Meet Rafael Lopez

47 1 0
                                    

"Love begins at home, and it is not how much we do... but how much love we put in that action." - Mother Teresa

Ako si Rafael Lopez, 16 years old, laking amerika pero pure tagalog ang salita ko, anak nila Lance at Margaret Lopez, ang mag-asawang sikat at isa sa pinakamayamang businessman sa business world at high society.

You want to know me more?  Sikat, mayaman, talented, gwapo, sunod sa uso, maporma, ngiti ko palang daw maiinlove ka na, lapitin ng girls pero di ako chickboy ah? Isa pa nga lang nagiging girlfriend ko eh, kung anong nangyari? ayoko na pag-usapan. Don't get me wrong, i'm not bitter, sadyang nakamove-on na ako, past is past. hahaha. Kasama ako isang sikat na banda na "The Hope" Band. Medyo pang-international na kami! Yabang ba?

Sabi ng iba, masaya daw ang buhay ko. nasa akin na ang lahat, pamilya, kayamanan, kasikatan, kumbaga maganda at perpektong pamilya. Akala lang nila yun at akala ko lang din yun. Akala ko masaya yung may malaking bahay, maraming gadget o kaya laruan, magkaroon ng magagarang kotse, maraming pera, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Masaya sa una, pero hanggang doon nalang yun eh, materyal na bagay lang kasi ang mga yun, nawawala din. Nakukuha ko nga ang lahat ng gusto ko pero malungkot, wala madalas sila Mama at Papa, as usual, trabaho dito, trabaho doon, palagi ngang wala sa bahay eh, may kasama naman ako, katulong, yaya at minsan ang Ate Eunice ko. Kaya mas pinili ko nalang sa amerika, at least kahit mag-isa ako, ayos lang. sanay na din naman ako. Pero this time, pinauwi nila ako ng Pilipinas without saying any reason. Kung anuman yun, bahala na sila.

Ayan, nagmukhang madrama na ako, hahaha, baka maturn off na kayo sa akin. Korny ko ba? Hahahaha. Pagpasensyahan nyo na ako, minsan lang naman eh.. XD

Ngayong pauwi na ako ng Pilipinas, ano kaya mangyayari sa akin? Namimiss ko din naman ang Pilipinas eh.. Hay buhay..

Sa ngayon, isa lang masasabi ko, PHILIPPINES HERE I COME!!!

__________

Kilala na natin sila Denise at Rafael :)

Ano kaya ang mangyayari kapag nagkatagpo na silang dalawa? :)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon