Last Chapter

21 2 0
                                    

The Ring

Third year college na ako. Pinagpatuloy ko ang buhay sa kabila ng pagkawala ni Dj. Alam kong hindi siya magiging masaya kung sisirain ko ang buhay ko ng dahil sa kanya. Dahil sa hindi ako pumasok noong 2nd year 2nd sem naging irregular ako at more than 30 units ang kinukuha ko ngayon para mahabol ang mga kaklase ko sa subjects.

"Vieh. Grabe ka sobrang loaded ang schedules mo tapos may feasibility study pa tayo. How can you manage your time as simple as that?" Natatawang nagkibit-balikat ako kay best Ain. Paano ba naman naglalaki talaga ang mata niya. "Kaya mahal na mahal ka niya dahil sa mga katangian mo rin siguro."

Hindi ako kumibo. Alam kong si Dj ang tinutukoy niya. Nakakaya kong ipagpatuloy ang buhay pero hindi pa rin ako ganun ka-open sa usapang involve si Dj. Pero tanggap ko na rin na wala na siya pero hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Dj at hindi na magbabago 'yun.

Nagpaalam si Ain na may pasok na daw siya ako naman ay nandito pa rin sa library para gawin ang Introduction ng ginagawa kong feasibility study. Individual project kasi siya kaya hinati sa dalawang semester. Nang magutom ako ay pumunta akong canteen at diretso sa may field ng school. Doon na lang ako kakain para marelax ang isip ko at gumana ng maayos para sa feasib.

Habang kumakain ay naaalala ko na naman siya. Pinilig ko ang ulo ko para maalis siya muna sa isip ko, ayokong umiyak dito. Kukunin ko na sana 'yung laptop ko sa bag. "Aray!" Nang biglang may tumamang bagay sa ulo ko. Ang sakit nun ah. Pinulot ko 'yung nahulog at napansin kong singsing pala 'yun. Watda! Ano naman 'to? Sinong mokong ang magtatapon nito dito at galing pa sa taas. Gosh! This is so beautiful and very expensive ring just to throw. Last I check, this is the ring I want to buy but I can't afford it because its worth php 500,000 tapos itatapon lang.

"Hey miss! Did you notice a ring here? I dropped it from the rooftop." Oh that explains why. Eto kasing pwesto ko ay kung titingin ka sa taas ay mapapasin mo na katabi lang ng inuupuan ko 'yung building kung saan nandun ang rooftop.

"Here! Tinamaan ako niyan sa ulo at masakit ah." Binigay ko sa kanya 'yung singsing kahit gustong-gusto ko 'yun.

"Sorry Miss. By the way, I'm Ezikiel Constancio. You are?" Nakanaks! Englishero si kuya. >______<

"Viehcel Hernandez is the name. Nice meeting you mister. Anyway, I have to go I need to finish my goals for today. Bye." Mabalis kong pinulot ang mga gamit ko at patakbong umalis doon at pumuntang library. Siguro nagtaka kayo kung ano 'yung nabanggit kong goals. Goal ko kasing matapos ang Intro ng feasib ko this day bago magstart ang next class ko kasi wala na akong free time nun dahil sunod-sunod na klase ko.

Pagpasok ko sa next class ko napansin kong nakaupo sa upuan ko si Ezikiel, 'yung lalaking nakilala ko kanina. Napansin niya sigurong dumating na ako kaya tumayo na siya.

"I won't given a chance to say thank you awhile ago 'coz you're quite in a hurry. Thank you by the way and sorry for the ring." Nag-aalangang sabi niya habang ngumingiti. Pareho sila ng mga ngiti ni Dj.

"No problem. Its okay. By the way. Kaklase pala kita sa subject na 'to?" Nakangiting tugon ko.

"Actually lahat ng subjects mo. Sadyang iwas ka lang makipag-usap sa amin. Sila Ain lang ang lagi mong kinakausap. Transferee rin kasi ako." Nahiya naman ako sa sinabi niya. Kaklase ko pala siya pero hindi ko man lang napansin.

"Oh! Sorry. I didn't mean to-" Di ko na natapos ang sinabi ko dahil sinabi niyang okay lang daw 'yun. So nakipagkwentuhan ako sa kanya habang wala pa 'yung prof.

Nang mga dumaang araw ay lagi kong kausap si Ezikiel. Magkaibigan na nga kami eh.

"Best infairness talaga bagay kayo ni Zeke. Grabe best iba 'yung chemistry niyo. Tapos pansin ko iba 'yung mga tingin niya sayo." Zeke kasi ang nickname ni Ezikiel, ewan ko nga ba paano nabuo yun. Nga pala kasama ko si Ain dito sa kwarto ko at 'yan siya tinutukso na naman ako kay Zeke.

"Vieh. Crush mo si Zeke no? Iba rin kasi tingin mo sa kanya." Naiiling na tugon lang ang ginawa ko sa sinabi ni Ain. "Dali na best, ano nga crush mo? Imposibleng hindi, ang gwapo-gwapo 'nun. Matalino at talented. Eto pa super bait so ano crush mo?"

"Oo na.. Oo na, crush ko siya. I like him pero hindi pwede kasi feeling ko niloloko ko si Dj at tsaka di ba sabi niya nga hinahanap niya 'yung babaeng gf ng lalaking tumulong sa kanya noon." Hindi ko alam kung bakit niya hinahanap pero 'yung isip at puso niya raw ang nagdidikta sa kanya na dapat mahanap niya 'yung babaeng 'yun. Sa tuwing napag-uusapan ang babaeng 'yun ay bumibilis ang tibok ng puso niya.

Sumimangot si Ain sa sinabi ko. "Best alam mo minsan naisip ko sa sobrang talino, ganda at ka-talented mo minamalas ka sa pag-ibig." Natawa na lang ako sa sinabi ni Ain.

"Sus. Nagsalita ang maraming experience.Tumigil ka nga Aira Irelia Nerien Serrano baka naaalala mong NBSB ka." Nangungutya ko sa kanya. Lalong humaba ang nguso niya.

Nagkwentuhan at movie marathon lang ang ginawa namin ni Ain. Weekends kasi ngayon. Pahinga namin. Pero sa totoo 'yung sinabi kong gusto ko si Zeke ay totoo kaya lang may nagmamay-ari na ng puso niya. Siguro naman hindi magagalit si Dj na magmahal ako ng iba. Hmm. Speaking of Dj, matagal-tagal na hindi ko na siya nadadalaw simula ng naging busy ako sa school.

Nandito ako sa sementeryo para dalawin si Dj. Pagdating ko sa puntod niya ay napansin kong may bulto ng isang lalaking nakatayo kung saan nakaharap sa akin ang likod nito.

"Zeke? Anong ginagawa mo dito?" Lumingon siya sa akin na nagtataka tulad ng mababanaag sa mukha ko.

"Dinadalaw ko lang ang lalaking nagligtas ng buhay ko noon. Ikaw ano ginagawa mo dito?" Naguguluhan man kung sino ang tinutukoy niya pero hindi ko na lang pinansin.

"Dinadalaw ko lang 'yung yumao kong boyfriend. Matagal ko na rin kasing hindi siya nadadalaw baka nagtatampo na siya sa'kin." Tugon ko sa tanong niya habang nilalagay ko sa puntod ni Dj ang bulaklak na dala ko.

"Sh!t. Tell me Viehcel. Is Dj your boyfriend? Dale Jazz Wren?" Nanglalaking mata ni Zeke na tanong sa akin.

"Yes. Why?Is there-" Napatigil ako sa sasabihin ko. Naintindihan ko na, siya ang taong nakakuha noon ng puso ni Dj. Napaiyak ako sa nalaman ko.

Dj.. Anong ibig sabihin nito? Bakit si Zeke? Bakit 'yung taong nagugustuhan ko ngayon ang nag-aalaga sa puso mo? Niyakap ako ni Zeke.

"Marahil eto ang gustong mangyari ni Dj. Alam mo bang pumunta ako dito sa puntod niya para magpaalam na hindi ko na hahanapin ang girl friend niya para sayo. Viehcel. Mahal kita." Naiiyak ako sa narinig ko. Totoo ba 'yun Dj? Eto ba ang gusto mo? Ang maging masaya ako sa taong 'to? Hindi man sayo ay sa taong nakakuha ng puso mo?

"Mahal na rin kita Zeke." Pero kahit ganun Dj. Mahal din kita. Hinding-hindi na magbabago 'yun. Salamat sa lahat. Darating ang panahon at magkikita rin tayo sa kabilang buhay.

Next to I HATE YOU, you got ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon