sapphire sa anak.

        "Kayo na lang po," patuloy lang si Alpha sa ginagawa sa laptop niya.

        "Si Sovereign, maganda ba siya?" Tanong ni Leonart Sapphire.Napahinto si Alpha sa ginagawa at napatingin sa ama.

        "Mahilig ba siya sa magagandang damit at alahas? Ibili natin siya, gusto mo?" Tanong ni Leonart Sapphire.

        "Hindi siya katulad ni Meg at lalong hindi katulad ni Rishei...Sa ukay-ukay lang siya namimili at kahit saan mo siya pakainin ayos lang," wika naman ni Alpha na nakangiti at tila kakaiba ang kislap ng mga mata.

 "Talaga? gusto ko siyang makilala," wika naman ni Leonart Sapphire.

        "Talaga, dad?" Nagliwanag ang mukha ni Alpha.     

        " Paanong hindi eh para kang nangangarap kung i-describe mo siya," wika ni Leonart Sapphire.  

        "Pero okay lang sa'yo na makilala siya?" Tanong ni Alpha.

        "You're a responsible person, my son, alam ko na kung pipili ka ng gugustuhin mong makasama for the rest of your life ay pipiliin mo ang isang mabuting tao kaya sana before ka pumunta sa resort ay maipakilala mo siya sa akin," paliwanag pa ni Leonart Sapphire.

        "Okay,dad, gagawin ko 'yan matutuwa si Sovereign pag nalaman niyang gusto mo siyang makilala," wika naman ni Alpha na abot-langit ang saya.

        "Pero sa ngayon, sumama ka muna sa'min na mamasyal," wika naman ni Leonart Sapphire.

        "O sige na po, magbibihis lang ako," wika naman ni Alpha.

        Nakasama nila sa pagpunta sa mall ang daddy nila at kumain sila sa labas after nila mamasyal.

        "Hi," bati ni Aqua kay Deviscent nang makita niya ito sa kusina na umiinom ng tubig.

        "When are you going to tell your dad?" Panimula ni Deviscent.

        "Hindi ko ata magagawa 'yun," wika ni Aqua.

        "You have to or else I will," wika ni Deviscent.

        "H'wag naman, sige na...Bigyan mo pa ko ng konting panahon,pagkatapos ng camp," wika ni Aqua.

        "That's too long," reklamo naman ni Deviscent.

        "Gusto ko lang makasama ng matagal si Meg dahil pag nalaman niya isusumpa niya ko at hindi niya na gugustuhing makita pa ang pagmumukha ko," wika naman ni Aqua.

        "How can you say that?" Tanong ni Deviscent.

        "Tinanong ko na siya kung anong gagawin niya sa kapatid niya sa ama kung meron man, gigil na gigil siya alam mo ba na 'nakini-kinita ko na," wika ni Aqua.

        "Ang alin?"Tanong ni Deviscent.

        "I'm loosing my first bestfriend and my sister..." Tugon ni Aqua.

        

        

        

       

Bratinella Camp Series 8:"The Brat Sister"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon