First Day of School Part 1

38 1 0
                                    

"True love isn't love at first sight, but love at every sight" 

Denise POV

June 5 na! ibig sabihin pasukan na! Grabe excited na ako \^______^/ 

bakit nga ba ako ganito ka-excited? XD Di ko din alam eh, siguro may mangyayaring maganda, sana nga :) Nakaayos na din lahat ng mga gagamitin ko. Uniform ko, bag ko, mga libro ko, lunch box ko at mga recycled note book ko. You heard it right. Ako na nag-aaral sa isang sikat at pangmayaman na eskwelahan ay nagbabaon lang ng pagkain at recycled notebook lang ang gamit. Una para tipid sa pera, ginto kasi pakain sa canteen eh, can't afford, pang mayaman lang talaga. Pangalawa, sayang naman ang mga unused notebooks ko kung itatapon ko lang db? maraming puno na masasayang dahil dito. XD

"Denise, bumaba ka na dito, kakain na tayo. Papasok pa kayo." - Mama

"opo, Ma, bababa na po, nag-aayos nalang po ako ng kaunti" Sagot ko kay Mama na nasa kusina ngayon at naghahanda ng almusal namin. Pagdating ko sa kusina para kumain, tinanong ako agad ni Papa. 

"Ready ka na ba sa pagpasok anak?" - Papa

"Opo, ready na po. Excited na nga din po ako. Di ko lang po alam kung bakit." Sagot ko naman kay Papa. Di ko naman talaga kasi alam kung bakit ako excited eh. At ayun, kumain na ako dahil kailangan ko din pumasok ng maaga dahil maghahanapan pa kami ng section.

Malapit lang naman ang Lopez High School sa bahay namin kaya nilalakad ko nalang. Pagdating ko sa school, madami na ding tao. Madami na din ako nakikitan mga pamilyar at kilalang mukha, yung iba naging classmate ko nung mga nakaraang taon, yung iba naman mga bagong mukha na halatang freshman palang. 

Nakakatawa nga eh, unang araw palang pasikatan na sila ng mga gamit at kung saan sila nagpunta noong bakasyon. Dumiretso na agad ako sa Registration Bulletin Board dahil doon nakapost ang mga section per year. Pagdating ko doon, nakita ko kaagad ang bestfriend ko na si Hannah.

"Anong section mo bessy?"  Tanong ko kay Hannah. "IV-Matthew ako bessy,section 1, ikaw ba?" Tanong naman sakin ni bessy.  "di ko pa nga din alam eh, kararating ko lang kasi. Teka, hanapin ko muna ah?" Sagot ko naman sa kanya. Pagtingin ko doon sa bulletin board, nakita ko naman agad kung saang section ako at natuwa ako! Mag-classmate kami ng bestfriend ko!

"Bessy, Matthew din ako! Magkaklase tayo! ang saya nito!"  Sabi ko kay Hannah. "Oh? Masaya nga yan bessy. Tara pasok na tayo sa room natin." Sagot naman ni Hannah sa akin.

Nagtabi kami ni Hannah sa upuan since first day palang naman at wala pang seating arrangement. Nagsidatingan na din naman yung mga kaklase namin. Dumating na din yung adviser namin na si Mrs. Mendiola. Buti nalang kilala ko na sya dati pa, mabait at kwela yan kaya masarap syang magturo. Nagkaroon na din kami ng seating arrangement. Dahil doon, nagkahiwalay kami ni Hannah. Mendoza kasi ang apelyido nya, samantalang ako ay Santos. Nagkaroon din kami ng simpleng self introduction para mas makilala pa daw namin yung isa't isa kahit ang ilan sa amin ay magkakakilala na. Sasabihin mo yung pangalan mo tapos idedescribe mo sarili mo in just one word gamit ang first letter ng name mo. Kunwari, ako denise, decent :) 

Nagkakasayahan na kami sa klase dahil informal class palang naman daw dahil first day palang namin ng biglang dumating si Mrs. De Guzman, ang principal ng Lopez High School at ang kaibigan ng may-ari ng eskwelahang ito.

"Good morning class, IV-Matthew"  Bati nya sa amin. "Good morning Mrs. De Guzman. Masayang bati din namin kay Mrs. De Guzman. "May nais lang ako sabihin sa inyo. May bago kayo magiging kaklase sa inyong klase. Nawa ay maging mabuti kayong magkakaklase at maging masaya sana kayo ngayong huling taon nyo na sa high school. Maiwan ko na din kayo, kayo na bahala sa kanya."  Sabi ni Mrs. De Guzman at tuluyan ng lumabas at pumasok naman ang isang lalaki.

Siguro sya na yung sinasabi ni Mrs. De Guzman na magiging kaklase namin. Mukhang matino naman pero mukhang may di ayos sa kanya eh. "Ako si Rafael Lopez."  Pagpapakilala nya sa amin. "Salamat Rafael. Pwede ka ng maupo. Tumabi ka nalang kay Denise dahil iyon na ang bakanteng upuan." Sabi ni Ma'am Mendiola at tinuro kung saan ako at ang bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Tumingin sya sa dereksyon ko, at biglang may kung ano akong naramdaman. 

_____________

Hahaha,nagkita na sila! :)

Tapos na din ang first day of school nila :)

Magiging magkaibigan kaya sila? :)

Abangan :)

Salamat po sa pagbabasa :)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon