15| Strange World

45 3 4
                                    

Critic: _thrinine-blue_
Author: nikhouw

* TITLE
Strange World, kagaya ng pamagat ng akda mo ay gano'n din ang nararamdaman ko. To be honest, your title is not that catchy ngunit may naramdaman naman akong pagka-interesting sa aking mga litid sa pagkabasa ko roon. Wari'y hindi ito gano'n kapatok sa aking panlasa ngunit h'wag kang mag-alala, parang pre-judgment pa lamang ito.

* DESCRIPTION
Ang tula na inilagay mo roon ay talagang nakakahatak ng atensyon, nagbigay ka ng maayos na paglalarawan sa magiging karakter ng iyong akda. Though, may mga napansin akong mga errors o pagkakamali roon kagaya ng Subject-Verb Agreement. Sa pangalawang taludtod ng tula, "She possess a voluptuous body" siguro'y nakaligtaan mo na ilagay sa S-form ang salitang 'possess', dapat ay 'possesses' ito. Isa pa ito sa aking napansin, base sa aking pananaliksik ay walang salitang 'depise' at tingin ko'y 'despise' ito.

* BOOK COVER
Masasabi kong akma ang pabalat ng iyong akda sa pamagat at sa takbo ng kwento. Damang dama mula rito ang fantasy vibe ng istorya. Ang bughaw na kulay na pumapalibot at nakasakdal sa iyong pabalat ay tamang-tama lamang. Nakakahatak ng interes ang font style at portrayer na ginamit dito.

* PROLOGUE
Nakadadala na - Prologue pa lamang. Ella's personality is likable pati na rin ng pusa niyang maldita na si Alicia. I agree with the others na they're totally perfect nga for each other. Malakas ang hatak ng panimula mo. Maayos at walang gano'n ka-lubak sa paraan ng pagsulat mo. Marahil, siyam mula sa sampung mambabasa ang magpapatuloy sa pagbabasa dahil talagang maayos mong nabigyan ng paglalarawan, emosyon, at lasa ito.

* CHARACTERIZATION
Maayos mong naisalamin ang pagkatao at karakter ni Ella, mula simula hanggang sa dulo ay hindi nawala sa kanya ang pagiging malakas, matapang, mayabang at katatawanan na isang magandang atake para sa mga mambabasa dahil nagiging light ang story at hindi gano'n kabigat ang mga nangyayari. You actually gave definite and accurate na pampalasa sa karakter ni Ella, saktong-sakto. Base sa aking mga obserbasyon, sa araw-araw na pamamalagi ng paningin ko sa Wattpad ay alam kong ito ang mga tipong karakter ng mga mambabasa sa panahong ito.

Why? May pagka-hambog, matapang at malakas na personalidad--- yet, may bahid ito ng iyong orihinalidad na lalong nagdagdag ng kaangasan sa katauhan ng iyong pangunahing tauhan. Ngunit, nakakapanibago lamang ang parte na nang marating na niya ang ibang mundo ay wari'y hindi man lamang siya nag-alala at natakot, bagkus ay mistulang nagagalak pa siya. Hindi rin bakas sa kanya ang pagtataka at pag-aalinlangan, ang dating nito sa akin ay parang sanay na siya sa mga nangyayari sa kanya. Isang malakas na hatak sa akin ang pag-aakala kong magiging main lead na si Kiel, bumungad at nawala tapos bigla na namang bumalik which is quite exquisite. Maayos mo ring nabigyan ng paglalarawan ang iba pang mga karakter.

* TECHNICALITIES
1. Napansin ko na hindi ka gano'n ka naglalagay ng mga punctuation pagkatapos ng bawat diyalogo na talagang kailangan. Maaaring ang maging atake nito sa mga mambabasa ay hindi nila alam kung ano ang dapat na maramdaman nilang emosyon galing sa karakter. Learn to use punctuation marks, especially periods and commas.

2. Hindi ko ito mai-e-elaborate nang maayos kaya ihahayag ko na lamang ito sa paraan ng pagbibigay ng mga halimbawa:

a. "Gusto mo ng gulo girl?" = "Gusto mo ng gulo, girl?"

b. "Sigurado ka ba tanda?" = "Sigurado ka ba, tanda?"

c. "Mag-ingat ka iha." = "Mag-ingat ka, iha."

Kapag naghahayag ang isang karakter ng statement sa isa pang karakter ay mabuti kung nilalagyan ito ng tanda ng paghihiwalay lalo na kapag kalakip nito ang pagbanggit sa pangalan ng karakter na pinagsabihan.

Wordsmith Lobby [CLOSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon