Prologue

59 3 0
                                    

Prologue

Nasaan ka na ba? Akala ko nangako ka na hinding-hindi ka mawawala at laging andito ka lang sa tabi ko para gabayan at suportahan ako. Paano na 'yung sinabi mong mamahalin mo ako hanggang maubos ang kahapon, matapos ang araw-araw at mawala ang bukas? Bakit nag-iisa ako ngayon sa kabila ng mga pangako mo?


Viehcel. Where do you think you're going?

Alam mo bang naiinis ako sayo ngayon dahil pinaparamdam mo sa'kin ito nang hindi mo namamalayan? Na hindi mo alam at lalung-lalo na kahit sa panaginip alam kong hindi mo nanaising saktan ako.


Vieh for God's sake. You're not in yourself again. Bring back your senses will you?


Pero sa lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, bakit sabik na sabik akong masilayan muli ang mga ngisi mo sa tuwing inaasar mo ako. Mga mata mong nakangiti sa tuwing tumatawa ka. Dan-dan miss na miss na kita. Gusto na kitang makita at makasama muli.

Nabalik ang diwa ko nang bigla akong hilahin ni Aira Irelia Nerien Serrano. My bestfriend. Muntik na akong masagasaan nang maglakad ako sa highway na GO or Green sign ang makikita sa traffic lights.

"Viehcel Hernandez, alam ko na malungkot ka at hindi mo matanggap na wala na siya but it doesn't mean you need to act like that. Do you want to die? Gosh! Mababaliw ako sayo."

Sa halip na sumagot ako ay humagulhol ako ng iyak. Hindi ko na kaya ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Ang sakit-sakit na, sobra! Bakit ganito? Dapat wala lang siya sa akin di ba? Inaaway niya ako noon pero bakit ngayon na maayos na kami. Bakit ganito ang nangyari? *cries*


Lumapit sa akin si Ain para yakapin ako. "Vieh, hindi ko alam kung gaano kasakit para sayo ang pagkawala niya but best, you need to move on. Life must go on. It is not right to stuck yourself because of him." Iyak lang ako nang iyak. Oo kung iisipin ay ang OA ko na pero masakit eh, mahal ko 'yung tao pero wala na eh. Gusto ko na lang mamatay.


"Don't you dare think about that. Kung nandito siya ayaw niyang isipin mong mawala na lang din and you know that. Sa tingin mo ba magiging masaya siya kung makikita ka niyang ganyan?" Yes, I know it's quite weird na alam niya na gusto ko na ring mamatay pero sadyang kilalang-kilala niya lang ako.

Hindi na ako sumagot kasi alam ko namang tama si Ain. Hindi siya magiging masaya kung ganito ako. Pero paano ako magsisimula kung ang lalaking mahal ko ay wala na? I don't know how to start again especially that I know into myself, he will never come back again. 'Coz he's already...dead.

Dale Jazz Wren Daniazeff. Is this really the end?

Next to I HATE YOU, you got ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon