First day of school Part 2

34 1 0
                                    

"Di pa po pala tapos ang First Day of School nila :) hehehe, pagpasensyahan nyo na po ako ^____^V

________________________

"When love is real, it finds a way."

Rafael's POV

"PHILIPPINES HERE I COME!" 

Sabi ko sa sarili ko. Sinundo ako ng driver namin na si Mang Boy sa airport at dumiretso agad kami ng Mansion namin. Pagdating ko naman ay sinalubong ako agad ng Yaya at mga katulong namin. "Welcome back Sir Rafael." Bati ng lahat sa akin. Ningitian ko nalang silang lahat. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Wala pa ding pagbabago ang kwarto ko, ganun pa din. Iyon naman ang sinabi ko sa kanila, na wag na wag gagalawin ang mga gamit ko. Humiga agad ako sa napakalaking kama ko para sana makapagpahinga. kaso yung utak ko ayaw magpatulog.

Naalala ko pa, dati di pa kami ganito kayaman, masaya kami, sama-sama pero ngayon?? Once in a month ko lang yata makasama sila mom at dad. Busy kasi sila sa trabaho, para naman daw sa amin yun ni Ate Eunice. Sa gitna ng reminiscing ko, may nang-abala at kumatok sa pinto ko. "Sir Rafael, dumating na po sila Sir Lance at Ma'am Margaret. Pinapatawag po kayo. Kakain na din po ng hapunan."  Sabi ni Ate Baby, ang yaya ko. "Susunod na ako."  bored kong sagot ko naman sa yaya ko.

Pagbaba ko ng dining room, nandoon na sila Mom and Dad. "Hi Mom! Hi Dad!" pagbati ko sa kanila. "How are you Rafael?"  tanong sa akin ni Dad. "I'm fine dad." Sagot ko sa kanya. "How's your trip going back here? You looks tired." Si mom naman ang nagtanong. "Yeah. A bit."  sagot ko naman kay mom. "You're going to school tomorrow. Your class starts at 7:00 in the morning and will end at 4:00 in the afternoon. The principal will assisst you in your first class. Mang Boy will drive you going to school and will fetch you after class. Is that clear my son?" Sabi ulit ni mom. Here she go again, my very strict and authoritative mom. "I get it. It's clear."  I said. Oha, napapaenglish na din ako. hahaha..

After namin kumain, umakyat na ako at natulog. Pagkagising ko, kumain at naligo lang ako at pumasok na. Katulad ng sabi ni mom, hinatid ako ni Mang Boy sa Lopez High School which is school na pagmamay-ari namin. Dumiretso ako sa Principal Office para kausapin ang principal na syang mag-aassist sa akin, nagbilin din si mom na di ako pwedeng magpakilala bilang anak ng may-ari ng eskwelahang ito. Wala naman akong pakialam doon. After namin mag-usap ng Pricipal, sinamahan na nya ako papunta sa class room ng supposed to be ng class ko. Nilagay daw nila ako sa Star Section, kumbaga yung matatalino at mayayaman daw. Well, matalino din naman ako kung minsan, hahaha.

Pagdating namin sa room ay bumati agad ang principal sa kanila, "Good morning class, IV-Matthew"  Bati nya. "Good morning Mrs. De Guzman. Masayang bati din nila sa kanya. "May nais lang ako sabihin sa inyo. May bago kayo magiging kaklase sa inyong klase. Nawa ay maging mabuti kayong magkakaklase at maging masaya sana kayo ngayong huling taon nyo na sa high school. Maiwan ko na din kayo, kayo na bahala sa kanya."  Sabi ni Mrs. De Guzman at tuluyan na syang lumabas at saka naman ako pumasok sa loob.

"Ako si Rafael Lopez."  Pagpapakilala ko sa kanila. I'm not good with this self-introductions. Ayoko lang ng ganito, parang sobrang pangbata eh. "Salamat Rafael. Pwede ka ng maupo. Tumabi ka nalang kay Denise dahil iyon na ang bakanteng upuan." Sabi ng teacher na nasa tabi ko and tingin ko ito si Ma'am Mendiola na syang sinabing magiging adviser ko at tinuro ang bakanteng upuan.

Napatingin ako doon sa babae na katabi ng bakanteng upuan na magiging upuan ko. Mukha syang pamilyar sa akin pero di ko alam kung saan kami nagkita. Nagkita na nga kaya kami? pero ayoko ng isipin, mukhang napaka-ordinaryo naman nya eh. Mukhang boring nung magiging katabi ko.

Pag-upo ko sa upuan ko, pinagpatuloy lang nila yung pagpapakilala daw sa isa't isa, at ako naging panghuli sa mga magpapakilala, magsasabi daw ng isang pwedeng description sa sarili mo gamit ang first letter ng name mo. Ang sinabi ko? ROCKY. hahaha, wala lang, iyon unang naisip ko eh, sabi ko naman kasi sa inyo, I'm not good with that. 

After ng self-introduction, nagpaalam na agad ang adviser namin. Informal class daw muna kami ngayong araw sa kanya. Paglabas nya sa room, biglang may nagsilapitan sa akin at sumigaw na mga babae. "waaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!! Rafael Lopez of The Hope Band!!!! Waaaaaaaaaaaaaahh!!! Ikaw ba talaga yan??" Sigaw nila, grabe international na nga kami. Akala ko di nila ako makikilala, nagkamali ako at grabe ang ingay ingay nila. Nagsasabi lang ako ng totoo, kulang nalang sumabog eardrums ko sa kanila eh. 

"Pa autograph naman oh? Kahit isa lang" Sabi nung payat na babae. "Ako din, please?"  Sabi naman nung isa ding payat na babae pero akala mong may harina sa mukha sa kapal ng make up. "Girls, ako muna okay?"  Sabi nung pangatlo dun sa dalawang nauna. Maganda sya, maputi, may itsura din naman, sexy pero definitely not my type. hahahaha."Raf, pa autograph naman ako. Sabi nya sa akin with matching feeling close sya sa akin. Naku naman.tsk. Nagpa-puppy eyes pa sila sa akin. Pinagbigyan ko nalang sila kaysa naman kulitin nila ako. Pagkaalis nila, napatingin naman ako sa katabi ko na nagbabasa lang ng libro. Di ba sya aware sa nangyari? di manlang nya ba talaga napansin na nilapitan ako nung tatlong babae? Grabe. For the first time, na snob yata ako.

Dumating na din ang teacher namin ulit, pakilala, aalis, pakilala, aalis. At ganito lang natapos ang first day ko. 

_________________________________________

Hahaha, totoo na po ito, tapos na ang first day of school nila :)

Hehehe, sana po magcomment po kayo para alam ko po if nagugustuhan nyo po at para makilala ko kung sino po yung nagbabasa hehe :) salamat po sa inyo :)

Have a blessed monday :)

GODBLESS :)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon