Chapter Two:Meet My Sister

35 0 0
                                    

        "Oo nga pala, si lolo daw pupunta dito bukas," wika pa ni Alpha.

        "Yes, I know and as of what I've heard, he'll bring Rishei with him," wika ni Meg.

        "That girl again," wika ni Alpha na tila naiinis.

        "And now, you have your own nightmare to face," tila nang-aasar na wika ni Deviscent.

        "Naku, tingnan natin kung makatagal siya dito," wika naman ni Alpha.

        "Kuya, be nice to her, she's a nice girl," wika naman ni Meg.

        "Too bad, I'm not a nice guy," wika naman ni Alpha at ngumisi. 

        "Oo nga pala, Aqua, si lolo medyo kakaiba ugali no'n kaya pagpasensiyahan mo na lang," wika naman ni Meg. Ngumiti lang si Aqua.

        Maya-maya ay pumasok ang katulong nila.

        "Ma'am, sir, nandito po si ma'am Rishei," wika ng katulong.

        "Tell her that there's no one here," pagsusuplado ni Alpha.

        "No, manang, take her here," wika ni Meg.

        "I'll go back to my room," wika naman ni Alpha at umalis. Sumunod naman ang katulong kay Meg.

        Maya-maya ay pumasok na sa dinning room si Rishei.

        "Good morning," bati ni Rishei Fial.

        "Come, join us," aya ni Meg.

        "Nasa'n ang kuya mo?" Tanong ni Rishei.

        "He's not feeling well," si Deviscent ang sumagot.

        "Hindi na ko nasanay, lagi naman hindi maganda ang pakiramdam niya pag nandito ako," wika naman ni Rishei. Maya-maya ay bumaba ng hagdan si Alpha.

        "Akala ko ba hindi maganda ang pakiramdam mo?" Tanong ni Rishei.

        "Sovereign called, I'll pick her up," kaswal na tugon ni Alpha at agad na umalis.

        Napabuntong-hininga si Rishei, palagi na lang dinudurog ni Alpha ang pride niya, nagmumukha siyang tanga na hahabol-habol kay Alpha.

        "Rishei, I'm sorry," wika ni Meg.

        "Sanay na ko," pilit na ngumiti si Rishei. "Mahal na mahal talaga niya si Sovereign 'no?" Nilingon pa ni Rishei si Deviscent.

        "Oo, sobra... Hindi mo masusukat, its..." Tumigil lang si Deviscent nang pandilatan siya ni Meg.

        "Balita ko magbabakasyon ka dito, sumama ka na lang kaya sa'min sa camp kasi wala naman dito si kuya sa mga susunod na buwan," wika naman ni Meg.

        "Talaga?" Tanong ni Rishei. "Oo nga pala, who is she?" Tumingin si Rishei kay Aqua.

        "Ah, she's my new  friend and my soon to be bestfriend, Aqua," pagpapakilala ni Meg kay Aqua. Napangiti si Aqua, naisip niyang mabait pala ang half sister niya.

        "Kasama siya sa camp? I thought you don't like being on camp during summer?" Ani Rishei.

        "Binilhan ako ni kuya ng camp pass pati si Aqua, ayoko naman na mag-isa lang sa camp si Aqua di naman siya makakatanggi kay kuya," wika ni Meg.

        That's so sweet, hope your brother will be as sweet as you," wika ni Rishei.

        "He's sweet, so sweet and concern that he wants to send me to the camp to avoid my chances of being with my boyfriend this summer," may pagkasarkastikong wika ni Meg.

Bratinella Camp Series 8:"The Brat Sister"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon