7 | That Quirky Love Story

132 13 21
                                    

• • •

Critic: GGeraldinous
Author: Amyltary

Let's get straight to the point. Ayaw ko ng ka-ek-ekan hahahaha hahaha haha ha h °.°

A. Emotion

Medyo serious ang aura ng kwento. Medyo mabigat. Lift up mo siya nang paunti-unti. Kasi kapag puro heartbreaks at problema ang laman ng story, mapapagod kami sa pagbabasa.

The key point there is kapag nagsimula ka nang mabigat, the rest follows.

Always remember that your first 2 chapters control the reader's impression on the succeeding chapters. Kaya halimbawa ng iyo, kapag heartbroken si Faith, mararamdaman iyon ng mga readers kahit sa susunod pang mga kabanata. Ang resulta, hindi sila matatawa kahit magdagdag ka ng humor doon, kasi nga ramdam pa rin nila ang sad feelings ng bida.

For example, if napansin mo stories nina Jonaxx, Maxinejiji, UndeniablyGorgeous at mas lalo na si VentreCanard, dinadala ng first chapters nila (except Prologue) ang emotion ng buong kwento. Kaya mapapansin mo ring light ang concepts ng first parts nila para hindi masyadong mabigat dalhin sa susunod pang kabanata. Remember that this is just your introductory part.

I-try mo ring magdagdag ng settings ta's idescribe mo. Nakakatulong iyon para hindi nakakulong sa isang sulok ang istorya. Magdagdag ka ng ibang events na may matutunan ang mga readers para hindi masyadong naka-focus sa iisang tema.

B. Characters

The description alone can make your readers infere that the story is a bit simple and cliché. Kaya naman ang characters ang pinaka-asset mo para ma-ijustify mong unique pa rin ang kwento. Iyon ang nagpasikat actually sa mga stories like "He's Into Her", "My Husband is a Mafia Boss", "The Four Bad Boys and Me", etc. Kakaiba ang characteristics ng bida kaya mahu-hook ka sa storya.

Faith is the "unexpressive type" kaya hindi masyadong kalog ang kwento. Si Laarni naman ay yung tipong medyo blur sa akin. 'Yung kahit naka-15 chapters ka na ay hindi ko pa rin masyadong kilala.

Just make sure din na may distinct characteristics sina Frat at mysterious guy para hindi mapagkamalang parehas.

I observed din na parang nakafocus ang beginning chapters mo sa unrequited feelings ni Faith. Mas maganda siguro kung kahit kaunti ay bigyan mo kami ng idea sa kung ano ang life ni Faith since siya naman ang may-ari sa first person's point of view. 'Yung para bang may part na nagkwekwento siya tungkol sa buhay niya or sa self niya, kahit minor details lang, para ma-establish naming readers kaagad ang katauhan niya. Imagery is very important for a story.

And since kay Faith ang POV, challenge sa 'yo na ipakilala ang mga ibang characters using her perspective. Describe mo si Laarni para ma-imagine na namin kung anong itsura niya. Describe mo rin kung anong klase si Frat or mga pananaw niya sa buhay, parang hindi kasi ako kontento na physical lang na-describe sa 'yo.

In this way, magkakaroon ng connection ang readers sa characters. Mas mafi-feel nila ang nararamdaman ng mga tauhan. Hindi rin magiging one-sided ang story kasi baka mahahati ang panig ng ilan pag naintindihan nila ang ibang tauhan, baka magsisilabasan na ang team Frat, Team Laarni, Team Transferee.

C. Flow

When it comes to the flow of story, no comment na ako. Simple lang naman siya kaya walang masyadong gasgas at butas. The pacing is okay at hindi naman ako nabibilisan sa transition.

Actually, malinis naman ang pagkakagawa nito, free from typos and such errors. Katamtaman ang word count kaya hindi masakit sa mata. Walang matutulog sa pancitan hahaah, basta sabi ko nga huwag palaging sa heartbreaks naka-focus dahil pag nabigatan ang readers, bibigay sila.

May mga bagay na hahanapin ang readers pag nagbabasa sila, (according to my observation, 2020... lol) either:
1. Kilig
2. Action
3. Mystery
4. Erotica
5. Humor

Para maging effective, I suggest develop number 1 and 5. Lagyan mo ng sweet scenes sina Faith, Frat, at Laarni para ma-justify na mahihirapan nga si bida sa pagpili gaya ng nasabi sa blurb.

Suggest ko rin na ipakilala mo na si transferee kaagad. If ever na si mysterious guy ang transferee, ipasok mo na siya kaagad bago pa butasin ng appearance ng lalaki ang plot ng story.

Huwag mo nang patagalin ang introductory part. Write straight to the point in accordance with the blurb. Sabi mo nga doon:

"While moving on, due to some circumstances, Faith found herself torn between three people who happen to have feelings for her."

Dapat hindi mo na pinapatagal ang appearance ng mga scenes na ito.

Reading Analysis:

I actually enjoyed reading your story. Medyo hindi ko ramdam nung una kasi hindi expressive si Faith. Pero may slice of life din kasi plot niya, iyon ang kagandahan. Idagdag mo pa tong si Laarni na may secret feelings pala. Kala ko nga nung una is ibang bestfriend ang tinutukoy sa blurb. Na may dadating na lalaki tas siya magiging isang best friend ni Faith hahaha. Ta's may pa-yaoi-yaoi ka sa story ko eh ikaw naman pala 'tong -- 😂.

Kung hanggang saan natapos ang votes ko, iyon rin ang maximum range ng nabasa kong part. So I assume, alam mo na.

So ayan, good luck sa writing journey mo. Sulat lang nang sulat. Alam kong may future ka sa mundo nito.

Badge: Gold

Note: To find out what the badges signify, kindly check the chapter intended for rules.

• • •

Wordsmith Lobby [CLOSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon